Chapter 30

434 15 1
                                    

Last update for this week🙂

Two to three more chapters and mag sasalubong na sila sa present pag sinipag ako baka umabot ng 4 chaps bago mag tagpo ang dalawang dulo hahaha...

Enjoy reading!!!
-------------------------------------------------------

 
“Fuck” muli niyang turan not realizing that he is sending a wrong impression to the woman who is sitting beside him.
 
“Don’t you think it’s too late to regret this Puma, why can’t you just accept the fact that you like me too” galit nitong turan, saka lang ulit siya napabaling sa babae, and the moment he saw the hurt in her face ay agad niyang pinag sisihan ang mga nasabi niya, how insensitive could he be.
 
“F-fire” tangi niyang nasabi, he wanted to explain but for some reason he can’t find the right word na mas lalo atang ikinasama ng loob ng babae. And as expected nag simula na itong mag bunganga kahit hindi pa siya nakakapag paliwanag, inasahan na niyang mag tatalo nanaman silang dalawa katulad ng madalas mangyari ng biglang nag bago ang tembre ng boses nito, nang muli niyang balingan ang babae ay namumutla ito kaya naman agad siyang sinalakay ng kaba. Shit may masakit ba dito? hindi kaya napilayan ang babae kanina? sa paraan nito ng pag giling sa ibabaw niya kanina ay hindi malayong may na dislocate ditong boto.
 
“Why? what happened? Why are you pale? may masakit ba sayo?” sunod sunod niyang tanong sa babae, shit kasalanan kasi niya ito eh, bakit ba napaka rupok niya sa babaeng ito, for sure she is not comfortable with their position while making out but he still let her do it just because he was so hard, without even considering if she is comfortable or not.
 
“Puma” muli nitong tawag sa kanyang pangalan, napakahina ng tinig nito habang tila wala sa sariling tinatawag siya, saka lang niya napansin na nakatingin ito sa cellphone nito, dahilan para kumunot ang nuo niya.
 
“Yes? Ano bayan?” tanong niya dito sabay abot sa telepono nito. Ang kanyang pag aalala ay dagling napalitan ng galit, ang hayop na yon, sinasabi na nga ba at decoy lang yong nahuli nilang tao at malaya parin talaga ang totoong stalker, napansin niyang tila wala sa sarili ang babae, marahil ay nagulat ito sa natanggap na mensahe kaya hinayaan muna niya ito dahil mas mahalaga na mailayo niya ito sa lugar na iyon, mabilis siyang nag maneho pabalik sa kaniyang condo. habang nag dadrive ay abala ang utak niya sa pag iisip kung pano niya maililigaw ang hayop na yon, hindi siya sugurado, wala rin naman siyang nakikitang nakasunod sa kanila pero may pakiramdam siyang may kailangan siyang iligaw, bilang isang pulis at mayari ng security agency ay alam niyang sa mga ganitong pag kakataon ay kailangan niyang mag tiwala sa kanyang gut feeling, kaya naman itinuon niya ang buong pansin sa pag mamaneho, ilang ulit siyang lumiko at sinadya niyang ibahin ang daan na tinatahak ng kanilang sasakyan. Nang maramdaman niyang nailigaw na niya ang dapat iligaw ay saka lamang siya nag maneho pabalik ng kanyang condo. Pagkarating nila doon ay agad niyang hinarap ang katabi at mahigpit na hinawakan ang kamay nito, ayaw niyang mag karoon sila ng hindi pag kakaunawaan kaya napag pasyahan niyang linawin na dito ang lahat.
 
“Fire baby, about what I said earlier, I’m sorry! I didn’t mean to offend you, I wasn’t regretting it or anything, I was just worried” panimula niyang paliwanag sa babae habang nakatingin lang sa mga kamay nito na hawak niya, pero wala ito ng reaction kaya naman tinignan niya ang mukha nito, napakunot ang nuo niya ng mapansin na tila tulala parin ito, saka lang niya narealize ang nagyari sa babae.
 
“Fire tawag niya sa pangalan nito pero hindi ito tuminag, shit ganito ba katindi ang naging epekto sa babae ng natanggap nitong message? “Fire” muli niyang tawag sa babae pero wala parin itong reaction.
 
“Fire!” malakas niyang tawag dito saka lamang ito tila nagising mula sa malalim na pag kakatulog.
 
“Hey, are you okay? Kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang diyan” sabi niya sa babae, hindi ito nag salita at nakatingin lang sa kanya, nakikita niya ang pag aalala sa maganda nitong mukha, she is really affected by this stalker, sino nga ba ang hindi? this is the reason why they don’t want her to know about the decoy, pero ngayon ay alam na nito ang totoo, thanks to that psycho who sent her that message with their picture while making out.
 
 “Don’t worry, I will not let him take you, okay?” sabi niya sa babae upang kahit papano ay kumalma ito, isang tango lang ang naging tugon nito sa kanya. Napakalaki ng ipinag bago ng mood nito mula sa Fire na punong puno ng kasiyanghan kanina hanggang sa walang buhay at punong puno ng takot na Fire na kasama niya ngayon. Napabuga nalang siya ng hangin saka ito dahan dahang  inalalayan papunta sa elevator, habang nag lalakad sila papasok at pinag mamasdan niya ang babae ay nabuo ang isang pasya sa kanyang isipan. Kailangan muna niyang mahuli ang taong yon na nag papahirap dito bago niya isaayos ang lahat sa kanilang dalawa, nangangahulugan na kailangan muna niya itong iwasan katulad ng dati niyang ginagawa ng sa ganun ay hindi siya ma distract ulit katulad ng nangyari kanina sa loob ng kanyang sasakyan where he was caught off guard. Alam niyang magiging napakahirap nito para sa kanya dahil ang iwasan ang babae at baliwalain katulad ng dati ay kasing kahulugan ng salitang imposible, gayon pa man ay kakayanin niya alang alang  sa ikaayos ng kalagayan nito, he wants the old Fire back kahit pa masakit sa ulo ang Fire na iyon.
 
HE IS seating with the men of Silva family together with some high ranking officials to plan their next step to lure Fire’s stalker into coming out of his hideout, and they came up with a very dangerous plan where they will be needing the help of that brat in order to deliver the plan successfully, he was tasked to explain everything to the woman in question since the whole family restrained themselves from seeing her for her own protection, natatakot sila na baka matunton ng stalker ang pinag tataguan niya sa babae, kaya hindi ang mga ito dumadalaw sa babae, masyadong magaling ang hinahanap nilang tao kaya hindi impossible na madukot nito si Fire oras na malaman nito kung saan nila itinatago ang babae, the fact na nagawa nitong pumasok ng walang trace sa condo ng babae noon ay matibay na ebidensya upang masabi nila na magaling ito, because that building was heavily guarded yet he was able to intrude without being notice.
 
Nag sisimula na silang mag karoon ng lead pero ang lahat ay malabo parin, lahat ng lalaki sa buhay ng babae maging ang mga nakasalamuha lang nito sa nakalipas na isang taon ay isa isa nilang kinalkal at inimbestigahan, ganun na sila kadisperadong mahuli ang stalker pero halos wala parin silang nakuhang lead, until they came across this one profile, noong una ay hindi ito kahina hinala pero habang tumatagal ang pag iimbestiga nila dito ay unti unti na silang nakakakita ng butas sa pagkatao nito.   Malakas ang kutob nila na ito na nga ang hinahanap nila pero wala silang makuhang ebidensya, that’s how good he is, he move without trace, well not really dahil may nikita silang butas, napakaliit na butas na nag bigay sa kanila ng malakas na kutob na ito ang taong matagal na nilang hinahanap.
 
“Pa, are you sure, we will drag Fire here? What if something went wrong?” nag aalalang tanong ni Dane sa ama.
 
“My princess will be safe, she has to be safe, that’s why we need to execute the plan flawlessly that means we have to move with 100% accuracy” matigas na tugon ng ama nito.
 
“And what about Mama? For sure she will not allow this, how are we going to explain this to her without having to rush her to the nearest hospital?” Brent asked.
 
“She doesn’t need to know until we finish this mission” matigas paring turan nga ama ng mga ito.
 
Siya man ay nag aalala rin dahil napaka delikado ng plano nilang gawin, at kung may ibang paraan lang sana ay hindi niya hahayaang lumabas ang babae o maging bahagi ito ng planong iyon, pero wala na silang pamimilian. Isa pa, may tiwala siya sa Ama ng babae, kilala niya ang matandang Silva, mamamatay muna ito bago may mangyaring masama sa mga anak nito kaya sigurado siyang kalkulado ang planong inihain nito ngayon sa kanila.
 
“When do we do it?” tanong ng isang official na kasama nila doon, kilala niya ang lahat ng naroon dahil madalas niyang kausap ang mga ito sa kanyang negosyo kaya alam niya ang kalibre ng mga lalaking kasama niya sa kwartong iyon, minsa ay hindi niya mapigilang mamangha sa Ama ni Fire, hindi niya alam kung pano nito nagagawang mamuhay ng simple at tila ba wala itong masyadong halaga sa lipunan gayong isa ito sa pinaka makapangyarihang tao sa bansa.
 
“Puma, hijo, do you think makakaya mong mapapayag ang prinsesa ko sa bagay na ito? ikaw ang palagi niyang kasama simula ng itago natin siya kaya ikaw ang higit na nakakakita ng pinag dadaaanang takot ng bunso ko, gusto kong marinig mula sayo kung kakayanin ba niya ang mission na ito?”  seryos nitong tanong sa kanya. Hindi siya agad nakasagot dahil tama naman talaga ito, matindi ang naging epekto kay Fire ng stalker nito,  dati ay hindi ito natitinag at nagawa pa ngang sumama na iligtas si Monique noon, pero iba na ang sitwasyon ngayon, madalas na niya ito mahuling natutulala, minsan ay binabangongot parin ito, at mabilis na itong kabahan sa kaunting kaloskos lang. Huminga muna siya ng malalim saka muling nag salita.
 
“She can, and she will” confident niyang sagot sa matanda.
 
“What makes you say that? Sabi mo may mga pag kakataon na binabangongot ang bunso ko at nagiging matatakutin narin” tila nanunubok nitong tanong na nginitian lang niya.
 
“She can do it Tito, I believe in your daughters strength, she is not a damsel in distress, she can stand on her own if needed, and you know how stubborn she is, yes malaki ang naging epekto sa kanya ng stalker issue na ito but I saw how she is fighting her own fear, and if this is the only way to stop and put her stalker behind bars, I know she will gladly do it” confident niyang turan, yon naman talaga ang naging pag kakakilala niya sa babae, alam niyang matatag ito at hindi basta basta mag papadla sa takot.
 
“Well then, we will stick with the plan” sabi nito saka nila itinuloy ang masinsinang pag paplano ng mga gagawin nila, matapos silang mag meeting ay isa isa na silang lumabas ng kwarto na iyon. Nag lalakad narin siya palabas ng akbayan siya ni Brent.
 
“Sigurado ka bang hindi mo ginagapang ang kapatid namin?” seryosong tanong ng baliw niyang kaibigan, kung alam lang ng dalawang ito na ang kapatid na iniingatan ng mga ito ang madalas manggapang sa kanya, dahil sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pag silay ng ngiti sa kanyang mga labi, totoo naman kasi na ito ang gumagapang sa kanya, gwapo siya pero tao din na marupok sa tuksong nag ngangalang Sapira Fire Silva. Isang batok ang bigla nalang tumama sa kanya ulo dahilan para samaan niya ng tingin si Dane.
 
“Tangina, ano bang problema mo Dane”
 
“Ayusin mo yang mukha mong tarantado ka” seryoso nitong turan.
 
‘What, I was just smiling”
 
“anong inginingiti ngiti mo?”
 
“Come on man, alam ninyong kung meron man saming dalawa ng kapaid nyo ang manggagapang, ay hindi ako yon” Natatawa niyang sagot sa dalawa.
 
“I hope you are not taking advantage of her crush on you” seryosong turan ni Brent.
 
“Baliw na kayong dalawa, diyan na nga kayo” sagot niya sa mga kaibigan saka nag lakad palabas, deresto siya sa kanyang sasakyan, ng makapasok na siya doon ay saka lang niya hinayaang mapalis ang kanyang ngiti. He is so fuck up! What is he going to do? Ganito ba talaga kahirap ang ma inlove sa kapatid ng isang kaibigan, pakiramdam niya ay naiipit siya sa dalawang nag uumpugang bato, he treasure the friendship that he have with the twin, they are the brothers that he never had, but he love Fire and she is the center of his world, just imagining that she will love somebody else is enough to stop his heart from beating. Parehas na mahalagang bahagi ng buhay niya ang mag kakapatid na Silva, alin man sa dalawa ay hindi niya gustong mawala. Not his friendship with Brent and Dane and definitely not the woman who manage to steal his heath effortlessly, God he so conflicted!
 
WALA SILANG sinayang na panahon at agad nilang isinagawa ang kanilang plano, tulad ng inaasahan niya ay pumayag si Fire na gawin ang kanilang plano, she also ask the help of her friends and he is so happy that the girls are actually a real friend to Fire, kung iba lang yon marahil ay natakot na ang mga ito at hindi na tumulong upang mapangalagaan ang mga sarili, but Nikki and Mia helped without asking anything in return, sinabi lang ng mga ito na may tiwala sila sa ama ni Fire at naniniwala silang hindi sila mapapahamak sa gagawin nila. Simple lang naman ang gagawin ng mga ito, sasamahan lang ng mga ito si Fire sa isang bar upang mag mukhang tumakas ang babae, and he actually wanted to applaud the ladies because they were able to act normally, from the scaping to dancing like there is no tomorrow, walang mag sasabi na umaarte lang ang mga ito, hindi kababakasan ng takot at pag aalinlangan ang bawat kilos ng tatlo habang nag kakasiyahan sa loob ng bar. Tatlo ang tauhan niyang nakatoka sa bawat isa sa mga kaibigan ni Fire, may mga tao narin siyang nakabantay sa dadaanan ng mga ito mamaya pauwi sa kanilang bahay upang masiguradong ligtas na makakauwi ang mga ito tulad ng mahigpit na bilin ni Fire. Silang talong mag kakaibigan naman ay naka disguise kaya hindi sila makikilala ng stalker nito, naka suot sila ng prosthetic makeup para mag mukhang ibang tao, he is dress like an old man who is enjoying the night with his very young and sexy mistress played by one of his most trusted agent. Dane disguised as one of the bouncer, binayaran pa nila ang naturang bouncer para lang pumayag ito na gayahin ni Dane sa gabing iyon, while Brent was outside nag papanggap na ballot vendor, tulad ni Dane ay binayaran din nila ang regular ballot vendor na palaging pumu pwesto doon. Everything is going smoothly with accordance to their plan.
 
Ng dumating ang oras ng pag uwi ng mga babae ay kanya kanayang kilos naman ang mga taong nakatalaga sa proteksyon ng dalawang kaibigan ni Fire, habang sila ay nanatili lang sa kanilang kanya kanyang pwesto at patuloy na nag manman sa paligid, ng marinig nilang ligtas ng nakaalis ang mga kaibigan ni Fire ay saka lamang sila kumilos. Maingat siyang nag tago mula sa di kalayuan upang makita kung may kukuha nga sa babae tulad ng inaasahan nila, habang nag hihintay ng mga susunod na mangyayari ay nag darasal siya na sana ay tama ang kalkulasyon nila at magawa nila ng maayos ang kanilang plano, dahil hindi niya kakayanin sa oras na mag kamali sila at mapahamak ang babaeng mahal niya. 

(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - CompletedWhere stories live. Discover now