PART 3

10 2 0
                                    

Cally's POV

Nandito pa rin kami sa bahay ni madam Buring. Inaantay pa namin syang lumabas. Tas sa wakas lumabas na din sya.

Nakaupo kami sa may upuan. Kaharap namin si madam buring.

"Kayo ba ang magpapahula." Sabi ni madam buring.

"Opo. Opo. Actually, si cally lang po pala."

"Ohhh sige simulan na natin. Ngunit bago ako magsimula. Nais ko lang sabihin sa inyo ang isang mahahalagang bagay. Una!!!! Ang aking hula ay hula lamang. Kayat hindi pa rin natin masasabi na itoy mangyayari sa tunay na buhay. May magkakatotoo. At mayroon namang hindi. Kaya huwag kayong masyadong umasa. Itoy mga gabay lamang sa inyong buhay. Pangalwa!! Ang kapalaran ay nakaukit na sa inyong mga Palad. Kayat kung ano mang mangyari sa inyo ay itoy tunay na nakasulat na sa inyong mga kamay. Pangatlo!! Kayo ang magdedesisyon sa inyong buhay. Kayat kung hindi nyo pipiliin ng mabuti. Maaring maiba ang inyong landas..... Naiintindihan nyo ba?"

"Opo opo" sabay namin yang sinabi ni Gail.

"Sige magsimula na tayo"

Nag simula na si madam buring na hulaan ako. Grabe nakakakaba naman itong si madam Buring. Tas yung itsura nya. Di ko maintindihan kung manghuhula o mangkukulam. Grabe yung outfitan nya kabog na kabog.

"Pumili kayo ng dalawang baraha."

Pumili na ako ng dalawang baraha. Tas ipinaliwanag ni madam buring kung ano ang ibig sabihin.

"So ang nakuha mo ay isang dalawang lalaking magkatalikudan. Ibig sabihin may agawan na magaganap."

"O my gosh, frend. Haba ng hairlalu mo. Pag aagawan ka.Sabi ni Gail.

"Ngunit sa baba ng dalawang lalake. Ay may isang puso. Ibig sabihin isa lang sa kanila ang tunay na mag mamay-ari ng iyung puso. Kayat pumili ka ng maayos dahil kung hindi mo pipiliin ng maayos. Ikaw rin ang masasaktan sa huli. Tandaan mo yan."

Kayat pumili pa ako ng dalawa pang baraha.

"Itim na bulaklak. Ibig sabihin kailangan mong magingat dahil may larong magaganap.
Magsasabi ng totoo. At may hindi magsasabi ng totoo. Ibig sabihin may kasinungalingang magaganap. Kayat kailangan mong maghanda sa araw na iyun. Ngunit nais lang kitang sabihan. Na sa baba ng itim na bulaklak ay mayroong dagat. Ibig sabihin na dalisay ang kanyang puso. Sapagkat ginawa lamang nya yung bagay na yun, para may tulungan. Tulungan mapalapit sayo. Kayat ikaw na ang bahala kung mapapatawad mo o hindi. "

"Ay grabe naman po iyan madam buring. Paano ko po malalaman na Hindi na sya totoo."

"Ay Hindi ko na masasagot ang mga bagay na iyan. Inuulit ko maaaring hindi maging totoo ang aking mga sasabihin. Itoy mga paalala lamang. Ano't ano pa man ang mangyari ay kayo na ang pumili. Kayo na ang nagdesisyon."

Haystttt grabe naman itong si madam Buring. Nakakaba huh!!!! Pero sabagay. Maganda na rin yung maghanda diba.

"Ok lang yan frend ang mahalaga may darating na lalake sa buhay mo kahit na may magaganap na taksilan. Pero malay mo wala naman. Malay mo mabuti talaga ang puso ni boyet diba?" sabi ni Gail.

"Sinong boyet?"

"Haler boyet means lalake. Ano bayan frend akala ko knowskie mo na."

"So tapos na ba kayong magpahula. Kung tapos na ihahanda ko na yung makakain nyo."

"Ay tapos na po".

"Sige, sige. Iwan ko muna kayo dyan hah. Ihahanda ko muna yung makakain nyo."

"Sige po salamat po"

"O ayan na frend huh. Nalaman mo na so anong balak mo nyan. Sabi ni Gail.

"Ahhhh, siguro ang maghintay na lang sa perfect time. Tssstttt... Kaya nga.. O teka bakit hindi ka nagpahula?"

"Ehhh kasi... Meyreen ne ekey ehhhhh," Pabebe sounds.

"Ang landi huh!!!!! "

"Syempre. Tsaka ikaw wala ka pang jowa. Kaya ikaw ang kailangang hulaan. Isa pa ikaw ang bida sa story na ito. Kaya ikaw ang kailangang hulaan talaga."

"Ay oo nga pala"

Matagal bago lumabas si madam Buring. Ang bago din ng niluluto nya. Mukhang masarap. After ng pagkatagal tagal na paghihintay. Sa wakas lumabas na din si madam buring.

May pa change outfit si madam buring. Aba Taray from Manghuhula to Chef Outfit Diba is all in one.

"So ito na yung food nyo: adobong manok, fried chicken, lechong manok, sisig na manok, tinola, and pinaupuang manok."

"Hindi naman halatang mahilig sa manok itong si madam buring." sinasabi ko lang yan sa isip ko.

"Teka madam buring. May manukan ba kayo?"

Sasagutin na sana ni madam buring ng biglang pumasok si inah.

Pumasok si inah na puro balahibo ang mukha tsaka pati damit may balahibo din.

"Ohhh, anong nangyari sayo? Naligo ka ba sa balahibo ng manok? "Sabi ni madam Buring

"Ehhh, kasi naman madam buring ang hirap hulihin ng mga manok ninyo. Ang bibilis tumakbo."

"Ehhhh, sinong may sabi sayo na manghuli ka ng mga manok. Ehh, may manok naman tayo sa ref."

Pinakita ni madam buring kay inah yung mga manok. Ahahhaah, nakakatawa kasi ang dami ngang manok sa ref naka-plastic pa.

"Ehh, wala ka naman madam na sinabi. Ang sabi mo lang ay kumuha ng manok."

"Ay sya, sya, halika dito kumain ka na lang. Kunin mo muna pala yung kanin sa kusina."

Kumain na kami ni madam buring.

"Ang sarap naman, madam.
buring"

"Syempre ako pa. Ako lang naman si madam buring."

Direk pakibigyan naman ng spotlight si madam.

Pagkatapos is naming Kumain. Umuwi na kami ni Gail.

"Salamat po, madam buring."

"Walang anuman. Magingat kayo, baka madapa kayo."

"Sige po madam buring. Alis na po kami."

"Sige sige..."

Umalis na kami ni Gail. At tama si madam buring. Nadapa nga ako sa daan...

"In fairness, kay madam, Nagkatotoo ang hula nya huh! So possibleng magkatotoo lahat ng sinabi nya."

"Hay naku frend patanga tanga ka kasi. Kaya nadapa ka..."

Sabay tawa namin pareho.

Sumakay na kami ng Jeep para umuwi. Malayo talaga yung pinuntahan namin, kaya naman ginabi na kami. Hinatid naman ako ni Gail sa bahay.

"So cally paano ba yan. Alis na ako, huh!"

"Sige sige salamat nga pala sa paghatid sakin."

"Wala yun. Sige bayieeehhhh."

"Sige bye, Ingat."

Umalis na si Gail. Umakyat na ako sa kwarto ko. Kasi naman, Napagod na din ako sa byahe. Ang layo kasi ng pinuntahan namin. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod. Nagising ako dahil sa ingay sa labas, kaya tiningnan ko kung ano yun. Taktiiii.... May sunog......

Kaya lumabas ako kaagad. Shetttt pag labas ko sa may kwarto. Yung sunog nasa bintana na. Nagsisigaw ako at humingi ng tulong. Hirap na din akong makahinga dahil sa usok. Kaya nahimatay ako at napahiga sa sahig.

THE FATE FORETOLD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon