CHAPTER 15

449 12 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

CHAPTER 15

Danger

Aitana/Abry's POV

"OH MYYYY!! SANTI!! ANG GWAPO MO!!" tili ko matapos makita sa screen ng cellphone si Santi. Ka-videio call kasi namin sila nila daddy. Kasalukuyan kasing nasa US sila ngayon, isinama nila daddy si Santi doon dahil mas maalagaan at makakapag-aral syang mabuti.

"Ofcourse i am, ate." napa wow ako matapos madinig ang accent ng pagsasalita ni Santi. Bukod sa mas lalo syang naging gwapo, lumaki din ang boses nya. Who wouldn't be? He's already 11 years old.

"How's your study there? May umaaway ba sa'yo dyan?" tanong ko.

"Wala naman po. They're all good. Dad and mom are very caring! Thank you for giving me this kind of family, ate Abry. I owe you a lot." aww my Santi is growing so fast.

"You're always welcome, baby. Study hard, okay?" sabi ko, akmang sasagot na sya ng madinig naming lahat ang sigaw ni Tabs. Tumatakbo ito papalapit sa amin, nasa likuran ni Tabs si kuya Aries.

Si Aeydi ay nakakandong sa papa nya at nakasimangot, bakit daw tinatawag kong baby si Santi eh sya daw ang baby ko, natatawa na lang ako sa anak ko. Manang mana sa tatay nyang abno.

"Santi!!! Wahhhhh! Ang pogi mo baby koo!!" sabi nya at mas inilapit pa ang mukha sa screen ng cellphone ko.

"Ate Grace!—" hindi na natapos ang sinasabi ni Santi dahil agad syang pinutol ni kuya.

"I told you, kiddo. Don't call her Grace." sabi ni kuya Pero binelatan lang sya ni Santi.

"bleh! Panget AB!" pang-aasar pa ni Santi kay kuya. HAHAHHAA hindi nga pala magkasundo ang dalawa'ng to. Palagi silang nagtatalo noon.

"Abat—" aangal pa sana si kuya ng pigilan sya ni Tabs.

"Stop it na! Santi!! I miss you naaa. Where are you going home?" tanong pa ni Tabs.

"Not yet, Ate Grace. I'm still studying but i promise uuwi ako dyan after high school." sabi ni Santi.

"Halaaa ang tagal paaa." inarte ni Tabs.

"Tumigil ka nga, Tabitha. Hindi bagay sa'yo." sabi ko na may halong pang-aasar. Sinamaan nya naman ako ng tingin tsaka ako inirapan.

Akmang sasagot na ako ng madinig namin ang sabay na sigaw ni aswang at kuya.

"Dapa!!!" kasabay non ay ang sunod sunod na pagputok ng baril. Yung anak ko? Nasaan ang anak ko?

Nang mawala ang tunog ng putok ng baril, dali dali akong tumayo kahit pa pinigilan ako ni Tabs. Pumunta akong sala at nakahinga ng maluwag ng makitang nandoon si Aeydi, yakap-yakap ni aswang. Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Ramdam ko din ang pagyakap ni aswang sa akin.

"Thank God you're okay." tila nakahinga ng maluwag na sabi ni aswang habang ako ay naiiyak na.

"I'm scared. I'm scared, aswang." hindi ko na napigilan pa ang pagtakas ng luha ko sa mata ko. Wala akong nagawa kundi ang isubsob ang mukha ko sa dibdib ni aswang habang hawak ang laylayan ng damit ni Aeydi, natatakot akong mawala
sa hawak ko ang anak ko.

"Shhhhh. I'm here.. Don't be scared. I'm here. They will pay for this, i'll assure you that." pagpapatahan nya sa akin.

Third Person's POV

"Ano nagawa nyo ba ang pinagagawa ko?" tanong ni Alexis sa kanyang mga tauhan.

"Yes boss. Clear." tumawa sya ng malakas sa sagot ng tauhan. Tumatawa sya ngunit nandoon ang galit sa kanyang mga mata.

"Humanda kayo! Patikin ko pa lang yan sa inyo, hindi pa ako tapos. Ipapakita ko sa'yo Aitana na nagkamali ka ng lalaking pinili." nanggigigil na saad nya.

"Kayo! Humanda kayo para sa susunod na plano!" sigaw nya sa kanyang tauhan. Agad namang sumunod ang mga ito, inayos nila ang mga armas, ang mga gagamitin nila sa kanilang paghihiganti.

"Matitikman nyo ang galit ko! At ikaw Aitana! Luluhod ka sa harap ko at magmamakaawa!— peste! sino yan?!" tanong nya ng maputol ang sinasabi nya dahil may kumatok.

"Buksan nyo! Panira ng moment!" inis na sabi nya pero agad din namang nawala ang inis nya matapos makita kung sino ang tao'ng kumakatok. Ngumiti sya ng pagkalaki laki habang papalapit ang tao'ng magiging daan ng paghihiganti nya.

"HAHAHA kumpleto na ang ating armas HAHAHA, maghanda kayo at nalalapit na ang ikalawang plano!"

SA KABILANG BANDA naghahanda na sila Aitana na umalis, lilipat sila dahil alam nilang hindi na ligtas ang bahay. Ngunit hindi nila alam ang nag-iintay na panganib sa kanila paglabas ng bahay.

To be continued.....

_____________

I'm sorry, kailangan ko na putulin ang kasiyahan nyo😚

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz