Chapter 12: Asawa

2K 73 0
                                    

Chapter 12: TGQITLLP: Asawa

Ashea's Pov

Matapos naming magpahinga sa Park ay pumunta naman kami sa isang restaurant para kumain. Sunod ay nagtungo kami sa isang peryahan para maglaro.

Una, sumakay kami sa roller coaster,sunod ay naglaro kami ng pana,pumasok kami sa haunted house at kung ano-ano pa.

Pagkatapos ay pumunta naman kami sa isang enchanted garden kung saan may mga nagsisiliparang mga paru-paru na umiilaw at mga gumagalaw na mga halaman.

Sa loob ng Enchanted Garden ay may mga maliliit na bahay kung saan naninirahan ang mga duwende. May roon ding mga diwata na nangagalaga rito.

Hayst!” Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas kami ng bus.

Nandito na kami ngayon sa Academy.

We're here!” sabi ni Chloe.

Around 5:00 pm na rin kaya sobra kaming napagod.

Habang naglalakad papunta sa kanya-kanyang dorm, napansin ko lang na kanina pa wala si Treast.

Si Treast?

Hindi ko alam, eh.sagot naman ni Kiarrah.

See you nex time.paalam nila Chloe at nauna nang maglakad.

Pagdating namin sa dorm ay agad kaming napaupo sa sofa.

Nakakpagod, ano?” si Luhan.

Kaya nga, eh. Gusto ko nang matulog,” sagot naman ni Kiarrah.

Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata at bumuntong hininga ng biglang akong may maalala...

Witley...

Sino si Witley?lutang na tanong ko.

“Siya ang prinsesa ng Fire Crystalight Kingdom,” Luhan.

“Nasaan na siya ngayon?

12 years na siyang nawawala.” malungkot na sagot ni Kia sa tanong ko kaya bahagya kong nakaramdam ng kaba.

12 years?

Nagkaroon kasi ng biglaang digmaan noon sa Kaharian nila. Sinugod ang Fire Crystalight ng mga Darkian para patayin siya.
Masyadong magulo noon kaya walang  nakakaalam kung ano ng nangyari. Nabalitaan nalang namin na patay na Si Queen Ashlyn kasabay ng pagkawala ni Princess Witley. Walang nakakaalam kung buhay pa ba o patay na ang prinsesa kaya naman umaasa ang lahat na sana ay magbalik siya.malungkot na paliwanag ni Luhan.

Hindi ba't Yaharrah si Ivrone?.Kung ganoon, kapatid niya si Witley?tanong ko uli.

Oo. Siya ang nakatatandang kapatid ni Witley. Wala siyang kaalam-alam noon sa nangyari. Maliban sa bata pa siya ay wala siya dito sa Marfyeah ng maganap ang digmaan. Nasa Mortal World siya noon para sa isang pagsasanay.kaya ganoon nalang ang sakit na naramdaman niya nang bumalik siya rito at nabalitaang wala na ang kanyang kapatid at ina niya. Sa ngayon, tanging Si King Ashrone nalang ang  namumuno sa Kaharian.

Sa bawat sinasabi nila ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bawat pangalan ng mga Yaharrah ay tumatak sa isip ko na parang matagal ko na silang nakita o kilala.

Eh, si Dark? Hindi ba't siya ang lifetime guardian ng prinsesa?hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora