Chapter 24

24 4 0
                                    

Alex's POV

Nagsimula na akong magluto, isinalang ko muna ang Kanin, bago ko sinimulang lutuin ang Adobo, ngunit matatapos na ako rito, pero wala pa rin si Ayu, pati yung Apat na Antipatiko, si Renz ay nakatayo lang sa tabi ko, at mukhang tanga ang hitsura niya, hangang-hanga sya sa mga ginagawa ko.

"Alam mo? Nagtataka ako sayo"-biglang sabi niya, nanatiling sa niluluto ko nakafocus yung mga mata ko,

"Ano namang ipinagtataka mo sa akin?"-kunot-noong tanong ko, nang hindi sya nililingon, patuloy lang ako sa paghalo nung Adobo

"Ang dame mo kasing alam na gawin, yung mga bagay na hindi ko akalaing kaya mo palang gawin,"-sagot niya, na para bang hindi talaga sya makapaniwala

"Ows? Talaga? Like what??"-sarkastikong tanong ko

"Katulad nitong pagluluto mo, wala sa hitsura mo, lalo na sa kamay mo na marunong ka palang magluto, at maghugas ng kung ano-ano, parang sanay na sanay ka na sa mga ganitong gawain, tapos, hindi ko rin akalain na, sa edad mong yan, ay kaya mo nang magpatakbo ng Mall, lalo na Itong Bar, kasabay pa nito ay ang pag aaral mo, mabuti't kinakaya mo pa!?"-namamanghang sabi niya

"Hindi lang ito ang kaya kong gawin, kaya ko ring maglaba, maglinis ng bahay, pati ang magkudkod ng kubeta, pati nga yung mga nasisirang gadgets ko, ako na rin ang gumagawa, pero pag di ko kayang ayusin, dinadala ko na talaga sa pagawaan"-sabi ko sa kanya, pero hindi sa paraang nagmamayabang, totoo ang lahat nang yun, tuloy parin ang pagluluto ko, at sa wakas, natapos ko na ang Adobo, hinango ko na agad ito, saka ko inilagay sa lamesa, kasabay nito ang pagkaluto ng kanin na nasa Rice Cooker, inayos ko muna ang mga ito, nung mahango ko na at mailagay sa lamesa, ay agad ko na ring sinimulan ang pagluluto sa Caldereta

"Talaga?? Lalo akong humahanga sayo,, wala talaga sa hitsura mo ang kayang gumawa ng gawaing bahay, at ang pinaka matindi ay ang maglaba, wala man lang bahid ng kahit Ano ang kamay mo, na magpapatunay na naglalaba ka pala, sa ganda ng mga kamay mo, hindi ko akalaing humahawak yan ng panlinis sa bahay"-nakangiting sabi niya.

"Ganun talaga, kapag nagsolo ka, ay mapipilitan kang gawin ang mga bagay na hindi mo kaya, nung una ay nahirapan din ako, wala talaga akong kaalam-alam sa mga ganito, pero dahil walang gagawa nun para sa akin, No Choice ako kung hindi ang pag aralan ang mga bagay-bagay na hindi ko alam gawin, sa huli ay nasanay na rin ako, kaya sisiw nalang ang lahat nang ito sa akin"-pagmamayabang ko sa kanya,

"Akala ko noon, nung una kitang makita, ay wala ka ring ibang ginagawa kundi ang magshopping at maglakwatsa tulad namin ng mga Barkada ko, akala ko, puro pag iinarte at pagpapaganda lang ang alam mong gawin, pero nagkamali pala ako, pero teka! Mayaman ka naman diba? Bakit ikaw ang gumagawa ng lahat ng yun, wala ba kayong Maid? At saka nasaan nga pala ang Parents mo? O kaya mga kapatid mo?"-nagtatakang tanong niya, bigla naman akong natigilan, pero agad rin akong nakabawi, nung maramdaman kong napaso ang kamay ko, napahawak pala ako sa kawali nang hindi ko namamalayan

"Sabi nga nila, 'Don't judge the book by it's cover!', wala akong Maid, dahil mas pinili kong mag isa! Sanay na akong walang kasama, kaya naman sanay na rin ako sa mga gawaing bahay!, at saka, lahat tayo ay kailangan ding matuto, mapa-lalake man o babae, dapat ay alam natin gawin ang mga ito, para pag dumating ang oras na kailangan mong mag isa, ay kakayanin mong mabuhay nang wala sila!"-kunot-noong sabi ko! Biglang bumigat ang pakiramdam ko, at parang nawawala na ako sa mood! Parang mas gusto ko na ulet mapag isa, at tumulala sa isang tabi, at balikan ang mga nangyare, 3 years ago! Gusto kong balikan ang lahat ng yun, para malaman ko kung bakit nangyare sa akin ang lahat nang ito, gusto kong malaman kung may nagawa ba akong malaking pagkakamali sa buong buhay ko, para danasin ko ang lahat ng hirap at sakit na nararanasan ko.

Unique Gurl (the cold one)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon