CHAPTER 10

190 6 0
                                    

2ND STORAGE ROOM

HARUKO AKAGI

Timecheck 11:30 am

UNTI-UNTING lumipas ang mga sandali at natapos narin ang apat na subject sa Umaga.
Masayang nagkanya kanya na naman nang mundo ang karamihan sa mga kaklse ko.
Dahil sa inaasahan na wala ng klase sa lahat ng subject sa hapon dahil sa emergency meeting ay paniguradong sobrang ingay na lalo ng classroom na ito buong maghapon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid ko sa buong classroom nang maantala ang panrinig ko.

"Ang swerte naman ni Haruko.
Makakasama nya buong maghapon si Rukawa dun sa 2nd Storage"

Boses yun ni Sayura.

"Sana pala umabsent nalang rin ako kahapon..."

"Sayang talagaaaaaa..."

"Gusto ko ring makasama si Kaede nang kaming dalawa lang sa buong maghapooooon~"

"Ano ba kayo!? sa palagay nyo ba mapapaglinis ni Ms.Takihama yung si Rukawa?..eh galit na nga yun pag ginigising sa pagkakatulog eh utusan pa kayang maglinis??"

"...Tama malabo yun.."

"Hindi yun maglilinis si Rukawa magkapustahan pa.."

"Pano yan..edi mukhang mag isang maglilinis si Haruko sa buong 2nd Storage Room?"

"MUKHANG GANUN NA NGAAAA.."

Napaka kampante naman mag usap ng mga 'to di ba nila naiisip na nandito pa ako?

Sana man lang pinaalis muna nila ako.

Alam ko naman yun eh.

Hindi ugali ni Rukawa ang sumunod kung wala namang kaugnayan sa basketball.
Mukhang hindi nga yun dadating mamaya para sumunod sa utos ni Ms.Takihama.

Pambihira naman.

Nasa Rooftop pa naman ang 2nd Storage Room at ikalimang palapag pa ang Rooftop.
Mula dito sa floor ng mga 2nd Year.

Nakakatakot gabihin.

"HARUKOOOOOO!"

Naantala ang pag iisip ko at agad na napalingon sa may pintuan ng classroom kung saan nakita ko ang nakadungaw na si Sakuragi.

"Hi Harukooooo~"sabay sabay na sabi nina Takamiya na bigla nalang sumulpot sa likuran ni Sakuragi.

Bahagya akong napatawa sa eksenang nakikita ko ngayon.Napuno kasi ang luwang ng pintuan ng section namin dahil kina Sakuragi ang lalaki nilang harang sa pintuan.Pambihira.

Mukhang wala silang balak magpadaan.

Umingay lalo ang buong classroom.

Masayang hinagilap ko ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng mesa ko at iniayos sa loob ng bag ko pagkatapos ay nilapitan ko na sina Sakuragi.

NO OTHER THAN YOUWhere stories live. Discover now