Chapter 35

747 35 6
                                    

*Few weeks later*

Archery's pov

Ilang linggo na ang lumipas at galit pa rin sila mommy sakin. Kung sinabi ko na lang daw sana agad nung araw na tinawagan ako ni Bridget edi sana daw agad nilang pinahanap yung dalawa. Di nga nila ako pinapansin tapos minsan iniiwasan nila ako. Di ko alam hanggang kailan kami ganito.

"Tol, may ginagawa ka ngayon?" bungad ni Theo ng sagutin ko ang tawag.

"Wala naman. Bakit?" tanong ko pabalik.

"Tara labas" 

"Sige, san ba?" 

"Mag kita na lang tayo sa billiard. Nandito na kami nila Jasper"

"Sige" pinatay ko na ang tawag at kinuha ang jacket, wallet at susi ng kotse ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita sila mommy at daddy na nanonood sa sala ng mga videos at picture slideshows ni Bridget. Tahimik akong lumabas ng bahay at dumeretso na sa kotse ko.

*Few minutes later*

Nakarating ako sa billiard club at lumapit kila Jasper.

"Bro, buti nakarating ka" sambit ni Rancie.

"As if naman na pag babawalan ako ng magulang ko. Kulang na lang itakwil na nila ako dahil sa nangyari eh. Para akong hangin dun sa bahay, ni hindi nila ako kayang pansinin" saad ko at umupo muna sa upuan.

"Cheer up, tol. Babalik rin sa dati ang pamilya mo" sambit ni Theo habang ang kamay niya ay nasa balikat ko.

"Ano na? Game?" pag aayaya ni Jasper.

"Game!"

*Few hours later*

Inabot na kami ng hapon kaya umalis nako sa club na yun. Habang nag mamaneho ako ay parang may sariling mundo ang mga kamay ko at niliko sa ibang direksiyon ang manibela kaya nakarating ako sa condominium ko.

Pagkarating ko sa floor kung nasaan ang unit ko ay dumeretso nako dun. Dito muna ako mag papalipas ng gabi.

*The next day*

Nagising ako at sobrang tindi ng sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa center table at may tatlong bote dun ng alak. Tatlo na pala yung nabili ko, di ko alam.

Nag shower muna ako at hinayaan ang maligamgam na tubig na umagos sa buong katawan ko.

*Few minutes later*

Papunta ako ngayon sa apartment ni Sam at nang makarating ako dun ay may sariling susi ako kaya nabuksan ko ang pinto. Wala ni anino ang bumungad sakin kaya dumeretso ako sa kwarto niya. Bubuksan ko sana ito nang marinig ko siyang nag sasalita.

"Ma, patay na si Katana" sambit niya sabay tawa.

"Mabuti naman at nabawasan na ang mga Ventura" saad ng isang di pamilyar na boses.

"One down. Six more to go" 

"Wrong. Plus two so, eight more to go" sambit nung kasama niya. Are they talking about my newborn siblings?

"Anyways, here"

"San mo nabili toh ma?"

"Online. Try it on"

Naging tahimik sa loob saglit at maya maya lang ay nag salita ulit si Sam.

"Wow! Parang totoong buntis talaga ako ma!"

"Wag na wag mong ipapahawak yan kahit kanino ha. Especially kay Archery"

"Syempre ma" sagot ni Sam.

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon