Chapter 2

3.6K 112 8
                                    

Dian's POV

Kasalukuyan akong nagda-drive papuntang taping location para sa bagong project na ako mismo ang mag director.  Ang kagandahan dito ay hindi ka maha hussle sa traffic at mamaya gaganapin ang pag produce ng bagong film na si Cassie mismo ang nagsulat.

Tama kayo ng basa. Pagkatapos nyang magpakasal kay Steph,  naisipan nyang bumalik sa dati nyang work pero hindi na doon sa mismong company sa law firm.  Sumikat kase ang sinulat nyang book na sila mismo ang may story ang One night stand with a stranger. Hindi sya makapaniwala na mapa publish ito as in book at dahil masaya sya naisipan kong gawan ng pelikula ang sinulat nya at tuwang-tuwa sya.

Masaya pa din ako para sa kanya we suppose to be friends. Mamayang gabi pala ang party dahil sa makalawa ay ipapalabas na sa sinehan ang bagong movie.

Pagkarating ko sa location area ay nadatnan kong nakasalang sa set si Kate ang main character sa bagong series na project. Tinignan ko ang monitoring set kung ok ba ang galaw nila. Lgbt themed kase ang halos lahat ng dina direct kong project. Legal naman kase dito sa ibang bansa hindi katulad sa pinas.

" mukhang kailangan natin ng humanap ng mas magandang place para sa scene na ito Dian. " Dinig nyang sabi ng kanyang kaibigan na si Ace.  Isa din itong lesbian na half australian and half filipina.  Marunong din ito magtagalog dahil ang mommy nya ay isang pinay.  Nakilala nya ito industry ng showbiz bilang photographer.  Minsan pag wala si dian sya ang gumagawa non. Katylad ni Dian isa din itong butch tignan at proud silang intersex.  Yes kabilang din ito. Ang pinagkaiba nga lang nilang dalawa ay mahilig ito sa babae. Mahilig makipag flirt.  Sa tuwing mag hang outs sila ay walang babae itong naikakama sa isang gabi.

Tatlong buwan nilang gagawin ang series na ito.  Dahil mapapanuod ito sa Zn-channel bukas ng hapon 3pm.

Marami ang nag e sponsor sa kanya para sa project na ginagawa nya.  Kaya lang naman sya bumalik sa pagiging director dahil gusto nyang makalimutan ang nangyari dahil sa heartbreak na naranasan nya.

Nang matapos ang eksena ni Kate  ay biglang tumingin ito sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Kumunot naman ang aking noo.  Umupo nalang sya dressing room para ayusan ulit sya. Hindi ko na lamang pinansin ang ginawa nyang 'yon.

Kung tutuusin maganda sya at matangkad, maputi, morena, matangos ang ilong at may lahi din. Napansin din pala ni Ace ang ginawang non ni Kate kanina. Kaya nang aasar sya.

" Bakit ganun makatingin sa'yo si Kate?  May gusto ata sayo bro!" napatawa naman ito sa aking gilid habang ako naman ay pinagmamasdan silang lahat ng nandito.Hindi ko na lamang pinansin ang pang aasar nya sa akin. Tumayo ako at pumalakpak ng tatlomg beses para makuha ko ang atensyon nilang lahat.

( después de grabar, responderé a nuestros hangouts esta noche para que disfrutes trabajando.  Sabes que solo haremos este proyecto en 3 meses.)

"pagkatapos ng taping ay sagot ko ang hang outs natin mamayang gabi, ok?  Para ganahan naman kayong magtrabaho.  Alam nyo naman na 3 months lang natin gagawin ang project na ito para hindi tayo magahol sa oras. " napamulsa kong sabi sa kanilang lahat.

Dian Lopez (Intersex) Not EDITED COMPLETEDWhere stories live. Discover now