Chapter 21

32 4 0
                                    

Carvi's POV

Nung makaalis kami sa Cafeteria, hindi agad kami nagpunta sa Room, tutal, wala namang tao dito sa Building namin, tumambay muna kami sa hagdan! Naupo ako, at ganun din yung ginawa ng mga tropa ko..

Magsasalita na sana ako nung may marinig akong naglalakad sa hagdan pababa, galing sya sa Floor namin! Kaya naman hindi agad ako nagsalita! Baka kase marinig niya yung sasabihin ko..

"Ehemm! Bakit nandito pa kayo? Pinapunta ko na ang lahat sa Gymnasium ah! May mahalaga akong sasabihin, kaya pumunta na kayo don!"-sabi ni Dean habang pababa ng hagdan! Agad naman kaming nagtayuan para mag bigay ng daan sa kanya.

Eh kayo rin po, anong ginagawa niyo dyan sa taas, ee wala namang tao!? Tanging sa isip ko nalang sinabi yun! Baka kase malintikan ako ee..

"Okay po Dean, susunod na po kami"-sagot ni Dex sa kanya

"Siguraduhin niyo lang! Buenaventura!"-sabi ni Dean, saka sya tuluyang bumaba ng hagdan para umalis..

Nung makaalis si Dean, saka ako nagsalita

"Hindi ako pupunta sa Gym! Sa Room nalang ako tatambay, kayo nalang ang pumunta!"-malamyang sabi ko

"Kung hindi ka pupunta, hindi na rin kami pupunta, sasamahan kana lang namin sa Room"-sagot ni Ian

"Oo nga! Baka maboring lang din ako dun! Dito nalang din ako"-sabi naman ni Echo

"Kung ganun! Tara na lang sa loob ng Room! Baka may makakita pa satin dito!"-yaya naman ni Jasper

Nung makapasok kami sa room ay dumukdok ako sa mesa, hinayaan ko nalang ang mga tropa ko! Bahala sila kung anong trip nilang gawin!

Wala pang ilang minuto nung may marinig kaming sumisigaw sa labas!

"Ano yun?"-tanong ni Dex, nanatili akong nakadukdok sa mesa ko!

"Baka dumating na yung mga Classmate natin!"-sabi naman ni Ian

"Tapos na ba agad ang Announcement ni Dean? Parang ang bilis naman!"-sabi ni Echo.

"si Dean talaga! Namimilit pang umatend tayo sa announcement niya! Saglit lang naman pa---"

*blaaagggg*

Hindi naituloy ni Jasper yung sasabihin niya nung may kumalabog sa labas, kaya naman agad akong Napatunghay!

"Hala! May nagsusuntukan ata sa labas! Tara na!"-sabi ni Dex

Pagkasabi niya ay agad rin kaming lumabas!

Ngunit si Ayumi at Alex ang nakita namin..

"Nag aaway ba sila??"-tanong ni Ian, pero walang sumagot sa kanya!

"Napakasama niyo!! Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo sa akin!!"-sigaw ni Alex..

Anong nangyayare sa kanya??

"Lex! Tama na! Please!"-sigaw rin ni Ayumi,, pero tuloy parin sa pagwawala si Alex

"Ayumi,! Anong nangyayare kay Alex??"-tarantang tanong ko..

"Mamaya na kayo magtanong! Baka maubos ang paso natin dito! Kailangan ko syang maawat!"-sagot niya naman sa akin!

Akmang lalapitan niya si Alex nung hawakan ni Jasper yung braso niya

"Huwag ka nang lumapit baka masaktan ka!"-pigil ni Jasper sa kanya

"Wala akong pakialam! Ang mahalaga sa akin ay maawat ko sya!"-tarantang sagot niya kay Jasper!

Unique Gurl (the cold one)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon