8

45.7K 1.4K 302
                                    

"DOC, kumain po muna kayo. Naliligo pa po kasi si Comet sa kwarto niya." nakangiting sabi ni Summer sa doktora matapos niya ilapag sa center table na nasa harap ng babae ang tray na may lamang juice at isang slice ng cake.

Araw na kasi ng therapy session ni Comet. Sakto naman na kakatapos lang nila magtanghalian ng dumating ang doktora. Agad naman niyang pinilit si Comet na maligo sa kwarto nito.

"Thanks, Summer. By the way, how's Comet these past few weeks? Hindi ko kasi siya na-monitor dahil abala ako sa France for our conference." tanong ng babae.

"Ayos naman po si Comet, Doktora. Makulit nga lang po talaga minsan."

"That's good. Well, mukhang matatagalan pa ang alaga mo. Pwede ba na samahan mo muna ako dito? Makikipagkuwentuhan lang. If you don't mind?"

"S-sige po." she said. Pinaupo siya ng babae sa tabi nito. They talked some random things, yung iba ay tungkol kay Comet ang yung iba ay tungkol sa kanya.

"You're so lucky, bibihira lang ang mga estudyante na binibigyan ni Orion ng scholarship, sa school pa na pagmamay-ari ni Pollux. Ano namang kukunin mong course kung sakali?"

"Ahm, gusto ko rin po sanang maging psychiatrist katulad niyo, doktora." nahihiyang sagot niya. Ngumiti naman ang babae matapos nito uminom ng juice.

"Hey, you don't need to be shy. Hayaan mo, may mga libro ako sa bahay na hindi ko na ginagamit. Ibibigay ko na lang iyon sayo para magamit mo sa pag-aaral mo. Next time ko na lang dadalhin sa next session ni Comet."

"T-talaga po? Maraming salamat po, doktora!" tuwang-tuwa na sabi niya. Pagkatapos, nagpaalam siya sandali sa babae para i-check si Comet sa loob ng kwarto nito. Napansin niya kasi na masyadong matagal na ang lalaki sa kwarto nito. Nakakahiya naman paghintayin ang doktora.

Pagkadating niya sa kwarto ni Comet, naabutan niya doon ang lalaki na kakalabas lang ng walk-in closet nito. He's wearing a plain white shirt at black sweat pants.

"Comet, di ka pa ba tapos? Kanina pa naghihintay sayo si doktora Margie sa ibaba." kumuha siya ng brush at sinuklay niya ang magulong kulot na buhok ng lalaki. Tumingkayad pa siya dahil sobrang tangkad nito kaysa sa kanya.

"Let her wait."

Pinanlakihan niya ng mga mata ang lalaki. "Comet! Ang rude mo ha, last time ka pa na ganyan sa kanya. Mabait naman si doktora ah!"

Sinimangutan lang siya ng lalaki, ipinalibot nito ang kamay sa bewang niya at saka nito isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"I don't like her. Can I skip that therapy thing? I want to be alone with you."

"Hindi pwede, Comet. Utos ng kuya Orion itong therapy session mo. Sige ka, magtatampo ako sayo kapag hindi mo hinarap si doktora."

Bumuntong hininga ang lalaki. Walang emosyon ang mukha nito nang umalis mula sa pagkakasubsob sa leeg niya.

He rolled his eyes. "Fine!" he said before storming out to his room. Sinundan naman niya agad ang lalaki. Bababa na dapat ito sa hagdan nang bumalik ito palapit sa kanya, sinamaan siya nito ng tingin bago nito padabog na kinuha ang kamay niya. Pinagsalikop nito iyon saka sabay silang bumaba.

Naabutan naman nila ang doktora na kausap si Nanang Fely. Sumulyap pa ito sa magkasalikop nilang kamay ni Comet bago ito ngumiti sa kanya.

"Sa garden niyo na lang tayo magse session ngayon, Comet. Is that okay with you?" tanong ng doktora.

"Fine. But I want Summer with me."

Natigilan naman ang doktora. "Ah, Comet kasi hindi pwede, your every session are confidential." bumaling naman sa kanya ang babae. "No offense, Summer ha, it's part of protocol isa pa, para din iyon kay Comet." apologetic itong ngumiti sa kanya.

Serendipity (Under Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt