29

115 5 0
                                    

Hawie's POV

Mabuti at hindi malakas ang tama naming lahat pagbagsak. Hindi pa man kami maayos na nakakatayo ay sumalubong na agad ang mga bala papunta sa amin. Agad naming binunot ang mga baril namin. Nakipagpalitan kami ng putok ng baril. Ilag, putok, at iwas, ang ginagawa namin. Sa di kalayuan ay nasulyapan ko ang nakakalokong ngisi ni Jaxon.

Traydor.

Kaya pala natunugan pa rin kami kahit tahimik ng pag atake. Siguro may bug siyang nilagay sa kung saan sa gusali namin kahit wala na siya roon ay nalalaman niya ang mga galaw na aming ginagawa dahil kahit papaano ay naging isa din siya sa amin.

Nanggagalaiti na ang mga kamay kong baliin ang leeg ni Jaxon. Mas hinigpitan ko ang hawak sa baril ko at tinantsya ang target at...

Sapol!

Natamaan ang isa sa mga kasamahan niya at nag sunod-sunod namang silang nagasitumbahan kaya ang duwag na Jaxon at ang ilan sa natitira niyang alalayay umatras. Hindi naman muna kami umabanate dahil baka may sumalubong pang mas marami. Pinaulanan muna namin sila ng bala. Nang hindi na sila tanaw ng mga mata ko ay agad kaming naghiwalay lahat. Inikotan namin ang gusali at diretsong pumasok.

May kaunting kirot pa ring natitira sa tagiliran ko ngunit mas malaki ang tyansang mapatay ko si Miller kaysa mapatay ako.

Agad akong umakyat sa mga blokeng nakalagay sa gilid. Nang may dumaang dalawang lalaki may hawak ng mahahabang baril ay agad akong tumalon papunta sa likuran nila at sinipa ang panga ng isa sa kanila. Agad namang itong natumba at nawalan ng malay. Mabilis ko ring nilingon ang isa at itinutok ang baril ko sa kanya, direkta sa kanyang ulo. Hindi niya pa naitu-tutok ang baril sa akin.

"Nasaan ang boss mo?" Tinanong ko siya.

"Hindi ko alam." Pagsisinungaling niya.

Ayaw niyang magsalita kaya itinutok ko sa kasamahan niyang kakagising pa lang ang baril at walang pag dadalawang-isip na ipintutok iyon habang ang mga mata ay nanatili sa kanya.

"May pamilya ka ba?" Hindi siya nakasagot sa tanong ko. "Meron." Dugtong ko pa. "Kung sasabihin mo sa akin ito ngayon ay sisiguraduhin kong makakauwi ka sa kanila ng buhay." Gumalaw-gulaw ang mata niya na tila nag-iisip, pero biglaan nalang siyang kumuha ng kutsilyo mula sa likuran niya at iwinagayway iyon malapit sa lalamunan ko. Mabuti nalang at hindi sapat ang bilis niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis kong paglipat sa likuran niya at tinutok doon ang baril. "Ibig sabihin, buo na ang desisyon mong mamatay..." Hindi na niya nagawa pang lumingon dahil ipinutok ko na iyon sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may makita akong hagdanan paitaas. Nanliit pa muna ang mata ko bago nilakad ang pasilyo. Madilim at dahil nga maliwanag ang sinag ng buwan ay nakikita ko ang anino ko. Ang pakiramdam ko ay biglang nag-iba kaya't mas naging handa ako. Napatingin ako sa paanan ko ng may mapansing may isang anino nang nakasunod sa akin. Hindi ako nagpatinag. Naglakad lang ako ng naglakad na parang walang ideya sa presensya niya ngunit humabol ang anino at talagang ramdam ko na ang presensya niya sa likuran ko ay agad akong umikot at tinutukan iyon ng baril sa ulo ngunit hindi ko inaasahan ang baril ding nakatutok sa ulo ko. Hindi ko pinakitaan ng takot ang kaharap ko ngayon.

"Expected, huh?" Humalakhak siya. "Ay, walang sagot." Nadidismaya pa ang tono niya.

"Bakit mo ito ginagawa, Jax?" Napangiwi siya sa tanong ko.

"Simple lang dahil mang-aagaw ka!" Nagtataka man ay hinayaan ko nalang siyang magsalita. "Lahat ng misyon na napuntahan ko ay naroroon ka kaya't kung nagtatagumpay ay laging nasa saiyo ang lahat ng atensyon at mga papuri!"

My baby is a Secret AgentWhere stories live. Discover now