Chapter 24: Faerie

3 0 0
                                    

Air's POV

Last week pa nakauwi sa Spain ang pamilya nila Wax gusto na nga nilang magpaiwan dito kasama ang Kuya nila pero hindi rin naman sila umubra nang si Tita Laia na ang magsalita because you know, no one would dare to disagree to the Queen not even the King most especially when she silenced them with a single death stare. Bumisita ako ngayon dito sa Fae Palace para personal kong makita ang pamumuhay ng mga naninirahan dito matapos ang pagbabalik sa dating sigla ng buong lugar. Hindi lang kasi mga bahay at ari-arian ang muling itatayo nila kundi pati na din ang dignidad nila at ang kasiguraduhan na hindi na nila muli pang sasapitin ang nangyare noon, pinaka naapektuhan kasi yung mga batang faes pero sabi nila Lolo at Lola wala daw akong dapat ipag-alala sa kanila dahil sila na daw ang bahalang gumabay sa mga ito para hindi nila mabitbit ang traumang pinagdaanan nila hanggang sa paglaki nila.

Sa pag-iikot ko ay may mga nakita pa akong mga nagtatayo ng kanilang mga bahay kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tumulong sa kanila. Mayroong isang batang fae na lumapit sa akin narinig ko pang kinukumbinse sya ng nanay nya na ibigay sa akin ang nais nyang ibigay pero nahihiya yata yung bata kaya nanatili lang syang nakayuko, mula sa pagkakatayo ay lumuhod ako para maging magka-pantay kami nung bata marahan kong hinaplos ang ulo nya saka sya binigyan ng matamis na ngiti kaya unti-unti na nyang inilabas ang tinatago nya sa likod nya. Isa pala itong korona na gawa sa maliliit na sanga ng puno na may mga iilang piraso ng dahon at mga makukulay na bulaklak ibinaba ko ang ulo ko at hinayaang sya na mismo ang maglagay nito sa akin pagkatapos ay binuhat ko sya sa balikat ko saka sya bahagyang isinayaw. Masaya kaming pinagmamasdan ng pamilya nya at ng ibang fae na maya-maya ay nagpahayag ng kanilang pagbati at pasasalamat. Sunod kong pinuntahan ay ang falls at nakita ko si Gideon kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan na nagkakasiyahan habang tila ginagawa nilang stepping stone ang mga water lilies, kinawayan ko lang sila at sinabihan na magpatuloy lang sa kanilang ginagawa.

Habang naglalakad ako pabalik sa palasyo ay napansin ko ang grupo ng mga dalaga at binatang faes na tila nagpapalitan ng mga sulat gamit ang mga dahon, mga nagliligawan siguro ang mga to sa palagay ko ay mas bata lang sila ng ilang taon kumpara kay Gideon at Rhythm. Nagsitayuan naman sila ng makita ako saka kaagad nagbow kaya matamis ko silang nginitian bago ako lumakad ulit.

Fast forward.

Pagkapasok ko sa palasyo ay nadatnan kong umiinom ng tsaa sina Lolo at Lola, pinaupo ako ni Lola sa bakanteng upuan na nasa gitna nila ni Lolo.

"Si Clandestine ang bunso ngunit pinaka malakas ang loob sa kanilang magkakapatid kaya ngayon ay lubos naming pinagsisisihan ang naging desisyon namin ng Lola mo noon na itago sya mula sa mga taong may hindi magandang hangarin sakanya dahil sa kanyang pagiging kakaiba ay maaari syang makapukaw ng atensyong hindi kaaya-aya at sa kagustuhan naming maprotektahan sya ay iyon pa mismo ang nagtulak para lumayo ang loob nya sa amin at tuluyang lisanin ang palasyong ito. Pinakiusapan ako noon ng Lola mo at ng mga kapatid ng nanay mo na ipahanap sya sa takot na baka nanganganib ang buhay nya pero nag-matigas ako at sinabi ko sa kanilang kailangang kayanin nyang mabuhay ng mag-isa at matutunan nyang manindigan para sa mga desisyon nyang padalos-dalos pero lingid sa kaalaman ng lahat ay lihim ko syang pinasundan para masigurong ligtas sya ngunit kagaya mo ang nanay mo mismo ang lumalapit sa panganib na para bang laro lang ang lahat. Nang makilala nya ang iyong ama na si East ay napanatag ng husto ang kalooban ko dahil nakatitiyak ako na hindi sya pababayaan nito at mamahalin sya nito gayon din ng pamilya ni East at hindi naman ako nagkamali sa bagay na iyon dahil nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong supling..." pagkukwento ni Lolo ako naman ay tahimik lang na nakikinig habang umiinom ng kape syempre bakit ako iinom ng tsaa kung meron namang kape.

"Kaya hindi namin lubos akalain na muli pa syang tutungtong dito sa palasyo kung saan bigo kaming iparamdam sa kanya na ito ay kanyang tahanan at kami ang kanyang pamilya. Bigo kaming proteksyunan ang nararamdaman nya dahil kami pa mismo ang naging dahilan para lubusan syang masaktan, ipnagpapasalamat ko nalang na napunta sya sa isang mabuting pamilya ng mga wizard na nabubuhay man ng payak ay binusog naman sya ng pagmamahal nakakalungkot nga lang isipin na hindi ko na maipapaabot sa kanila ang pasasalamat ko dahil binawian na sila ng buhay dahil sa paglusob na naganap sa kanilang bayan na naging dahilan para muling maging mag-isa si Clandestine na maswerte namang nakatagpo ng taong tunay syang minamahal. Mabuti ang puso ng iyong ina maaaring pinangingilagan sya dahil sa kanyang angking katapangan ngunit palaging namamayani sa puso nya ang kapakumbabaan at pag-ibig. Nabigo kami noon at handa kaming bumawi sakanya para sa mga panahon at pagkakataon na wala kami sa piling nya, babawi kami sa mga araw na pinaka kailangan nya kami pero wala kami sa tabi nya. Air, gusto kong malaman mo na malaya kang gumawa ng sarili mong pagkakakilanlan hindi ka namin pipiliting mamuno sa kaharian. Buong puso ka naming susuportahan" pagpapatuloy ni Lola kaya nginitian ko sya at saka sila niyakap ni Lolo.

Umuwi din ako sa bahay ko sa tabi nung kina Isla at tumatakbo sa isip ko yung mga sinasabi nila Lola although sinigurado ko naman sa kanila na totoong napatawad na sila ni Nanay, masaya ako na pare-parehas kaming may natutunan sa mga nangyare noon para hindi na ulit nila magawa ngayon. People make mistakes, we have to learn how to forgive but remember not to forget.

Susulitin ko ang me time ko kahit gabi na dahil hindi na daw ako mapupuntahan ni Wax kasi may dinner meeting sya with a client, his firm is doing really well and I'm so proud of him.

Tahimik akong kumakain sa sala at napag-isip-isip ko na dati isip ko lang yung lumilipad ngayon buong pagkatao ko na hanep sa level up, wala talaga kay Ai-Ai o kay Kris Aquino ang tunay na magic kasi nasa pamilya pala talaga namin.

Seriously speaking, wala naman talaga akong pipiliin between being a wizard and a fae kasi para sakin parehas silang parte ng pagkatao ko. I mean why would I choose if I can have the best of both worlds? Kahit na hindi ko pa nalalaman ang tungkol sa pamilya ng mga wizard at ang mismong lugar nila kung saan lumaki si Nanay it still feels home. I'm not born to live up to the expectations of other people. I just try to do my best to be a part of both races. There are choices that we should make but I chose not to make a choice and be happy with what I have.

Habang tumatanda tayo madami tayong nari-realize.

From the situations we've been through, from the pain that we had to experience, from the challenges we had to go through led us to the person who we are today. Yung mga pinagdaanan mo noon na hindi mo akalaing malalampasan mo yun pa pala yung paghuhugutan mo ng inspirasyon ngayon at maaari mong ibahagi sa iba sa oras na sila naman yung mapunta sa ganong pangyayare sa buhay nila, hindi mo rin naman masasabi kasi syempre may mga at feelings na hindi natin controlled. Hindi ka pwedeng magskip o magtake ng shortcuts kasi kailangan mong pagdaanan yung lubak, kailangan mong maranasang madapa at masugatan bago ka tuluyang makarating sa patag na daan. Lahat tayo may kanya-kanyang laban na pinagdadaanan araw-araw kaya dapat mas maging understanding and patient tayo sa isa't-isa. Yung iba dumadaan sa silent battles, kahit ako naranasan ko na yun kaya it is also important to have a strong support system na hahayaan kang pansamantalang yakapin yung sakit at lungkot pero hindi ka hahayaang patuloy na mamuhay sa dilim ipapa-realize sayo na it is not a bad life, it's just a bad day.

We are worthy of the love we keep giving others.

Matatapos din yung mga araw na hindi masyadong masaya, mapipintahan din yung mga blangkong pader, malalpatan ng mga salita ang mga tulang hindi nasimulan at sa bawat kwentong nagtatapos may panibagong simula.

Coleman Book 2: WizardWhere stories live. Discover now