10

49K 1.4K 300
                                    

HINDI mapakali si Summer habang nasa sasakyan siya pauwi ng mansyon. Hindi na niya tinapos ang tatlong araw na bakasyon sa isla nila at nagdesisyon siya na bumalik na sa Maynila. Ganoon din ang sabi sa kanya ng lola Selya niya nang mapansin na hindi siya mapakali matapos mabasa ang mga text message galing kay Comet.

Kaya tinawagan agad niya si Nanang Fely para ibalita na uuwi na siya. Pinasundo naman siya ng matanda kay Kuya Marvin pagkababa niya sa pier.

Hindi niya rin maiwasang hindi mag-alala ng mabalitaan na nagwawala raw si Comet nang malaman na umalis siya.

Nang makarating sila sa mansyon, agad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Tinalunton niya agad ang kwarto ni Comet, she gasp when she saw his situation, parang yung unang beses lang siyang dumating sa mansyon.

Sobrang kalat ng kwarto nito. Pilit namang nagwawala si Comet habang pinipigilan ito ng ilang bodyguards at ni Nanang Fely.

Magulo ang buhok ng lalaki, gusot din ang damit nito at mugto ang mga mata.

"Comet!" napatingin sa kanya ang luhaang mga mata ng lalaki. Kumawala ito mula sa pagkakahawak ng mga bodyguards. Mahigpit siya nitong niyakap nang makalapit ang lalaki sa kanya.

Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya, patuloy pa rin ito sa pag-iyak. "I'm sorry, I'm sorry Summer, I'm sorry if I'm so bad at you last time, please don't leave me again. Please, please..."

Hinagod niya ang likod ng lalaki, pilit itong pinakalma mula sa pag-iyak. "Shh, tahan na. Nandito na ako, hindi na ako aalis ulit."

"Doon muna kayo sa kwarto mo hija, pagpahingahin mo muna ang batang iyan. Hindi na iyan tumigil sa kakaiyak simula nang umalis ka." malumanay na sabi naman ni Nanang Fely.

"Sige po 'nang." binalingan niya si Comet. "Tara? Doon tayo sa room ko." nagpaakay naman ang lalaki pero hindi ito bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.

Inihiga niya si Comet sa kama, hindi na siya nakahuma nang tangayin siya ni Comet at ihiga siya nito sa tabi nito. Idinagan nito ang isang hita sa kanya at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.

She can feel his hot breath fanning her neck. Marahan naman niyang hinaplos ang magulo nitong buhok.

"I'm sorry for acting like a bad guy last time, Summer. I just, I just so shy and I don't know how to act in front of you because you didn't love me.."

"Comet.."

"But it's okay, it's alright that you don't love me, as long as you're here with me so please, don't leave me again huh?"

"S-sino ba ang may sabi na hindi kita mahal?" bigla namang natigilan ang lalaki, hindi makapaniwalang inangat ang tingin nito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi umabot ang ngiting iyon sa mga mata nito.

"I-I know, you maybe love me as your brother, right?"

She smiled. Pinahiran niya ang mga luha nito na nagkalat sa pisngi nito. "Akala ko noong una ganoon. Pero na-realized ko na mali pala ako."

Mahal niya si Comet. Walang ng duda ron.

Alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman sa lalaki simula pa lang nang magkita sila sa ilog sa isla nila, naging in-denial lang siya noong una dahil siguro nag-aalangan siya sa agwat ng pamumuhay nila ng binata at dahil sa kalagayan nito.

Malaking tulong na rin siguro nang magalit sa kanya si Comet, maging ang pagkausap niya sa lola Selya niya tungkol sa pag-alam sa totoong nararamdaman niya.

It's all new to her, pero hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman niya para dito. Wala namang masama kung susugal siya diba?

"Y-you mean?"

Serendipity (Under Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ