Chapter 10

25 2 3
                                    

"Kadadating ko lang." Antok na antok na sagot ko sa kanya.

January 04, 3:00 am, still sleepy, alone, and I don't freaking know where to head on.

Ilang buwan na ako dito pero hindi ko parin kabisado ang pasikot-sikot.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasa bus terminal ako ng Dalin at hindi ko alam kung saang way dito ang papunta ng dorm.

Ang lamig ng paligid.

Bumalik na ako sa Manila. I think mas magandang magstay na lang ako dito, kahit medyo maaga pa para sa start ng review this year. I still have three days to cram dahil nga wala akong nareview nung umuwi ako. Mas lalo lang akong nastress dahil sa pinag-gagawa ng nanay at tatay ko.

Masyadong madilim ang paligid kaya napapaisip talaga ako kung magiistay ba ako o tutuloy pa rin kahit mukhang delikado. Wala ding katricy-tricy. Kahit taxi. Jusme!

Binitbit ko iyong bag ko at nagpaalam muna kay Nico na antok na antok pa.

Umuwi rin ako pagkatapos nung meet up namin. Nagpadala pa nga ako sa kanya nun ng asuete para matanggal 'yong kabag ko. We weren't that prepared, iyong tipong date na kahit simple lang sana, pero okay parin kasi kahit papaano we can go on with the relationship kasi nagkita na kami.

The difference is that I felt something is wrong with him. Pagkauwi ko parang bumaliktad ang takbo ng mundo para sa amin. Parang pakiramdam ko, ayaw na niya sa akin.

Kasi siguro hindi ako maganda sa personal? Chubby? Kasi hindi ako pasok sa standard na meron siya?

Ganun naman mostly iyong mga rason. Pero nung nakita ko siya, hindi rin naman ako nagwapuhan pero okay lang. Hays...

Hindi ko alam. After kong makauwi nun parang kumalma lahat. Iyong tawag niya. Iyong pagtext niya. Parang pagkatapos nun, isang beses na lang siya nagpaparamdam sa akin.

Tapus ngayon, ako na iyong tumatawag. Kung hindi pa ako magtetext, hindi pa siya tatawag. I'm a bit hurt kasi hindi ko alam kung kami pa o hindi na. Pakiramdam ko kasi ang laki ng pinagbago. Ang layo sa unang treatment niya nung hindi pa kami nagkikita.

Iyong tipong sweet connection namin noon parang naputol. Hindi ko na rin alam kung anong posisyon ko sa buhay niya ngayon. Kung girlfriend pa ba o babae lang na pwede niyang etchapwerahin kung kailan niya gusto.

Hindi ko alam. Naguguluhan ako kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Iyong kwekwestyunin ko kung anong lugar ko sa buhay ng isang tao.

Ngayon lang ako nanliit sa sarili ko. Na parang kulang na kulang ako. Ngayon lang ako napapatanong na kung anong meron ako.

Minsan naiinis na ako sa sarili ko kasi napakasensitive ko sa lahat ng bagay pero ngayon kasi iba. Kahit napakainsensitive na tao mapapansin 'to.

Ahly: Matulog ka na lang ulit. Sweetdreams, hon. I love you. Sorry naistorbo kita.

Simpleng text ko. Inisip ko na lang na mabilis siyang nakatulog kasi hindi na ako nakatanggap ng tawag hanggang sa maggabi ng araw na 'yon.

Busy siguro siya. Lagi naman. Hindi kasi iyon natatahimik sa upuan niya pag walang natatapos sa isang araw. Kaya siguro talaga hindi siya nakakapagtext o nakakatawag.

Busy lang talaga siguro siya, Ahlyssa.

Nakatingin lang ako sa phone ko. After nun ay napalunok ako kasama ng paglunok na iyon ay ang pride ko.

Matagal pa bago niya nasagot.

"Hi!" bati ko, pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"O? Bakit?" aniya.

Naestatwa ako.

Para akong sinaksak sa tono niya. Malamig. Walang feelings. Iritable. Parang ayaw niya akong kausap.

Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit tila may nakabara sa lalamunan ko na hindi ko alam kung ano.

Ang bigat rin ng dibdib ko. Parang may mabigat na nakadagan.

"Akala ko kasi hindi ka busy. Nakita ko kasi sa fb na online ka. Nagchat ako pero hindi ka nagrereply." Sagot ko.

Okay lang, Ahly. Intindihin mo na lang. Baka may nangyari lang siguro na hindi niya masabi sa'yo kaya siya nagkakaganito. Normal lang siguro 'to.

"Hindi ako nakaonline." Aniya, medyo galit.

Napayuko ako. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko na parang hinahatak ang mga luha ko.

Bakit kaya siya biglang naging ganito? Bakit parang nagbago lahat? May nagawa ba akong mali? Hindi niya ba ako nagustuhan?

Ba't ang sakit sakit? Wala akong idea na ginawa kong mali pero bakit feeling ko, kasalanan ko?

Malaki bang porsyento ang mukha para lang iyon ang magdikta kung dapat bang mahalin o hindi ang isang tao? Bakit pakiramdam ko ang layu-layo na niya sa akin?

"Hon..." tawag ko, nagdadasal na sana, guni-guni ko lang lahat 'to. Na sana mali iyong iniisip ko. Na hindi siya ganun. Na hindi basehan ang mukha para mahalin ang isang tao.

"Ano?" iritable pa ring sagot niya.

Bakit ba siya ganito? Bakit kailangan niyang saktan ako ng ganito?

Napapikit ako. Unti-unti nang namumuo ang luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Gusto kong sabihin sa kanyang nasasaktan ako pero hindi ko maibuka iyong bibig ko para sabihin sa kanya iyong tunay na nararamdaman ko.

"Pagod ka ba?"

Kasi 'di ba pwede naman iyong maging rason? Pagod siya kaya ganito siya sa akin. Siguro nga madami siyang ginawa. Kasi ganun din ako pag pagod.

Tama. Pagod lang siguro siya.

"Hindi." Sambit niya.

Bigla akong nawalan ng lakas.

Kusang bumagsak ang mga mata ko sa mga hita ko. I tried to stop it. I tried to calm myself but my tears just kept on falling.

Bakit ba ang bilis kong umiyak? Ano ngayon kung hindi nga siya pagod? Ano ngayon kung iritable siya? Ano ngayon kung iba 'yong trato na niya? Hindi ibig sabihin nun kailangan mo ng umiyak!

Hindi siya pagod, Ahly. Hindi siya pagod kaya stop justifying his actions! Something is wrong! And that is the fucking truth!

"Hon..." I called out again. Please, Nico...

"Ano?"

"I love you." I blurted out. No sign of tears. I just tried my best to keep everything fine. Na kahit pa na bawat bigkas ng mga salita ko'y tumutulo ang luha ko.

Kung sa iba 'to, siguro nagalit na sila. I want to but my heart's in too much pain right at this moment. Parang niyuyupi ang bawat sulok nun. Sobrang talim nung sakit na pinaparamdam sa akin.

I don't know how everything ended up that night, on how I carried the pain all alone. Basta nakatulog na lang akong nasa kama ako.

Gumising akong, narito na ang mga kasama ko at natutulog.

I checked my phone and still no sign of him.

The Opposite: Moving onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon