Chapter 4

14 3 0
                                    

"Anong ginagawa mo?"

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng oatmeal na kakainin ko.

Simula kasi noong sinabi niya na pangit ang masyadong mataba ay nagsimula na akong kumain ng oatmeal at nagbawas ng mamantikang pagkain. Kahit pagkakape na nakahiligan ko na noon ay itinigil ko na rin.

Medyo masakit man pero may point din naman kasi siya. Panget naman talaga iyong sobrang taba.

"Honey..." nasabi ko. Biglang naghiyawan iyong mga kaibigan ko, maging si Nico ay napatili rin.

Ewan ko ha. Anong meron?

"Kayo na ba, bunny?" tanong ni Iris.

Sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si Micah. "Congrats, bunny! Sana ako rin!" sabay tawa niya. "Kainggit!"

"I'm so happy for you ate, bunny!" tili ni Hillary.

Teka lang ha... nalilito ako.

"Huh?" iyon lang 'yong nasagot ko. Hindi ko kasi sila maintindihan. Mahina talaga signal ko pag kagigising.

"Ano ulit 'yon, honey?" rinig kong sabi ni Nico. Biglang naghiyawan ulit mga kaibigan ko.

Nalilito man ay dinampot ko pa rin iyong baso kong may mainit na tubig at umupo sa kama. Nagsalin ako ng oats doon 'tsaka inihalo.

Napili ko na lang na tanggalin ang pagkakaloud ng phone ko para sa ganun ay ako na lang ang makakarinig sa kung ano man ang pag-uusapan namin ni Nico.

"Anong uulitin ko?" tanong ko kay Nico pero wala pa ring tigil sa katitili iyong tatlo. Napapailing na lang ako.

"Tayo na ba? Tinawag mo akong honey." Aniya.

Napahinto ako.

"Ahhhh..." napatango ako at humagalpak sa tawa. Hindi ko napansin na nailabas ko pala sa bibig ko iyong salitang 'yon.

"Alla sorry! Hindi ko sinasabi sa'yo 'yon. Binabasa ko kasi iyong oatmeal. May halong honey kasi." Sabi ko habang walang tigil sa katatawa.

O my gosh!

Biglang natahimik lahat maliban sa akin na mahinang natatawa.

Akala ko kasi talaga sa isip ko lang nasabi iyon. Naibulalas ko pala talaga.

"Ay ganun ba... akala ko..." -Nico.

Natatawa ako. "Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Ah. Hindi. Okay lang." Aniya at suminghap. "Ano na ulit ginagawa mo?" dagdag niya sa mahinang boses.

"Kumakain." Simpleng sagot ko. Tumikim ako ng oatmeal.

"Nakatulog ka ba ng maigi?" dagdag na tanong niya. Umo-o lang din ako.

At doon nagsimula ang walang humpay na tanong at kwento niya. Na kahit nasa review center ako ay walang tigil ang pagtetext niya. Minsan nakakairita pero sinasabayan ko na lang rin.

"Mamaya na 'yan. Makinig ka muna. Tsaka damayan mo muna kami. Baka bumagsak tayo." -si Iris.

Napasilip ako sa review notes ni Iris at napabalik sa review notes ko. Bigla akong nakonsensiya. Puno ng additional info 'yong notes nila samantalang ako ay blanko.

Dinapuan ako ng konsensiya. Binibigyan ako ng pera tapus ganito lang gagawin ko?

Muling nag beep iyong phone ko. Si Nico.

Pero sa halip na sagutin iyon ay ibinag ko na muna at saglit na nakinig. Pero hindi rin ako makaconcentrate dahil panay ang beep at ring ng phone ko.

The Opposite: Moving onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon