Kabanata 33

922 31 1
                                    

"Tali, don't worry hindi kami pupunta sa condo niyo."

Napalingon ako kay Jameson at malungkot na ngumiti.

"Pumunta ka na, hindi din naman ako doon matutulog," pilit na ngiti ko.

"Saan ka matutulog kung gano'n?"

"Kina Hirl. 'Di, ba Hirl?" Baling ko kay Hirl at pinandilatan ng mata.

"Ha? O-Oo, babe. Pumunta ka na para all boys kayo doon," pilit na ngiti niya.

"'Di ba? Sabi sa 'yo, eh." Ngiti ko kay Jameson.

"Dahil ba 'to sa away niyo ngayon-ngayon lang?" tanong ni Jameson.

"Nako, hindi. Hindi. Ano, hindi ko pa kasi na-try matulog kina Hirl kaya ayon,"palusot ko.

"Okay then. See you tomorrow?" Ngiti niya.

"See you." Ngiti ko din.

"Bye."

Nag beso siya sa 'min ni Hirl at naunang umalis.

So kami na naman ni Hirl ang natira dito.

"Tara?" Ngiti ko.

Tumango siya kaya nagsimula na kaming maglakad.

"Alam mo, ngayon ko lang na-realize na ang kitid ng utak ni Kiro," biglang saad niya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Para lang sa pumayag ka na matulog tayong lahat sa condo niyo, nag-walk out na? And worst, mukhang hindi ka pa kikibuin."

"Nasanay na ako doon." Tawa ko.

Pagdating namin sa parking lot ay wala na ang kotse ni Kiro. Syempre iniwan na naman ako.

"Iniwan ka," buntong hininga niya.

"Wala,.eh. Mahal na mahal ako, eh," biro ko na.lang.

Bumuntong hininga ulit siya at pumunta na lang kami sa kotse niya.

"Nako talaga, Talia, 'wag na 'wag kang mapigil-pigilan niyang si Kiro mamaya kapag nag-impake ka, ah. Babalian ko talaga siya ng buto,"gigil na saad niya nang nasa daan na kami.

"Don't worry may pride 'yun. Hindi ako pipigilan no'n at saka walang dahilan para pigilan niya ako."

"Mabuti kung gano'n ng hindi ko siya mabalian ng buto."

Natawa na lang ako ng mahina.

Pagdating namin sa baba ng condo ay bumaba na kami at sumama sa 'kin si Hirl paakyat sa condo namin.

Pagdating namin sa loob ng condo syempre nasa sofa na naman ang bag ni Kiro ibig sabihin nandito na siya.

"Halika, Hirl, pumasok ka sa kwarto ko," aya ko.

Pumasok na kami sa kwarto at pinaupo ko muna siya sa kama ko habang hinahanda ko ang bag ko para mag impake.

Para bukas sa baba na lang kami magkikita at hindi na kailangang umakyat pa ako para kunin ang bag ko.

Nagbihis na din ako ng simpleng t-shirt at pants.

"Tara?" Nakangiting tanong ko.

"Yeah." Tango niya at lalabas na sana kami ng may maunang pumasok.

"Leave us, Hirl."

"Why?" takang tanong niya.

"Didn't you hear me? I said leave us."

"Fine." Irap niya. "Talia, I'll wait outside."

Tumango na lang ako at inilagay ulit sa kama ang bag ko.

Every NightWhere stories live. Discover now