Chapter 11

2.1K 82 2
                                    

"hola direk, quieres un masaje?"( hi direk,  gusto mo ba ng masahe? )"  lumapit ito kay Dian para mag alok ng free massage dahil hinihilot nito ang kanyang ulo dahil sa mga nagdaang nangyari.

Hinawakan naman ito ni Margarette kaya napaigtad naman sya ng may maramdaman syang kamay sa kanyang ulo.

"Ano bang ginagawa mo margarette? " tinanggal nito ang kamay na nakahawak sa kanyang ulo at matalim na tumitig sa kanya.  Pero ang babae ay napangisi lang sya.

" Ayaw mo ba na masahiin man lamang kita direk? " lumapit ito sa kanya sa upuan at pinadausdos nito ang daliri sa kanyang braso.  Napag igtad naman Si dian s aginagawa ng babaeng ito.

" Tigilan mo ang ginagawa mo sa akin.  Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan at lalong hindi kita papatulan. " Walang emosyon na sabi nito ng kinuha ang script at nagpanggap na busy para lubayan sya ni margarette.

" Kumain ka na ba direk baka naman nagpapalipas ka ng gutom?  Halika treats ko isama na din natin si Ace. " bulong nya.  Dahil nasa kabilang side lang naman ang tawa tawang si Ace na kanina pa nakamasid sa kanilang dalawa.

" Ako nalang kase kung ayaw nya margarette, " pakindat kindat na sabi ni Ace. Tiniklop na nito ang binabasa kanina na libro at humarap ito sa kanilang dalawa.. Napahalukipkip naman ang babae ng tumanggi Si dian.

" kayo nalang ang lumabas at may gagawin pa ako" Nahilot na naman sya sa kanyang sentido dahil sa paglapit-lapit nito sa kanya.

"halika na tayo nalang kase..." Pakindat naman Ni ace na nakangisi.  Hinatak na sya nito palabas.

Margarette's POV

Napairap na lamang ako sa kawalan ng hatakin ako ng malandi at womanizer na ito.  Sumakay na kami ng sasakyan nya at nagpunta kami sa malapit na restaurant. Nawalan na ako ng gana para kumain. 

" Akala ko ba kakain ka? " hindi ko namalayan na nakalabas na pala si Ace at medyo malapit sa akin ang kanyang mukha.  Natigilan naman ako ng magtitigan kami at ganun din sya pero agad din nakabawi ng ngumisi sya.

"Are you enjoying the view?" napalunok naman ako ng ilapit pang muli ang kanyang mukha.  Hindi agad ako nakagalaw dahil kakaiba pala ang dating nito.  " I like the way you stare me like that, babe" shit!  Bulong nya at dinilaan ang aking tenga.  This man is getting into my nerves.  Napasinghao naman ako ng bigla akong nakawan ng halik nito sa aking labi. At doon ako bumalik sa wesyo.

" W-hy did you do that?  Bakit mo ko hinalikan! " masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero ngisi lang ang isinagot nya at pumasok na ito sa resto.  Damn bigla akong napahawak sa labi ko feeling ko nakadikit pa din ang labi nya sa labi ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Mga galawan talaga ng taong 'yon.

Hindi na ako umimik ng makabalik na sya sa sasakyan pagkatapos nyang ilagay sa bavk seat ang mga ti-nake out nyang mga pagkain.

Dian Lopez (Intersex) Not EDITED COMPLETEDWhere stories live. Discover now