2

76 5 2
                                    

two: power she holds

NATULOG SA APARTMENT KO SI SNOW DAHIL NALASING SIYA KAGABI. Uminom pa kasi kami ng isang bote ng whiskey kaya nalasing siya. Hindi naman ako pala-inom kaya ako ang sober sa'ming dalawa. 

Nauna akong nagising sa'ming dalawa kaya naghaaraw muna ako saglit sa balcony bago nagpalit ng pang jogging ko para sa morning jog ko.

Pagkalabas ay saktong lumabas din si Yzriel na naka blue polo, nakasampay sa balikat niya ang labcoat niya habang may hawak siyang mga papers. Naka specs din siya.

This is a different Yzriel from yesterday.

"Oh, good morning." Bati niya. Tinignan ko lang siya bago naunang naglakad. Naramdaman kong nakasunod siya sa likod ko kaya hinayaan ko na lang siya.

"We should set some rules kapag nag move in na tayo sa bahay." Salita ko pagkapasok namin sa elevator, kaming dalawa lang naman.

"Sige, G lang ako d'yan." Tumango ako bago lumabas.

"I-text mo daw dad mo." Umirap ako sa kaniya bago nagsara ang elevator. Pagkalabas ko ay nag-stretching muna ako bago nag jogging. Nadaanan pa ako ng sasakyan ni Yzriel.

BMW.

"Hmm," I shrugged before continuing my jog. Nag 30 minutes jog lang ako bago bumalik para  magluto ng breakfast. Wala naman ako masyadong nagpawis kaya hindi muna ako naligo at inasikaso ang pagluluto sa breakfast pagkatapos magpalit.

"Puta, ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Snow nang magising siya. Inabutan ko siya ng tubig at advil.

"Naks, galawang Mari ka na ah." Komento niya kaya inirapan ko siya.

"Gym muna tayo bago mag shopping. I need to maintain my shape." Tumango agad siya bago ko nilapag ang pagkain sa harap niya. Parang half-asleep pa rin siya dahil pumipikit pikit pa rin siya.

Nagpalit ulit kami ng gym wear namin bago bumaba sa gym ng building. Walang masyadong tao roon kaya gustong gusto kong nagwo-work out dito noon.

"'Uy, may pogi." Bulong ni Snow habang nags-stretching kami. Napatingin ako sa lalaki na pumasok at may kasama pa siyang isang lalaki, nagkwe-kwentuhan sila.

"Huh? Marco?" Napatingin ang lalaki sa'kin nang magsalita ako. Napangiti agad siya bago lumapit sa'min.

"Long time no see, bling bling." Inirapan ko siya bago mahinang tumawa. Bling bling ang tawag niya sa'kin.

"How have you been? Since when did you come?" Tanong ko.

"I came last month, I have a movie here with Sacha." Tumango tango ako. Marco is a friend of mine when I used to model, he's an actor.

"That's nice, enjoy your stay here." Tumango siya.

"Better watch our movie." Tumango ako bago tumawa.

"Whatever." Pinakilala ni Marco ang kasama niya, kapatid niya pala. I also introduced Snow to them.

"Are you single?" Tanong ng kapatid ni Marco sa'kin kaya umiling ako agad.

"I, uhm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"She's actually in a relationship with her non-showbiz boyfriend." Mabuti at sinalo ako ni Snow.

"But I'm single if you're interested." Napailing iling ako dahil doon. His brother chuckled before exchanging IG accounts.

"Anyways, we should get started with our workout. See you, bling bling." Kinindatan ako ni Marco bago sila lumayo ng kapatid niya sa'min. Malaki nanaman ang ngiti ni Snow dahil doon.

Dusk till Dawn (Sky Series 3)Where stories live. Discover now