Chapter 43

427 13 0
                                    

Happy reading 😁
-------------------------------------------------

 
Fire is silently sitting in a single sofa located in the balcony of her unit in Sweden while seeping her coffee slowly, it’s been a week since she back in this country and she plan to stay here for good.
 
“Here wear this, malamig ngayon baka magkasakit ka” sabi ni Xiron sa kanya ng abutan siya ng sweater, nakangiti naman niya iyong tinangggap saka muling tumingin sa papalubog na araw.
 
“Kanina pa kita pinag mamasdan, malungkot ka nanaman love” komento nito, marahan niyang nilingon ang kasintahan saka muli tong nginitian.
 
“Don’t mind me, I was just thinking of some ways on how to improve our marketing, you know, dumarami na ang kakompetensya ng dance studio ko sa Pinas, so I need to have a plan to stay on the top of the field, mahirap na baka mapag iwanan kami” pag dadahilan niya sa kasintahan, ang totoo niyan ay naalala nanaman niya si Puma, palagi namang laman ng isip niya ang lalaki simula ng makabalik sila ni Xi ng Sweden.
 
Matapos siyang kausapin ng kanyang mama ay pinag isipan niya ng mabuti kung ano ang dapat niyang gawin, at na realize niyang hindi niya kayang saktan ng ganun si Xi, oo mahal niya si Puma, sobra, ito ang kaligayahan niya pero alam niyang hindi siya lubusang magiging masaya sa piling ng lalaki kung alam niyang nagdurusa ang kaibigan dahil sa kataksilan niya, kaya mas pinili niyang sumama kay Xi pabalik dito sa Swenden. Siguro naman ngayon na malayo na ulit sila ni Puma sa isa’t isa ay magagawa na niyang bumawi sa kasintahan sa kasalanang nagawa niya dito. Maswerte parin siya kung totousin dahil pinatawad siya ni Xiron, hindi siya sinumbatan ng lalaki o kinwestion man lang kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Isa lang ang hiniling nito, at yon ay ang wag na niyang uulitin ang ginawa niya, sinabi nitong handa itong kalimutan ang nangyari kung maipapangako niyang hindi na mauulit iyon, kaya siya na mismo ang nakiusap sa lalaki na bumalik sila ng Sweden dahil hindi niya magagawa ang hinihiling nito kung nasa paligid lang si Puma.
 
Sa mga oras na ito ay nakasisiguro siyang galit ang lalaki sa kanya, pagkatapos kasi ng insidente sa hotel room niya ng umagang iyon ay hindi na sila nakapag usap, hindi narin siya nag paalam pa sa lalaki dahil alam niyang hindi ito papayag at baka kung ano nanaman ang gawin nito. It was the most painful decision she ever made in her entire life, mas masakit pa ito kesa sa naging una niyang pag alis, pero hindi tulad ng una ay hindi siya nag lalasing o kung ano pa man dahil tanggap na niya na hindi sila ni Puma ang nakatakda para sa isat isa, sabi nga ng kanta, pinagtagpo pero di tinadhana, yon sila, masakit man ay pinilit na niyang tanggapin dahil wala narin namang patutunguhan.
 
“Your spacing out again” narinig niyang turan ng kasintahan dahilan para mapabaling siya dito.
 
“I’m sorry, what were you saying?” tanong niya sa lalaki na napabuntong hininga nalang.
 
“Wala, I said let’s go inside, masyado ng malamig dito, pati yang kape mo lumamig narin hindi mo na ininom, sa loob mo na ituloy ang pag paplano ng effective marketing strategy mo.
 
“Okay, tugon niya dito saka tumayo at dinampot ang tasa ng kanyang kape saka siya pumasok sa loob ng kanyang unit, sumunod naman sa kanya ang kasintahan.
 
“Ilapag mo nalang sa sink yang tasa ng kape mo, ako na ang mag huhugas niyan” masuyo nitong turan. Niligon niya ang lalaki saka ito nginitian.
 
“Wag na, tasa lang naman ito, kaya ko ng hugasan to ano kaba, wag mo nga akong masyadong binibaby” pag bibiro nia sa lalaki na ikinangiti nito.
 
“You know I love serving and pampering you” sagot naman nito saka siya niyakap mula sa likod.
 
“Kaya lalo akong nagging spoiled eh, ako na to, madali lang naman ito eh” sagot niya saka hinugasan ang ginamit na tasa, habang nag huhugas siya ay tahimik lang silang dalawa ng kasintahan, malaki na ang nag bago sa relasyon nilang dalawa, kung dati ay palagi silang nag tatawanan ngayon ay madalas nalang silang tahimik, tila ba may malaking pader na nakaharang sa kanilang dalawa.
 
“Saphie” tawag nito sa kanya gamit ang dati nitong endearment para sa kanya, hindi niya alam pero namiss niyang tawagin siya nito ng ganun, pakiramdam niya ay kasama ulit niya ang kanyang bestfriend. Naramdaman niya ang pag tulo ng kanyang luha kaya pasimple niya iyong pinunasan.
 
“hhmm” sagot niya sa kaibigan.
 
“You know I love you so much right?” tanong nito sa kanya, tinapos muna niya ang ginagawa saka tinuyo ang kamay bago hinarap ang lalaki at nginitian.
 
“Yeah, I know” she wanted to tell him the same words dahil iyon ang dapat gawin ng isang girlfriend pag sinasabihan itong I love you ng kasintahan nito but she can’t make herself say those three words.
 
“You know that all I want for you is to be happy, right?” nakangiti nitong tanong kahit hindi umaabot sa mga mata nito ang ngiting iyon, tinanguan lang niya ang lalaki kahit hindi niya alam kung saan hahantong ang usapan nilang ito, marahan siya nitong hinala palapit dito saka siya nito niyakap ng buong higpit.
 
“It’s so hard!” sabi nito kasabay nun ay naramdaman niya ang pag patak ng mainit na likido sa kanyang balikat, then she realized that Xiron is crying.
 
“Xi, why are you crying?” nag alala siyang bigla, hindi naman kasi iyakin itong si Xi, mabibilang sa daliri ang pagkakataon na nakita niya itong umiyak, parang isang beses palang ata nangyari iyon kaya hindi niya maiwasang mag alala sa lalaki, hindi man niya ito mahal romantically the man will always be her best friend and she will always and forever love and value him that way. Sinubukan niyang lumayo sa lalaki upang tanungin kung anong problema nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya.
 
“Why Fire?” tanong nito sa kanya dahilan para mapakunot ang kanyang nuo, teka may nagawa nanaman ba siyang kasalanan?
 
“Why what?” balik tanong niya dito
 
“Why did you choose me over him? when we both know that it’s him you love and not me” tanong nito, ng hindi agad siya nakasagot ay ito na mismo ang kumalas mula sa pag kakayakap sa kanya at pinahid ang luha nito.
 
“That day, I was praying that you would choose me, that you would keep your promise, but deep within I’m hoping that you will be true to yourself, because I want you to be happy” pag papatuloy nito ng hindi siya sumagot.
 
“So, will you tell me why you chose me, gayong si Puma ang mahal mo?” napayuko siya sa tanong ng kaibigan kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
 
“Because you been loving me since day one and I don’t want you to feel the same pain that almost break me before, alam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan sayo, nadala ako ng nararamdaman ko but I never wish to hurt you, and I know I will not be completely happy knowing that I have hurt the person whose been so good to me, knowing that your crying because of my betrayal. I can’t, I can’t hurt you like that Xi” mahaba niyang turan.
 
“So, you sacrifice your own happiness so I could have mine” sabi nito na seryosong nakatingin sa kanya.
 
“Masaya din naman ako sa piling mo eh” nakangiti niyang turan dito, totoo naman ang bagay na iyon, she is comfortable with him, medyo nag iba lang simula ng bumalik sila galing ng Pilipinas pero dahil naman iyon sa kasalanan niya.
 
“Not as happy when you are with him” komento nito.
 
“Those it still matter now?” hindi siya sinagot ng lalaki sa halip ay huminga ito ng malalim saka makailang beses na bumuka ang bibig na tila ba may nais sabihin pero hindi magawang sabihin hangga sa muli itong bumuntong hininga.
 
“I’m setting us both free” sabi nito habang lumuluha ng nakangiti.
 
“What do you mean?” nalilito niyang tanong sa lalaki, hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay saka iyong paulit ulit na hinalikan.
 
“Mahal kita Fire! mahal na mahal, sobra na para akong mamamatay kapag nawala ka sakin, hindi ko kaya, hindi kita kayang pakawalan at ibalik sa totoong nag mamayari sayo. Pero mas hindi ko pala kayang makita kang nasasaktan at nahihirapan ng dahil sakin. Para akong pinapatay sa tuwing maiisip ko na mawawala ka sakin dahil sobra kitang mahal, kaya alam ko kung gaano kasakit ang pinag dadaanan mo ngayon dahil mas pinili mong lumayo sa taong totoo mong minamahal. I’m sorry if I made your life miserable because of my selfishness, sana mapatawad mo ako, I’m now setting you free” tuloy tuloy nitong turan na para bang pag tumigil ito ay hindi na nito magagawang mag salita ulit.
 
“But I already made my decision and I’m choose you” turan niya sa lalaki, parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito ngayon sa kanya.
 
“And you are dying inside because of that decision” nakangiti nitong turan “Alam ko kung pano kang nahihirapan sa naging decision mo, nakikita ko iyon sa mga mata mo sa araw araw na magkasama tayo dito sa loob ng isang lingo simula ng makabalik  tayo. and I realize, na ako ang dahilan ang pag hihirap mo, at mas hindi ko pala kayang panoorin kang unti unting nawawalan ng buhay dahil ako ang pinili mo, so I’m setting you free now Fire, pinapalaya ko narin ang sarili ko, sinubukan ko naman ang lahat eh, para mapaibig kita, binigyan mo rin naman ako ng pagkakataon at alam kong sinubukan mo rin akong mahalin, pero may mga bagay siguro talagang hindi natin maaring ipilit, sa sitwason nating tatlo, ako ang dapat na mag paraya, para masimulan ko narin ang pag hahanap sa sarili ko, kaya sige na bumalik kana sa totoo mong mahal bago pa mag bago ang isip ko” nakangiti parin nitong turan pero ang luha nito ay walang patid sa pag patak.
 
“Pero pano ka?” nag aalala niyang tanong sa kaibigan.
 
“I will be fine, not now of course  because I will surely die the moment I turn my back on you, but I will be, because I need to die like this for me to be able to move on in my life and live again. Wag mo na akong alalahanin. Mahihirapan akong kalimutan ka, pero sisikapin kong gawin para sa sarili ko, ito ang tamang paraan para parehas nating tatlong mahanap ang totoo nating kaligayan. Hindi rin naman ako lubusang magiging masaya knowing na kasama nga kita pero ang puso’t isip mo naman ay pag aari ng iba, I can’t leave like this forever, the same way you should not leave your life in misery forever.” Mahaba nitong turan
 
“Thank you! Thank you Xi” umiiyak niyang pasasalamat dito, hindi niya sukat akalaing palalayain siya ng lalaki, ngayon ay makakabalik na siya kay Puma ng walang bigat sa dibdib dahil alam niyang magiging okay din ang kaibigan.
 
“I just have 1 request and I hope you can give me this one before I finally leave” turan nito.
 
“Anything” mabilis niyang turan
 
“Can I still live here with you for 1 week? then ako na mismo ang aalis sa bahay na ito, but please hayaan mong ako ang unang umalis bago ka mag ligpit ng mga gamit mo pabalik ng Pilipinas. Gusto lang kita makasa pa sa huling pag kakataon bago ka tuluyang mawala sakin” may pagsusumamo ang tinig nito habang sinasabi ang kahilingan nito, walang pag aalinlanagan naman siyang tumango bilang pag sangayon sa hiling nito.
 
“Yes, it’s okay with me” nakangiti niyang tugon saka ito mahigpit na niyakap.
 
“Salamat Xi, you don’t know how much you made me happy!” umiiyak parin niyang turan, kung noong mga nakaraan ay lumuluha siya dahil sa kalungkutan, ngayon ay dahil sa sobrang kaligayahan.
 
“I’m happy that my decision to let you go made you happy, at least I know I made the right decision for the two of us” sabi nito habang yakap rin siya ng mahigpit.
 
“Go ahead, go back to your room, mag pahinga kana” sabi nito pero mahigpit parin siyang yakap.
 
“I will, if you let me go” natatawa niyang turan, uti unti namang lumuwag ang pag kakayakap nito sa kanya saka napakamot sa batok nito.
 
“Sorry, I forgot” sabi nito na ikinatawa niya ng malakas, dahil doon ay natawa narin ang lalaki, it was nice and really heartwarming to have her best friend Xi back.
 

(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon