PART 2

46.9K 595 78
                                    

Habang hinihintay ni Samantha na matapos ayusan ni Crista si Sophia ay napaayos siya bigla ng upo. Paparating kasi ang nakasimangot na si Yohann sa pwesto nila.

"Samantha, pwede ba tayo mag-usap?" Naiinis na nakapameywang pang bungad nito.


Kahit biglang bumilis ang tibok ng puso niya ay matamis na ngumiti parin siya dito.

"Bakit mahal kong Yohann? Nag-uusap na tayo, miss mo na ba ako?" nakangiting tiningala niya ito.

Saglit na natigilan ito pagkakita sa kanya. Biglang para itong natulala na
Wari'y naninibago sa ayos niya.
Para itong nagtanggal ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Aminin, nagandahan ka?" Napangisi siya sa naisip.

"Ano bang—"

"Ako kasi namiss na kita eh." Pilyang putol niya sa sinasabi nito habang rinig naman niya ang mga kaibigan niya na natatawa na at may kunwaring inuubo pa dahil sa sinabi niya.

Hindi nalang niya nilingon ang mga kaibigan dahil nakatitig siya sa gwapong mukha ni Yohann.

Medyo nangawit lang leeg niya dahil nasa mahigit anim na talampakan ang taas nito.
Napadako naman ang tingin niya sa mga biceps nito pababa sa tiyan nito na alam niyang may mga abs kahit natatakpan ng t-shirt.

Nakita niya kasi ito dati na nakaswimming trunk lang noong mag outing ang pamilya nila kasama ang pamilya nito. Fourth year high school ata sila noon at may abs na ito.

Magbest friend kasi ang mommy ni Yohann at mommy niya noong kabataan at magpahanggang ngayon, kaya iyon rin ang dahilan kung bakit magkatapat lang ang bahay nila. Sa sobrang close ng magulang nila ay napagdesisyunan ng mga ito na magkaroon ng bahay na magkakasama o magkakadikit parin sa isa't isa. Bestfriend forever ang peg ng mga magulang nila.

Kaya mula paglaki niya ay kasa- kasama na niya si Yohann.
At habang tumatagal ay nagkakagusto siya rito noon hanggang sa nareliaze niyang mahal na niya ang binata.

Kahit pa ba lagi siya nitong sinusungitan ay hindi naalis ang pagkagusto niya sa binata. Dati naman  kasi ay hindi ito ganoon kasungit sa kanya pero simula ng magkolehiyo sila ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya, na akala mo nakagawa siya ng kasalanan dito kahit wala naman siyang ginagawang masama.

Akmang ibababa pa niya ang tingin sa katawan nito, nang walang ano ano ay  ang mukha na ni Yohann ang kaharap niya. Halos magkapantay na ang mukha nila dahil mabilis na umupo ito sa tapat niya.
Nakangiting pinisil niya ang pisngi nito subalit mabilis din nitong hinawi ang kamay niya.

"Sungit talaga!"

"It's Yohann, at wag mo akong tatawaging mahal."

"Eh Baby?" hirit pa niya pero sinamaan lang siya nito ng tingin.
Napanguso siya pero napansin niyang napatingin at napalunok ito sa pagkakatitig sa nguso niya.
Nasagwaan ata ito sa itsura niya kaya mabilis siyang umayos.
Pacute na ngumiti nalang siya dito pero nawala ang ngiti niya ng magsalita ito.

"Hanggang kailan mo ba ako titigilan huh?"

Ouch..!

Parang may patalim na tumarak SA puso niya sa mga binitawan nitong salita.

"Hanggang maging tayo." pacute na Sabi nalang niya sabay kindat dito.
Kahit na nasasaktan siya sa  trato nito sa kanya ay okay lang. Mahal niya eh.
Pasasaan ba't mapapasakanya din ito.

Nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya pero para sa kanya, seryoso siya sa sinabi. Hindi siya titigil hanggang maging sila ng binata. Kung alam lang ni Yohann kung gaano niya kamahal. Hindi naman niya ito kukulitin kung hindi totoo ang nararamdaman niya. At hindi niya ibababa ang Sarili magpapansin lang dito kung hindi niya ito Mahal.
Sa ganda niyang ito maghahabol siya ng lalaki? Pero dahil si Yohann naman ang nakapana ng puso niya, hindi na niya inisip pa ang dignidad bilang babae, makuha niya lang ang puso ng mahal niya.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now