Chapter 7

2.4K 89 0
                                    

Ang sakit ng buong katawan ko pero wala ng mas sasakit pa sa leeg ko, hanggang ngayon ay wala parin akong kakayahang makagalaw. Kulang nalang yata mangitim ang kulay ng balat ko e, sobrang higpit kasi ng pagkakatali tapos naka upo ako sa silya mabuti na ngalang at walang nakalagay na kung ano sa mata ko para hindi ako makakita.

"Nasan nanaman ba ako?" mahinang tanong ko habang nililibot ng paningin ang buong kwarto. May maliit na lampshade na nag bibigay liwanag sa napakadilim na kwarto pero malayo sya sakin, wala ring bintana dito kaya puro pader lang ang nakikita ko maliban sa isang Cabinet na malapit lang sakin.

"Good morning" nagulat ako sa biglang pag sulpot ng isang babae sa tabi ko para tanggalin ang lubid na naka pulupot sa katawan ko. Lahat ba ng tao dito ay Vampire? Palagi nalang silang sulpot na sulpot sa kung saan-saan.

"Gusto kang makasabay ni Mr. Dane sa pag break fast" anito ng makatayo na kami, medyo nanginginig pa ang paa ko kasi ngayon nalang ako nakapag lakad.

"This way" sabi nya kaya sinundan ko sya sa pag lalakad hanggang sa marating namin ang dinning room kung saan prenteng nakaupo si Mr. Dane o mas dapat kong sabihin ay Lucas na teacher namin sa Math.

Nakakatakam ang pagkain na nasa table. Ilang araw naba akong hindi kumakain? Parang ngayon ko lang naramdaman ang salitang 'gutom'.

"Good morning, sweetheart" bati nya sakin ng makaupo ako sa katapat nyang upuan, deretso parin ang tingin ko sa pagkain. Huh?! Anong good morning?! Pag katapos mo kong itali sa upuan, yan lang ang sasabihin mo?! Bwisit! Pawis na pawis ako doon!

Kahit na gusto kong sabihin ang salitang yon ay mas pinili ko nalang na itikom ang bibig, baka kasi magbago ang isip nya at hindi na ako pakainin. Demonyo pa naman ang ugali.

"How was your sleep, sweetheart?" malambing na tanong nito saakin. Hindi ko talaga alam kung pano sya naging teacher, muka bang naging masarap ang tulog ko sa silya nayon? Sakit na kaya ng leeg ko.

"Napaka ganda, parang gusto kong matulog ulit don" sana ma feel nya yung pagiging sarkastiko nung tono ko. Gusto ko syang sampalin ng back to back kasi nginitian nya pa ako.

"If that’s what you want, Why not?" sabi pa nya, lihim akong napairap habang kumakain. Nakakainis, gusto kong maiyak sa inis pero hindi ko magawa!

"Gusto kong pumasok ng school" wika ko. Kahit hindi ko sya tingnan, ramdam ko ang pagbabago ng mood nya. Ano nanaman bang mali sa sinabi ko? Yun lang naman kasi ang gusto kong gawin, para kasing kinukulong na nya ako dito at ang mas nakakainis pa ay yung sinasabi nyang pag-aari nya ako. FYI! hindi ako bagay o hayop na kapag nakita lang na nakakalat sa kalsada ay aangkinin na basta basta, ako lang ang makakapag sabi non at hindi ang taong kaharap ko.

"No. Hindi ka lalabas" maotoridad na sabi nya kaya nakaramdam ako ng inis. What the hell? Wala naba akong kalayaan para sa sarili ko? Paano na yung pag aaral ko kapag pinag babawalan nya ako sa paglabas?

"Gusto kong mag aral kaya lalabas ako kung kelan ko gusto." matalim na tingin ang binato ko sakanya pero binalewala lang nya yon.

"My answer is No, and you can't change my mind." malamig na sabi nito habang kumakain. Kailan ba kasi ako makakaalis dito? Baka mamatay nalang ako ng hindi alam ni mama at kuya, sama ko pa yung dalawa kong kaibigan.

"Please naman, Mr. Dane wag mo naman akong ikulong dito. Alam ko namang nagkakamali ako minsan sa subject mo e, pero hindi ko alam kung bakit nilayo mo ko kay mama." hindi ko na napigilan ang pagiging emosyonal, hindi na talaga ako natutuwa sa nangyayari. Pano kung hindi na nya talaga ako palabasin forever?

"I have reason's, Sweetheart." sabi nito. Tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan, ano ba kasi yung dahilan nayon?! Na mi-miss ko na si mama.

"Then, What is it?! Tell me your fvcking reason! Hindi naman kasi ikaw yung nasasaktan sa pinag gagawa mo e! Ako naman yon! Kung may kinalaman yon sa personal life ko, wala kana don. Teacher lang naman kita!" sigaw ko. Alam kong nakakabastos yung ginawa ko kasi nasa harap kami ng hapagkainan, pero hindi ko kasi mapigilan. Im totally Clueless. Kung ang dahilan nya ay yung pagtanggap ko sa teddy bear na yon ay napaka OA nya, As in! Ano bang masama don?

"Yeah, right. Im just your teacher and you are my student. But You. Are. Mine! Hear me, sweetheart?" halata sa boses nya ang galit at lungkot. Aaminin kong natakot ako sa ginawa nyang pag sabi ng ganung klase ng salita, nakakakilabot at nagawa nyang pataasin ang balahibo ko. Panung hindi? Ang kulay abo nyang mata ay naging pula.

"Paki-balik na sya sa kwarto, doon sa kwarto ko." utos nya sa dalawang maid na kanina pa hindi gumagalaw, bigla nila akong hinawakan sa braso para alalayan sa pag tayo. Gusto ko silang itabig ng malakas pero hindi ko magawa kasi sa tuwing maiisip ko na pati pag pasok sa school ay hindi ko na magagawa ay nanlulumo ako.

Hindi naman nila ako hinatid sa kwarto kung nasan ako nagising kanina, mukang kwarto to ni teacher dahil may frame na nakasabit sa pader na may muka nya. Mas okay narin to kesa doon, merong bintana dito kung saan ko makikita ang labas. Kahit tingin nalang, kahit hindi ko malapitan.

"Kelan kaya ako makakalabas dito? Kung tumalon kaya ako sa bintana?" mahinang bulong ko sa habang sinisilip kung gano kataas ang babagsakan ko kung sakaling gawin ko yon.

Shit! Baka mapadali buhay ko!

"Wag mo ng subukan" nagulat ako ng marinig ko ang boses na yon. Si teacher. Hindi pa ba sya lalayas?

Nasa likuran ko lang sya at nakayakap sya saakin mula sa likod, hindi talaga ako makagalaw kasi ang bilis ng tibok ng puso ko. Straight lang ang tingin ko sa labas ng bintana dahil pinipigilan ko ang pag hinga ko.baka kasi maamoy nya. Joke! Kinakabahan kasi ako lalo na nung pinatong nya yung baba nya (Chin) sa balikat ko. Aatakihin na yata ako sa puso!

"Sorry, nabigla ba kita kanina?" malambing na tanong nya. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi bakit parang ang bilis nyang magbago ng mood? Everyday ba nyang ginagawa yan?

"A-ahm...a-ano" hindi talaga ako makasagot ng maayos. Yung feeling na mag a-apply ka ng trabaho tapos ikaw na yung e-interview-hin, shit lang! Matatameme ka talaga kasi nakalimutan mo yung isasagot mo.

"Sorry. Tomorrow, you can go to school." halata namang ayaw nya talaga. Napipilitan lang syang pagbigyan ako kasi ang gusto nya ay magkulong lang ako dito sa silid nato.

"Why not today?" tanong ko sakanya pero sinubsob nya lang ang muka nya sa leeg ko, kahit umiwas ako ay hindi parin ako makakagalaw dahil sa pagkakayapos nya sakin.

"Because, You need to rest" sabi nya na nagpakunot sa nuo ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko e, medyo masakit lang ang katawan ko pero kaya ko namang tiisin.

"Huh? Para saan naman?" tanong ko pa. Siguro dahil masakit pa ang katawan ko? O ayaw nya lang talaga akong palabasin.

"For this" sabi nya kaya napa lingon ako sakanya pero dapat pala hindi ko nalang ginawa. Naging pula ang mata nya at lumabas ang pangil nya habang nakatingin sa leeg ko. Oh shit!

"Teacher, Wag po!"

The Vampire's ObsessionWhere stories live. Discover now