Ang Nangyari Kay alex Sa Construction Site Part 6

907 10 0
                                    

Nakadapa sa Alex sa ibabaw ng kama niya. Katatapos lang niya maligo, at tanging brief lang ang suot niya. Nagpapalamig sa naka-aircon na kwarto niya. Nakasubsob ang ulo sa unan, nakapikit ang mata… nag-iisip at nababalisa.


Naiinip si Alex sa kakahintay na umalis ang kanyang mga magulang at ang kanyang kuya. Nagbibihis pa si Papa at Mama. At ang Kuya Alvin niya ay naghihintay na daanan ito ni Kuya Jed, ang matalik na kaibigan at kababata ng Kuya niya.


Sa sandaling iyon, dumating na nga si Jed, at dahil kilala na ito sa pamamahay nina Alvin at Alex, ay pinapasok na siya ng katulong, at tuluyang pumanhik sa kwarto ni Alvin. Bukas ng bahagya ang pintuan ng kwarto ni Alvin, nguni’t walang tao sa loob. At wala ring tao sa banyong nakagitna sa magkatabing kwarto nina Alvin at Alex.


Dahil komportable naman si Jed dito, humilata siya sa kama ni Alvin, upang hintayin na lang ito. Baka bumaba lang si Alvin sa kusina.


Mahigit sampung minuto na ang nakaraan nguni’t wala pa rin si Alvin. Tahimik ang bahay. Naririnig niya ang mahinang aircon mula sa kwarto ni Alex. Tumayo si Jed at pumunta sa banyo, para tagusin ito papunta sa kay Alex. Baka alam ng bunsong kapatid kung saan yung kuya niya.


Tahimik ang kwarto. Dahan-dahan ang pagkapihit ni Jed ng pintuan ng banyo sa panig ng kwarto ni Alex. Madilim ang kwarto.  Sa liwanag ng ilaw ng banyo, naaninag niya ang katawan ni Alex na nakahilata sa ibabaw ng kama nito. Hindi gumagalaw. Parang tulog yata.

Saglit niyang pinagmasdan ang halos nakahubad na kapatid ng best friend niya. Halos tatlong taon lang ang tanda ni Jed kay Alex. Magkakilala sila mula pagkabata, at nasubaybayan ni Jed ang paglaki ni Alex. Dati, patpatin lang ang katawan nito, nguni’t kahit noon, ay gwapo na talaga si Alex. Kung babae lang ito, matuturing na maganda, dahil pinong-pino hugis ng mukha at makinis. Ngayon, malaki na ang katawan ni Alex. Isa sa mga sikat na swimmers ito sa university varsity swimming team ng unibersidad nila.


Napaka-sexy ng dating ni Alex, lalo na pag nakadapa at nakahilata ang maskuladong likod…swimmers buid talaga…korteng letrang-V, at matambok ang puwet.


Hindi masyadong nakakausap o nakakahalubilo ni Jed si Alex. Kahit noon, medyo ilang si Jed at Alex sa isa’t-isa. Kung sa bagay, kahit si Alvin at Alex ay hindi ganun ka-close sa isa’t-isa, kahit dalawa lang silang magkapatid…magka-iba sila ng barkada, ng ugali, ng hilig, ng sports.


Hindi alam ni Jed kung ano ang umudyok sa kanya para dahan-dahan niyang lapitan ang nakadapang binata.


Tumayo siya sa gilid ng kama, at sa mahinang liwanag ay pinagmasdan niya si Alex. Humanga si Jed sa ganda at kinis ng katawan ni Alex. Walang maipipintas ang hugis ng buong likuran ni Alex. Parang ukit ng dalubhasang iskultura.  Higit sa lahat, perpekto ang pigi ni Alex. Kahali-halina ang dalawang mala-lobo na pisngi na nababalot ng manipis na saplot.


Nakakagigil. Nakakapang-akit. Parang ang sarap haplusin. Parang ang bango-bango.


Sa panahon na yon… parang wala na sa isip ni Jed na bunsong kapatid ng kanyang matalik na kaibigan ang naka-hilata sa harap niya. Iba na ang takbo ng isip niya. Iba na ang nararamdaman ni Jed…. Lumagablab ang kapusukan, na walang kamalayang tinitimpi niya buong buhay niya.

Ang Nangyari Kay Alex Sa Construction SiteWhere stories live. Discover now