Ang Nangyari Kay Alex sa Construction site Part 5

983 12 0
                                    

Patuloy ang daloy ng trabaho sa construction site. Walang bakas ng mahiwagang kaganapan na nangyari noong gabi ng Linggo. 


Si Bong ay abala sa pag-supervise ng iba’t-ibang trabaho sa ginagawang bahay. Istrikto si Bong sa pamamalakad ng construction.  Si Jomar ay  datihang palabiro at maharot pa rin. Samantala tila may bumabagabag sa pinsan niyang si Caloy  dahil madalas na parang malalim ang iniisip nito at maingat na iniiwasan ang makipagusap o makihalubilo kay Bong.  Sa tuwing pagsapit ng gabi, napansin ni Caloy na minsan pasulyap-sulyap si Bong sa kabilang bahay, habang nagsisigarilyo ito sa bakuran ng bahay.


Sa kabuuan ng linggo, halos lahat ng tauhan ni Bong ay doon natutulog. At tulad nina Jomar at Caloy, sila ay umuuwi sa kani-kanilang mga bahay pag Sabado,  at Lunes ng umaga na ang balik.


“Jomar, wag na kaya muna kayong umuwi ni Caloy sa Bulacan pagkatapos ng trabaho itong Sabado ng gabi…samahan niyo na lang muna ako dito ”, ang pakiusap ni Bong.


Ang pamilya ni Bong ay nasa malayong probinsya, at limang buwan na ito hindi nakakauwi. Bukod sa pagiging tagapamahala ng construction, siya ay nagsisilbing bantay na rin dito tuwing Sabado’t Linggo.  Sa isang maliit na kwarto sa may kusina siya natutulog.


“Dito na kayo…. inuman tayo…”, dagsag na pag-anyaya ni Bong sa mag-pinsan.


“Tol, uwi na lang tayo…”, pagtutol naman ni Caloy, na tila ayaw na magpa-iwan dun sa construction site.


Ngunit sa dalawang mag-pinsan na matalik ding magkaibigan,  si Jomar ang laging nasusunod.


 “Sige, Bong…. payag kami …basta sagot mo ang beer,… at pulutan na rin”, ang masayang pangtanggap ni Jomar sa paanyaya ni Bong. Hindi na lang umimik si Caloy. Ganun na lang naging sunud-sunuran si Caloy sa pinsan niya.

“Ayos!!! Tiyak na magkakasayahan na naman tayo dito”, ang ma-engganyong pagbulong ni Bong kay Jomar, at sabay kindat.  Narinig ito ni Caloy… at parang nasiyahan na rin, ngunit may halong konting kaba.


Sabado ng gabi... umuwi na ang ibang mga kasamahan nila, at nagpapahangin ang naiwang tatlong lalaki sa likuran ng ginagawang bahay…napansin ni Caloy na pasulyap-sulyap na naman si Bong sa kabilang bahay.


Hindi lang yon. Parang masama ang pagtitig ni Bong kay Caloy. Hindi mapakali si Caloy. Guni-guni lang ba niya...?


Kaba at hiya ang naramdaman ni Caloy. Kaya halos nakadikit siya sa tabi ni Jomar. Kung saan pupunta si Jomar, bubuntot siya….at lihim na iniiwasan ang maiwang mag-isa kasama ni Bong.


…………..


Kalalabas lang ni Alex sa shower.  Tanging puting brief lang ang saplot habang pinapatuyo ang basang buhok at katawan. Paikot-ikot ang hakbang sa loob ng kanyang kwarto… hindi mapakali. Naghihintay.

Ang Nangyari Kay Alex Sa Construction SiteWhere stories live. Discover now