12

45.3K 1.2K 192
                                    

"WE'RE going to fetch you later, okay? Just call me if your class already done." sabi ni Comet kay Summer. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Summer sa nakasimangot na mukha ng lalaki.

Gusto kasi nito sumama sa kanya, babantayan daw siya nito kaya lang, hindi niya ito pinayagan. Kinausap na rin ito ng kuya Orion nito tungkol doon.

First day kasi ng klase niya sa La Croix University. Irregular student siya since second semester na siya nagsimulang pumasok. BS Psychology ang kurso niya.

"Oh, huwag ka na sumimangot. Half-day lang naman yung klase ko, magkikita naman ulit tayo mamaya agad."

Comet scoffed, humalukipkip itong sumandal sa backrest ng inuupuan. "Eh gusto ko nga kasi sama sayo. My kuya Pollux owned that school naman, so bakit di pwede?"

Humahagikgik na pinisil ni Summer ang pisngi ni Comet. "Ang kulit mo talaga. Diba nag-usap na kayo ng kuya Orion mo tungkol dyan?"

"Sus, gusto ka lang bantayan niyan, Summer kaya gustong-gusto sumama sayo." singit naman ni kuya Marvin.

"Kuya Marvin!" nakangusong saway dito ni Comet. Namumula ang mukha nitong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Natawa na lang siya. Pinagdaop niya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi nito para mapaharap ito sa kanya. "Comet, bakit mo naman ako gustong bantayan?"

Huminga ng malalim ang lalaki, lumalamlam ang mga mata nito nang salubungin ang tingin niya. "T-there's so many handsome guys out there. I'm..I'm just scared that you like them and you will forget about me."

Tumikhim si Kuya Marvin, saka ito lumabas sa sasakyan para iwan sila sandali.

"Comet, hindi mangyayari iyon, okay? Wala ka bang tiwala sa akin?"

"I trust you Summer! I do! It's just.."

"Mahal kita. At isa pa, para sa akin ikaw ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki na nakilala ko. Atsaka, bakit ko naman makakalimutan ang boyfriend ko?"

Unti-unti namang sumungaw ang isang ngiti sa labi ng lalaki. He gently hold her chin and claimed her lips. "I'm sorry Summer for my bad attitude, I love you." anas ng lalaki matapos nito pakawalan ang labi niya.

Mabilis niyang ninakawan ng halik sa tungki ng ilong nito ang lalaki. "Huwag ka na magtatampo ha? Uuwi ako agad mamaya." akmang lalabas na siya ng sasakyan ng hawakan ng lalaki ang kamay niya.

"Wait, Summer. I bought something for you." may kinuha itong paperbag sa passenger seat. Inabot nito iyon sa kanya.

Nang tignan niya, isang latest cellphone iyon at isang wristwatch.

"C-comet, hindi ko--"

"Just use that, okay? Tapon ko yan kapag di mo gamit." kinuha nito ang kaliwang kamay niya at isinuot nito ang wristwatch sa kanya. He planted a soft kiss to her wrist. "Go now, I don't want you to be late."

She nodded, pagkatapos ay lumabas na siya ng sasakyan. Kinawayan niya si Kuya Marvin at naglakad na papunta sa building kung anong course niya. Kinuha niya ang schedule niya sa bag, nang sulyapan niya ang wristwatch na bigay ni Comet, nakita niya na may fifteen minutes pa siya bago magsimula ang unang klase niya.

Tinignan niya ang papel na hawak, she checked kung anong number ng room ang unang subject niya. Hindi naman siya nahirapan hanapin ang room niya.

Huminga pa siya ng malalim bago pumasok sa unang magiging classroom niya. Marami-rami na ang mga estudyante nang pumasok siya.

Nagtaka pa siya kung bakit parang tumahimik ang buong classroom. Pinili na lang niyang maupo sa dulo. Wala pa naman ang professor nila kaya kinuha niya sa bag niya ang cellphone na ibinigay ni Comet.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now