Chapter 23

625 24 2
                                    

Katana's pov

Papunta na kami ngayon sa ospital at ramdam kong namamawis si kuya. Magkatabi kasi kami sa kotse tapos bigla na lang niyang hinawakan yung kamay ko kaya ramdam kong namamawis yung kamay niya kahit malamig naman dito.

Pagkarating namin sa ospital ay di niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Kuya, masakit" bulong ko dahil humihigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nag lalakad kami.

"Sorry" bulong niya at niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nakarating na kami sa harap ng kwarto nila daddy at nauna ang mga kapatid kong pumasok at naiwan kami ni kuya sa labas.

"I can't do it!"

"Kuya naman, nandito na tayo oh!"

"Mamaya itakwil nila ako eh!"

"Grabe ka naman mag isip! Di ganyan sila mommy noh. Well, si daddy... May chance"

"Katana! Mas lalo akong kinakabahan eh!" suway niya.

"Sorry naman"

Grabe! Pinag papawisan na talaga si kuya! Kinuha ko yung towel ko at pinunas sa mukha niya.

"Bal, bat di pa kayo pumasok? Hinahanap kayo ng magulang niyo" biglang sambit ni tito Lance.

Tumango ako at hinila na si kuya papasok.

"Hi mom, hi dad" sambit ko.

"How are you feeling po?" tanong ko at lumapit kay mommy para yakapin siya at sunod naman kay daddy.

"We're ok princess" ngumiti ako at nilingon si kuya na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Uhm, tito's, Al, Keizer, Yanyan. Pwedeng iwan niyo po muna kaming apat nila kuya, mommy at daddy?" tanong ko. Nagulat naman sila pero tumango din tsaka lumabas.

"Why did you let them out princess?" tanong ni mommy.

"Mom, dad. May sasabihin po kasi kami" lumapit ako kay kuya at hinawakan ang kamay niya.

"What is it? You look so tense, son" sambit ni daddy.

Archery's pov

"M-mom, d-dad... I-I u-uhm" may kung ano ang parang nakabaon sa lalamunan ko kaya hindi ako makapag salita.

"Hmm?"

"Mom, dad. Kung ano man ang sasabihin ni kuya, please don't freak out" saad ni Bridget.

"Why? Ano ba yun?"

"Just don't freak out, please!"

"Fine" sambit nilang dalawa.

Lumunok muna ako bago nag salita.

"M-mom, d-dad. N-nakabuntis po ako" utal kong sambit.

Tinignan ko sila mommy at daddy at napaka seryoso ng mga mukha nila.

"Is this a joke?" seryosong tanong ni dad pero umiling ako at yumuko.

"How?" napaangat ako ng ulo dahil sa tinanong ni dad.

"How did this happen?"

"W-when we throw a party at the old house. We all got drunk"

"We? Katana, kasali ka dito?" patay, first name na yung gamit ni dad. Galit na toh.

"Y-yes dad"

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant