12

146 7 2
                                    

HAWIE's POV

Bumugad ang napaka moderno at makulay na loob niyon. Makulay ang loob ng buong lugar. Lahat ay nakamaskara kaya halos di ko makilala ang mga itsura nila.

May dumaang waiter kaya pinahinto ko siya upang kumuha ng wine. Inilibot ko parin ang mata ko. May mga napalingon sa pagdaan ko at may naririnig din akong mga bulong.

"Who is she? Is she a model?" Narinig kong bulong ng lalaki sa katabi niya.

"I don't know. But it looks like." Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang akong naglakad.

"They have arrived."

Ngsalita si Jaxon sa suot kong TCAPS o Tactical Communication and Potective System, para siya earphone na nakalagay sa tenga ko. Sa pamamagitan nito ay maririnig ko ang mga sinasabi ni Jax at ni Yezha ng walang nakakapansin. Nakapwesto na siguro siya sa lugar na nakikita niya ang lahat. Palihim akong napangisi.

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Nararamdaman kong sumasama ang pakiramdam ko.

Naulanan pa kasi eh!

Nakita ko ang paglingon ng ilan sa likuran ko kaya sinundan ko rin iyon ng tingin. Isang malaking lalaki na nakamaskara ng itim.

Miller...

Hindi ako sigurado kung siya nga ito dahil sa maskarang nakatakip sa mukha niya.

Maraming mga body guard ang nakapalibot sa kanya pero agad iyong pumunta sa kanya kanyang pwesto ng senyasan niya iyon. Panay ngiti at pakikipag kamay ang ginawa niya. Hanggang sa nalampasan na niya ako. Dumeretso agad siya sa entablado at nagsimulang magsalita.

Nagapakilala siyang Miller kaya naging sarado ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko pinagtuonan ng pansin ang sinasabi niya dahil di naman ako pumunta dito para makinig sa kanya pero alam kong nagpasalamat siya sa mga dumalo para sa mahalagang okasyong ito. Palihim kong tiningnan ang pweesto ng mga guwardya niya. Merong nasa sulok, sa pintuan, sa tabi niya at merong naglalakad-lakad.

*CLAP! CLAP! CLAP!

Natigil ako sa pagmamasid dahil sa pagpalakpakan ng lahat kaya sumabay na din ako.

Bumaba na si Miller sa entablado at sumunod naman sakanya and dalawang guwardya. Lumapit si Miller sa isang babaeng pamilyar sa akin ang hulma ng katawan. Hinawakan niya ang kamay nito at dinampian iyon ng halik. Mukhang may pinag uusapan silang napaka importante.

Jackpot!

Nagsimula na ding magpatugtog kaya alam kong magsasaya na ang ilan para sa selebrasyong to.

"He's going to the Comfort Room." Narinig kong nagsalita si Jax kaya palihim akong tumingin patungong banyo kasama ang isang babae. Hindi ito yung kasama niya kanian. Nasa labas rin ng banyo ang dalawa niyang guwardya.

Tsk!

Nag isip pa ako ng paraan kung paano makakalapit ng hindi nahuhuli.

"Hi miss." Isang lalaki ang lumapit sa akin. Nakalahad ang kamay niya kaya tiningnan ko ito. "I'm Cyrus."

And I am the one who doesn't care.

Sasabihin ko na sana kaso may naisip akong magandang ideya. Palihim akong napangisi.

"I am Emily Howard." Tinanggap ko ang kamay niya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Nagpakilala pa rin ako dahil ang buong pangalan ko sa organisasyon ay Ayzhia Emily Howard. Kahit libutin pa nila ang buong mundo ay wala silang makakalap na impormasyon tungkol sa pangalan kong iyon.

My baby is a Secret AgentWhere stories live. Discover now