31 monk.

1.8K 222 4
                                    

kilalang kilala na sa buong akademya ang pangalang zenon miller.

sa loob ng dalawang bwan nagawa nyang makaabot ng class B.

maraming kumakalat na balitang nagawa ni zenon maka abot sa class B rank 60 ng sunod sunod na gumamit lang sya ng isang physical na suntok.

naging usap usapan ito sa loob pero hindi pa ito nakakalabas ng akademya dahil pag pasok sa akademya pinapahintulutan lamang makalabas ay ang mga class S ang mga nasa class A hanggang C naman ay pahihintulutan lamang makalabas pag sapit ng anim na bwan tungkol naman sa class D pwede silang makalabas pero hindi na sila maaaring bumalik pa.

ang pananatili sa class D ay kasunod na rin ng katapusan nila sa pananatili sa akademya kung hindi sila makaka sulong papuntang class C sa loob ng tatlong taon ay papatalsikin na sila ng akademya kasabay nun ng pag pasok ng mga bagong cultivator.

naging matunog rin ang pangalan ni zenon sa mga nakatataas na guro sa akademya kaya hindi makakawala sa tainga ng head master ng akademya ang mga nakamit ni zenon sa mabilis na oras lamang.

sa dako naman ng class S hindi sila nag bibigay pansin sa labas para sa kanila bukod sa top 10 ng class A na maaaring masulot ang pwesto nila para sa iilang hambog na nasa class S walang sinuman ang makakatalo sa kanila ang kaganapan sa labas at pag sikat ni zenon at pati na rin ni troy ay isang larong pambata lamang.

pero my iilan sa kanila na hindi maiwasang mapabilib sa mga nakamit ng mga to dahil nung sakanilang kasagsagan ng ganung lakas ay marami din silang pinag daanang paghihirap lalo na ang pagtapak sa class B.

di kalaunan sumapit ang halos isang bwan isang sunod sunod na pagputok ng balita.

isa nanamang puting kabayo.. si red cruz na nanatiling matagal sa class D at parang walang balita ay isa ng ganap ng 2nd job at hindi lang yun sunod sunod din ang announcement hanggang sa makatapak sya ng class C top 1!! ..

sa puntong to wala ng nagtaka kung kayang talunin ni red cruz ang mga taong may mas mataas na antas sa kanya dahil isa syang mage na ngayun nakatapak na sya sa 2nd job isa ng ganap na high mage!!..

ang isa pang pagputok ng balita ay ang tungkol kay meyer at alexa.

si meyer na isang beast tamer ay isa ng ganap na 8 lvl pero hindi yun ang kinagulat ng lahat.

pinagalaw na ni meyer ang kanyang pinaka malakas na sandata ang devil wolf na isa sa kanyang mga agala. merong isang guro na nakakilala dito at sinabing ang wolf na hawak ni meyer ay isang alpha type ang hari sa mga hari ng kagubatan!!!

at ang isa pang balita!! si alexa lynxin na isang labingtatlong taong gulang ay halos makapasok na sa 2nd job!! isa na syang ganap na lvl 10..

marami ang namamangha kay alexa dahil sa mura netong edad maaaring makatapak na sya agad sa 2nd job isang tunay na talento sa paglilinang.

para sa mga taong humahanga kay alexa tingin nila sa dalaga na pasibol palamang ay merong walang hanggang kinabukasan!!

sa sunod sunod na balitang natanggap ng lahat hindi sila makapaniwala at bigla na lang sila pinang hinaan ng loob at nalungkot maraming class C ay halos namutla na lalo na ang pagpasok ng balitang

si ZENON MEYER!! ay nakatapak na rin ng 2nd job!!! hindi isang priest kundi isang MONK!!!

.cont

Path of God [Vol 1 : Willstone Academy]Where stories live. Discover now