Chapter 3

257 16 1
                                    

[Grammatical Error Ahead]

Franchisca Veins POV;

"Girl kain ka oh,"

Wala sa sarili akong napa tingin kay Bea, Nandidito kami ngayon sa Pool Area ng University, Tumingin ako sa hawak niya.

"Ano 'yan?" Malumanay na tanong ko,

"Tsk! Malamang pagkain, Burger ang laman niyan saka Chuckie. 'di ba paborito mo 'yun!" Ngiting saad nito. Kinuha ko ito saka mabilis na binuksan ang paper bag at kinuha ang dalawang Burger,

Nagsimula na akong kumain habang nakatingin lang sa may Pool, Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko.
"Friend, Alam mo bilib ako sa'yo," Agad akong napatingin kay Bea dahil sa sinabi nito.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, "Bakit naman?" Takang tanong ko. Ngumiti ito.

"Kasi kahit na nasasaktan ka, kahit palagi ka niyang tinataboy... bumabalik ka pa'rin sa kanya at wala 'atang araw na hindi mo sinasabing mahal mo siya," Natatawang saad nito.

Ngumiti ako, "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango tango naman ito.

"Ewan.. siguro dahil mahal ko talaga siya," Natatawang sagot ko sakanya,

Ang totoo hindi ko talaga alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay mahal ko na siya.

"Hindi ka ba napapagod?" Napa ngiti ako ng mapait dahil sa tinanong nito, Tumingin ako sa kanya, "O-Oo," Saad ko rito sabay yuko.

Napapagod na rin naman ako. Nakakapagod na paulit-ulit na humahabol sa kanya, magpapansin, mapahiya, pero sanayan nalang 'to. Mahal ko e,

"Kung ganun, bakit hindi ka nalang tumigil?" Tanong nito.

I chuckled before looking at her again. "Bakit ba, pagba napagod ang isang tao dapat bang tumigil na?" Balik na tanong ko rito, Nakita kong natigilan ito, pero nanatili lang tahimik. "Oo inaamin ko napapagod na 'ko, napapagod din ako, hindi ako robot para hindi makaramdam ng pagod lalo na ng sakit, pero hindi ibig sabihin n'on, titigil na 'ko, Kasi Bea kung napapagod kana pwede ka namang magpahinga, pero h'wag kang titigil, Habulin mo ang gusto mo--kasi r'on ka sasaya," Mabahang lintaya ko.

"Pero... p-paano ang sarili mo?" Tanong niya, Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, "Baka sa sobrang paghahabol mo sa kanya, mawalan ka na ng pagmamahal sa sarili mo, Baka maubos ka? At kung mangyari 'yon, p-paano ka mabubuo? Mahirap 'yon 'di ba?" Napatigil ako sa sinabi nito.

Tama siya,

"Alam kong mahirap iyong gawin, Pero kakayanin ko pagdumating ang panahon na hindi niya pa'rin ako piliin, I will accept my lose. Kasi mahal ko siya, kung s'an siya sasaya, D'on ako." Sagot ko sa mga katanungan niya.

"Oo nga't mahal mo siya ng sobra, but please Ugat, Love yourself first." Payo nito.

"How can I love myself, when my Love and Happiness depends on her?" Asik ko rito.

Napatawa ako ng napatampal ito sa noo, "Nako po! Ang lalim na nga ng pagmamahal mo sakanya! Lunod na lunod ka na!" Iiling iling na sambit mito,

"Yup! Nang nagpa-ulan kasi si Megan my labsss ng pagmamahal nandoon ako saka nalunod," Banat ko rito napa ngiwi naman ito,

"Pero extra ka lang d'on, dahil hindi naman para sa'yo ang pagmamahal na inilabas niya. Inshort naligaw ka lang!" Kontra nito kaya napa busangot ako,

Ang sama sama ng kaibigan ko! Bwesit!

"Paano ko kaya siya mapapa-inlab sa akin?" Out of the blue moon na tanong ko sa sarili,

"May suggestion ka ba?" Tanong ko rito, "Wait teka lang, Mag-iisip ako!" Sambit niya at nag-isip din kaya nag-isip din ako.

Hopelessly InloveWhere stories live. Discover now