THEREA'S POV
________"Kanina ka pa wala sa sarili mo, are you okay?" Tanong sa akin ni Zoah. I faked a smile.
"Ahh yes. Iniisip ko lang yung result ng exams ko." I lied. I am actually thinking about how I can tell everything to Zoah.
"By the way, I want to invite you to my grandma's birthday tomorrow. Susunduin na lang kita bukas para sabay na tayong pumunta." Sabi nya. Ngumiti ako at tumango-tango sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
Hindi ko talaga in-expect na susunduin nya ako sa bahay kasi sabi nya baka sa pasukan pa daw kami magkita.
"Medyo naninibago ako sayo." Sabi nya habang mahina na tumawa.
"I'm sorry." Sabi ko. Nawala ang ngiti sa mukha nya at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Okay ka lang ba talaga? You seem occupied and..." Di ko pinatapos ang sasabihin nya at nagsalita agad ako.
"I'm okay. Siguro dahil may period lang din ako, nadala lang ng mood ko now. Pasensya na sa mood ko ngayon." Sabi ko.
"It's okay. Nanibago lang talaga ako but now I know. Yayayain sana kitang mag-ice cream pero may period ka pala." Sabi nya at mahinang tumawa.
"Sayang, next time na lang siguro." Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman sya.
"Pwede mo bang i-kwento sa akin kung ano ang nangyari sa inyo nung outing nyo?" Natigilan ako tapos Bigla ko na naman naalala ang nangyari.
His face...
"Mahal." Sabi nya at ngumiti.
Hindi na mukha ni Zoah ang nakikita ko kundi mukha na ni Joaquin
The kisses...
Nakita kong unti unti nyang tinatanggal ang suot nyang damit at short. Pagkatapos ay lumapit sya sa akin at hinalikan ang leeg ko pati na rin ang dibdib ko. Parehas kaming nagpapakawala ng mga ungol.
The pain...
"There you are. Andito ka lang pala." Rinig kong sabi ng lalaki sa likod ko.
Bigla nya akong hinawakan kaya magpupumiglas ako. Napaupo ako ng bigla nyang suntukin ang sikmura ko. Nahina ako, yun ang ginawa nyang pagkakataon para buhatin ako.
The agonizing reminiscence...
Hindi ko namalayang may tumulo ng mga luha sa mga mata ko. Napansin ito ni Zoah kaya nagtataka syang tumingin sa akin.
"I think you're not okay. Can you tell me exactly what happened? Because I know you're acting like that for reasons other than your period." Seryosong sabi nya. Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko na ba? I-I think it's time. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Kasi..." Parehas kaming napatingin sa phone nya ng bigla itong mag ring. Napaiwas ako agad ng tingin.
Napatingin ako sa kalangitan. Nagbabadya ng umulan kaya pumasok na lang ako sa kotse bago binuksan ang aircon.
Inaantok din ako dahil hindi nya na naman ako pinatulog. Mga ilang minuto lang din ay nakatulog na rin ako.
Nagising lang ako ng maramdamang dahan dahan akong ibinababa. Napadilat ako ng tingin at napasigaw pa ng una kong makita ang mukha ni Joaquin. Pero nagbago agad ito at nakita ko ang nagtatakang mukha ni Zoah.

YOU ARE READING
DUPED: The Pianist (COMPLETED)
Teen FictionThe Misanthropes # 4 Zoah Mackary Delgado Gregory (THE PIANIST) ____ Therea Mellisa Beauchêne Reagan grew up without her parents. She turned into a rebel as a result of his parents' lack of affection and attention. She often goes to the bar and is a...