Part 5

1.9K 55 2
                                    

Coron Palawan

Prinsipe Jiro oras na! sabi ng isang matanda na siyang umaagapay sa prinsipe mula pagkabata!

Oho nga po! Oras na para magkasama kami ulit! Malungkot na wika ng prinsipe.

Pero bakit tila malungkot po kayo? Tanung ng matanda ng mapansin nito ang kakaibang  lungkot sa mukha ng prinsipe!

Madaming pwedeng mangyari sa oras na magkasama kaming apat, lalo na ngayon nasa lupa na din si prinsipe Yuchi at si Wendy na nagkatawang tao na din pakatapos ng matagal na panahon na paghahanap niya! Di ko alam kung nakilala na niya ang prinsesa! Malaking panganib ang naka abang sa amin at di ko alam kung makaya kung gampanan ang tungkulin na nakaatang sa akin!mahabang wika ng prinsipe na matamang nakabantay sa isang lugar at di nululubayan ng tingin ang isang nilalang!

 

Kaya niyo yan! Sa haba ng panahon na inilagi niyo dito wala kayong ibang ginawa kundi ang sanayin ang sarili niyo para sa kasalukuyan! Sabi ng matanda sabay tapik sa balikat ng prinsipe!

Sana nga ho! Sagot ng prinsip sabay hawak sa kwentas na nakasabit sa  leeg niya!

Pakatapos ng nangyari sa kaharian na kinabibilangan niya noon kasama siya sa pinadala dito sa lupa at binura ang kanyang alaala. Ngunit dahil sa isang aksidente bigla niyang naalala ang lahat ng iyon at kinupkop siya ng mga grupo ng engkantada sa lupa!

Sa loob ng mahabang panahon sinanay niya ang sarili niya sa pakikipaglaban at ganun din ang kanyang kapangyarihan! Sa tulong ng mga engkantada nailabas niya ng lubos ang kapangyarihan niya ng hindi napapansin ng mga taong sanhi ng lahat ng iyon! At ngayon ito na nga, oras na para magkita kita sila!

Sana lang maprotektahan niya ang mga taong dapat niyang protektahan!

At si prinsipe Yuchi! Nakatakda man itong mamatay sa kamay ng babaeng itinadhana sa kanya pipilitin niyang baguhin yun! Kelangan mabago iyon!

ibinigwas nito ang kamay niya at nag bago ang ayos nito!

isa pang bigwas ng kamay at nasa lupa isang lugar na siya

Destined From The Start (complete-Fantasy Romance)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora