Chapter 25:PAGPAPAKILALA

1.7K 59 0
                                    

Chapter 25:TGQITLL :Pagpapakilala

Ashea's PoV

Nandito ako ngayon sa aking silid dito sa aming kaharian habang inaayusan ng mga dama (utusan).

Nakaupo ako sa isang gintong upuan habang nakaharap sa isang napakalaking salamin.

Mamaya ay ipapakilala na ako sa lahat.

Matapos akong ayusan ng buhok at kung anu-ano pa ay inutusan ko silang iwan na muna ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang sarili.

I'm wearing a black gown with crystal red highlight in the both side at napapalibutan ng mga maliliit na crystal na tila ba sinabuyan ng mga bituin dahil sa kinang; at mas lalo pa itong nagniningning at liliwanag dahil sa gabi na.

Nakaayos ang buhok ko kagaya ng kung ano ang ayos ng buhok ng isang tunay na maharlika. May korona na gawa sa krystal at diyamante.

Kamahalan, mag uumpisa na po.”napatingin ako sa nagsasalita.Tumango ako at sumunod na sa kanya.

Nandito kami sa ikalawang palapag ng palasyo kung saan may napakalaki at lawak na veranda  kung saan  makikita ang lahat ng nasa ibaba, ang buong kaharian.

NAIS KONG MALAMAN NG LAHAT NA NAGBALIK NA SIYA...” pag uumpisa ni ama habang naka tingin sa mga taong nakikinig sa baba.

NAGBALIK NA ANG AKING NAG-IISANG ANAK NA BABAE. NAIS KONG IPAKILALA SA INYONG LAHAT SI PRINCESS WITLEY ASHEA KIM YAHARRAH!sabi nito. Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa unahan at tumayo sa pinaka gitnang bahagi kung saan mapapansin ng lahat ng nasa baba.

Lahat na ata ng naninirahan sa lugar na ito ay nandito para masaksihan ang isa sa pinakamahalagang bagay sa mundo ng marfyeah.

Rinig ko ang palakpakan nila at tuwa kaya ngumiti ako.

Ngayong gabi, kilala na ako ng lahat.

Ngayong gabi, isa na akong ganap na prinsesa.

Ngumiti ako, napatingin kay ama na papalapit na sa akin at niyakap ko siya.






Treast's PoV

Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kung sasabihin ko kay kuya ang totoo, tiyak na magkakagulo. Isa pa, ayaw ko ring masaktan sila kuya at ate. Alam kung minahal din nila ako na parang isang tunay na kapatid. Kung hindi man ay ginagamit lang talaga nila ako.

Napaupo ako sa kama at napabuntong hininga. Sasabihin ko na lang ang lahat kapag handa na ako.

Knock. Knock.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok doon.

Pasok,” utos ko at nakita kong bumukas ito at iniluwa si Kiarrah.

Hindi ka ba pupunta sa palasyo? Kasalukuyang ipinagdiriwang ang pagbabalik ng prinsesa.tanong niya sa akin.

Pupunta ka ba?

Oo, sama ka?

Okay.ngumiti ako bago sininyasan siyang lumabas muna dahil magbibihis lang ako.





Ashea's PoV

Nakaupo lang ako sa isa sa mga silya rito sa loob ng palayo habang ang iba ay nagsisisayawan na.

Ipinagdiriwang ngayon ang aking pagbabalik. May kantahan, handaan at sayawan.

Oh, bakit naka-upo ka lang diyan? Hindi ka ba nasisiyahan?tanong ni kuya Ivrone nang makalapit siya sa akin sabay upo sa tabi kong upuan.

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя