DAS1 | CHAPTER 9

4K 219 7
                                    

DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]

CHAPTER NINE

“COULD YOU please change that face expression of yours? Late na nga tayo, ganyan pa ng expresyon ng mukha mo. Ako dapat ang susuot ng ganyang expresyon dahil sa ginawa mo sa'kin.” Sambit ni Zane habang tinititigan ang nagtatampong mukha ni Skylar na nakahilig at nakakrus ang braso sa dibdib.

Well, thirty minutes na silang late dahil sa sobrang arte ng mokong na ito. Dahil lamang sa kulay ng suot na damit. Siguro nga kanina pa nagsisimula ang party, at Isa sa mga special guest ang mokong na katabi. Zane is sure na sila mamaya ang center of attention dahil sa natagalan sila.

Kanina habang nag-aayos sila para sa party, biglang tumawag ang Tito ni Skylar na dad ni Lucien na kailangan ay naroon sila on-time dahil may announcement na magaganap before the party starts.

“I hate Rodney, dapat tayo ang kulay pula ngayong gabi. I hate him.” May tampo sa boses ni Skylar saka tumingin kay Zane. “By the way, you look beautiful.”

Napangiwi bigla si Zane nang marinig iyon. Itong peste talaga, ang arte arte. Halos gabundok ng damit ang isa isa nitong sinukat para tumirno sa kaniya kaya natagalan sila.

Zane is wearing now, a royal blue sparkly bead ball dress na pinili mismo ni Skylar dahil sa inis dahil sa kulay lamang na pinagtalunan. At mukhang walang pake kung gaano kamahal ito dahil sa galit nga ang mokong kaya galit si Zane sa kaniya dahil sa kamahalan nito.

Naglagay narin si Zane ng light make-up lang at pinacurl ang blonde hair niya. Yeah, kinulayan ito para maglighten ng kaunti. Close to brown hair na kasi ang kulay ng buhok niya.

At syempre hindi lang ang presyo ng gown ang kinaiinisan ni Zane, parang gusto niyang suntukin si Skylar dahil ang dress na suot niya ay open back. Hindi pa naman siya sanay sa ganitong damit kapag magkocross dress siya.

“You look handsome, kaya wag ka nang sumimangot dyan. And I'm warning you, don't you dare put that pervy hand of yours at my back. Nakakagigil ka dahil sa open back ito.” Inis na sambit ni Zane saka inayos ang gold colored bowtie ng loko na mabilis umayos ng tayo nang huminto na ang sasakyan sa harap ng mansyon ng mga Bradford.

“Sure ka ba na ikaw ang magbibigay ng regalo kay Tito at Tita?” Tanong ni Skylar, na dahilan para kumatok ang kaba ni Zane.

Peste talaga ang loko na ito, pinaalala pa sa kaniya talaga ito. Okay na sana dahil medyo kalmado siya, tapos babasagin niya lang.

Skylar, pwede pasuntok?

“Ako na, sasamahan mo naman ako diba?” Ani ni Zane saka inayos ang sarili saka bumaba nang bumukas ang pinto ng kotse.

“You look beautiful, Ms. Rodriguez.” Bati ng lalaking nagbukas ng pinto ng kotse. “Enjoy the party.”

Tumango lang si Zane na may ngiti sa labi bilang tugon niya, at umikot ng kotse patungo sa tabi ni Skylar na mukhang handang handa na sa pagpasok. Mukhang nagsisimula na nga ito.

Nasa likuran ng mansyon, may malapad na open-wide space where the party is held. At ang daan patungo roon at sa loob ng mansyon, hindi naman pwedeng umikot sa gilid dahil sa mga nagtataasang mga pader na may electric fence.

“Just think na parang party lang ito na pinupuntahan natin noon. And remember you're my partner, kaya hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, except nalang kung kakausapin mo na si Tita Rebecca. Lucien loves his mother than the woman's he had, Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng paraan para hindi maalis ang ngiti nito sa labi.” Ani ni Skylar saka naglakad na silang dalawa ni Zane papasok nang maibigay na ni Skylar ang invitation card sa Butler na nasa labas ng malaking pinto.

☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon