Chapter 2

289 17 0
                                    





Megan POV;

"Megan my labssss!"
Hindi ko mapigilang hindi mapayuko dahil sa hiya na nararamdaman, umalingawngaw ang boses nito sa apat na sulok ng cafeteria.

"Naks! Megan, Yung labidabidadabs mo nandiyan na!" Kantyaw ng isa sa mga kaklase ko nasa malapit na mesa lang siya.

Dang!

"Bes! Si Franchisca ang laki ng ngiti oh!" Anang Heaven, naramdaman ko naman ang pagsundot sa akin ni Nami.

"Yiee! Kilig ka 'no?" Kantyaw ni Nami. Inis ko silang tinignan.

"No way! Shut up." Saway ko sa kanila at mabilis na kinain ang pagkain ko.

Mas nainis ako ng marinig ko si Heaven na pinalapit sa amin sila Franchisca! Bwesit!

"Franchisca! Dito na kayo maupo!" Yaya ni Heaven, "Oo nga!" Sang-ayon ni Nami nakita ko sa peripheral vision ko ang mapanuksong tingin nila.

"Talaga?" Jolly na tanong ni Franchisca.

Tumango tango naman ang mga kaibigan ko. Okay, Megan.. Your Temper. Inhale, Exhale, Inhale, Exhale,

Agad akong napa igtad ng maramdaman ko ang pag-akbay nito. Inis ko aiyang tinignan, pero ngumiwi lang ito ng mabilis sabay ngiti ulit, Ang totoo? hindi ba siya napapagod sakaka ngiti?!

Mabilis kong inalis ang braso nitong naka akbay sa akin. Saka dumistansya sa kanya. "Can you please stay away from me?!" Hindi ko mapigilang sigawan siya dahil sa inis.

Nakita kong natigilan ito, sabay yuko. Pati na'rin ang mga estudyanteng naririto ay natigilan din.

--------







Franchisca Veins POV;





Napapahiya akong napa yuko sa upuan. Pakiramdam ko bigla na lamang sumakit ang dibdib ko.
Ilang beses na niya akong sinigawan, pero bakit ganito?

Bakit parang bago pa'rin?

"Ehem! Ano ba guys! Huwag tayong highblood okay? Chill lang, Right honey babe?!" Ngising ani Nami kay Bea.

Pero alam kong inirapan lang siya nito.

"Tch! Tumigil ka nga! Honey babe mo mukha mo!" Singhal nito.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga tao.

Narinig ko naman na nagsimula na naman silang magbangayan na dalawa, pero wala akong paki-alam. Ramdam ko pa'rin ang sakit, sumisikip. Parang hindi ako makahinga.
Wala sa sarili kong nahawakan ang dibdib ko.

"Hey, You okay?" Napa angat ako ng tingin ng magtanong si Bea, Ngumiti ako sa kanya, I showed her my gummy smile. Para ipakita na ayos lang ako.

"Psh, Akala niya naman papansinin ko ang pag-eemote niya," Rinig kong bulong nito kaya mas dumagdag pa ang sakit sa puso ko.

Tumingin ako sa kanya, Nakita kong natigilan ito. "I will always love you..." Puno ng sinseredad, pagkatotoo at pagmamahal na saad ko.

Kahit na nahihirapan ako dahil sa sakit na nararamdaman. Pinilit kong sabihin iyon dahil iyon ang totoo.
Narinig ko naman ang sunod sunod na kantyaw ng ilang estudyante siguro dahil narinig nila ang sinabi ko.

'Naks! Mga Banat ni Veins panmalakasan pati kami nilalanggam!'

'Iba mag mahal ang Franchisca Veins!'

'Takte! Sinigawan na, Mahal ka pa'rin niya! Sheyt! Sagutin mo na!'

Hindi ko mapigilang hindi mapa ngiti, Ang kaninang gulat na mukha nito ay napalitan ng pagkaseryuso. Bakas sa kanyang mga mata ang pagka-disgusto.
pero nanatili lang itong tahimik.

Na ngunot ang noo ko dahil sa biglang tumahimik ang buong Cafeteria.

"Guys! Look!" Sigaw ng isang estudyante. Agad kaming napa tingin sa Entrance ng Cafeteria. Mas napa kunot noo ako ng makita ang karebal ko.

Ang MVP player, ng Basketball team.
Hindi ko mapigilang mapa-irap. Naka tuxedo ito.

May dala dalang bouquet, saka chocolate. Tsk! Saka may naka lagay sa labi niya na isang red rose. Narinig ko ang sigawan ng mga tao.
Mga Piste!

Bigla akong napa busangot ng makitang naglalakad ito palapit sa amin. Or should I say, para kay Megan my labssss!

Mas lumakas pa ang sigawan ng mga tao, ng lumuhod ito mismo sa harapan ni Megan kita sa mukha nito ang amusement.
Bakit ganun?! Unfair!

"For you," Para yata akong masusuka dahil sa lambing ng boses mito. Bwesit! Ang chaka!

"Hindi niya 'yan kukunin, Believe me!" Maangas na agaw pansin ko rito. Nakita ko ang pagkunot noo niya na para bang ngayon lang napansin na nandidito ako.

Goodness!

Tumingin ako kay Megan ng nakita kong nakatingin ito sa akin, Umirap muna ito bago tumingin kay Bading.

Hindi niya kukunin 'yan!
Paulit ulit ko sa isipan ko. Kilala ko si Megan, Simula junior high ayaw na ayaw niya 'yang ganyang mga istilo ng panliligaw.
She hates chocolates, lalo na ang red roses.

"Please, sana tanggapin mo," He plead. Ang chaka!

Hindi niya nga kukunin 'yan!
Pilit ko sa isipan.

Narinig ko naman ang pagtibok ng puso ko, kinakabahan ako. Dahil na'rin kung tatanggapin ba niya o hindi saka ang mga komento rin ng ibang estudyante.
May ibang sumasang-ayon. Meron ding hindi.

"I told you hindi---" Naputol ang sasabihin ko ng makitang kinuha ni Megan ang chocolates and roses. Mas lalo pa akong na gulat ng makitang inamoy niya ito.

I know! I-I k-know.. na ayaw na ayaw niya ng red roses. B-But..

"Tsk! Gulat ka? Expect the unexpected,
Ms.-oh-so-called-Perfect." Panunuya nito. Hindi ko mapigilang hindi siya tignan ng masama.

"Really? Mr. Dumbass boy?" Pabalang na tanong ko. Pero imbes na mainis ay ngumisi lang ito, Ang mga mata niya ay puno ng panlalait. Pero isinawalang bahala ko ito.

Tumingin ako kay Megan naka ngiti ito, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mga mata.

Puno ito nang paghanga??
Ewan! Hindi ko alam!

"Do you like it?"
Tanong ni Bading!

Inis akong nag-dekwatro sabay maarteng tumingin kay Bading bago kay Megan my labsss.

Kahit na nasasaktan ako ay nanatili lang akong tumingin sakanya, Hoping na humindi siya, na-umiling ito.

"No." Maikling sagot nito.

Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng saya, Sobrang saya. Nakita ko kung paano malungkot ang mukha ng bading,

"Serves you right!" Naka ngising bulong ko.

Pero ang kaninang masayang nararamdaman ko ay napalitan ng sakit, dahil panandalian lang pala ang sayang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko kasabay ang puso ko.

And the one thing I knew, Hinila na lang ako palabas ni Bea. Pero ang tingin ko ay na kay Megan, Ang ngiti ko ay gumuho napalitan ito ng pagkaseryuso. Nakatingin ito sa akin, nagtitigan kami mata sa mata at d'on ko ipinahiwatig sa kanya ang pagka disgusto ko sa kanya sinabi,

'I don't like it, Because I love it, John!'

W-Why? Alam kong ayaw mo n'on, pero pag-alam mong nandodoon ako ay ipinapamukha mong mali ako? Na lahat ng alam ko sa'yo ay mali?
G-Ganyan na ba niya ako ka disgusto?

-----------

-edited-

Don't forget to Vote, Comment, and Follow!

Hopelessly InloveWhere stories live. Discover now