CHAPTER 32

138 9 11
                                    

SIKAT

SOPHOMORES CAMPING DAY
PART 7

KAEDE RUKAWA

DAHAN DAHAN kung inalis ang braso na nakadagan sa may bandang dibdib ko.

Pambihira.

Kung alam ko lang sana na malikot matulog ang isang to, edi sana hindi na ako dito sumama.

Maingat akong lumabas ng tent at isinara ito,mukhang maaga akong nagising ngayon dahil sa kakaunti pa lamang ang mga estudyanteng nakikita ko.

Marami ang nagpipicture taking sa papaangat pa lamang na araw,habang ang iba naman ay kasalukuyang nagkakape na at nagkakakwentuhan.

Gamit ang tuyong face towel na dala ko ay tinuyo ko ang mukha ko matapos kong maghilamos,maglalakad lakad nalang siguro muna ako.

Total tulog mantika naman itong kasama ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng biglang sumagi sa isip ko si Hana at ang mga sinabi nya kahapon,hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako na,

Ako na.

Ako na ang bago niyang mahal.

Pero hindi parin ako makapagdisesyon kung anong gagawin ko.

Kung magdududa ba ako sa bagong nararamdaman nya? sa lahat ng sinabi nya?

Kung mamahalin ko rin ba sya?

Kung ititigil ko na nga ba ang bagong nararamdaman ko mula ng mawala sya.

Ang pagtingin ko kay Haruko...

dapat ko na nga bang itigil?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah,Rukawa?"- agad akong napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

Sendoh.

"Gusto mo bang samahan kita?baka kasi malunod ka sa sobrang lalim ng iniisip mo,mabuti na yung may sasagip sayo..."

"Para namang may maitutulong ka"

"Bakit?may problema ka ba talaga para tulungan kita?"

"Wala."

"Ah..akala ko kasi meron talaga.."

Napansin na nga niya na malalim ang iniisip ko eh,

Hindi pa ba ako mukhang problemado sa puntong yun?

Buang talaga.

Lumipas ang ilang segundo at sabay na kaming naglalakad ngayon,hindi na ako nagsalita mula kanina at ganun di n naman itong kasama ko."Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Hana ah?..ang ganda ng ngiti nya kahapon..."- sinabi ni Sendoh ng naglalakad na kami pabalik ng tent.

"Bakit parang interesado ka?"

"Nagtatanong lang,interesado agad?di ba pweding trip ko lang itanong?"

Umagang umaga ang isang 'to.

Nakakapang init ng ulo.

"Hay ewan..."- walang ganang sabi ko at aalis na sana pero kusang huminto ang mga paa ko ng matanaw sa di kalayuan ang isang di kaaya-ayang eksena..

HARUKO AKAGI

Nakangiting isinara ko ang tent namin at I inaling ang paningin ko sa papaangat pa lamang na araw,napakagandang pagmasdan nito dahil sa taas narin ng lugar na kinaroroonan namin ngayon, what a beautiful sunrise.. napakagandang bungad naman sa umaga.

NO OTHER THAN YOUWhere stories live. Discover now