07

3.6K 74 26
                                    

Grab

"Isama mo na kasi ako. Hindi naman na ako magkukulit."

"Hindi nga sabi, Elene. Huwag nang matigas ang ulo."

Hinabol ko hanggang sa gate si Justice. I even spread my arms when I stood in front of him. He looks so done. He crossed his arms above his chest.

"Magpapaalam na ako sa'yo kapag aalis ako. Nabored lang talaga ako kaya umalis ako. Pero hindi ko na nga uulitin."

Paano ba naman kasi, ilang araw ko na siyang kinukulit na isama ako ulit sa pantalan pero mukhang dinamdam niya iyong pag-iwan ko sa kaniya sa Donya Gracia. Hanap daw ito nang hanap sa akin. Halos halughugin na ang buong pantalan. Nainis siya sa ginawa ko kaya hindi na niya ako magawang isama ngayon!

"Look, let's make it up. I just want to watch a sunset." Patuloy kong pakiusap.

Kahit nga ang panonood ng sunset noong nakaraang linggo ay hindi na natuloy dahil atat siyang maiuwi na ako. Hindi nga lang sila nakapang abot ni Sorin dahil mabilis akong umalis doon sa palengke.

"Please?"

"Magstay ka na lang dito sa bahay niyo. Nandito ang daddy mamayang tanghali. Hindi ko na rin muna pinaalis si nanay para may kasama ka ngayong araw. Umalis lang saglit, nagpunta sa palengke."

"E ikaw nga ang gusto kong kasama ngayon!" Giit ko.

"Pumasok ka na sa loob."

I grunted when Justice dismiss me. Naglakad na ito papunta sa lumang pick up trup niya.

"Saglit lang! 10 minutes!"

"Hindi ka sasama."

"9 minutes lang!" Hirit ko pa.

Hindi niya ako pinansin.

"Okay, 5 minutes! 5 minutes lang akong aalis ng pantalan tapos babalik na ako doon."

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Justice. Mukhang hindi na nga mababago ang isip niya. Kakainis naman!

"Natapos ko na ang assignments ko. Sabado ngayon kaya wala akong gagawin. Please? Please?" Pinagsiklop ko pa ang dalawa kong kamay. Desperada na na makabalik sa pantalan.

Noong nakaraang sabado ay hindi rin ako sinama ni Justice. Wala akong choice nun kung hindi pumunta sa bar. Pero ang bwakanang bouncer na iyon, mukhang pinagkalat na sa mga kasamahan niya na banned ako at bawal akong pumasok. Mas mahigpit pa pala ang security kapag wala siya doon!

"Isama mo na ako." Nauubos pag-asa kong sabi.

He let out a stressful sigh. "Hindi nga pwede, Elene. Hindi mo ba naiintindihan kung anong ginawa mo noong nakaraan? Paano kung may kumuha sa'yo o ano?"

"Edi ransom-an niyo."

Napapikit ito. "Hindi nakakatawa. Nag-alala ako sa'yo. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Wala ka pa man din dalang cellphone dahil naiwan mo doon sa cabin ang bag mo."

"Dadalhin ko na ngayon kapag sinama mo ako."

"Let her stay here, Justice."

Nanlaki ang mga mata ko nang mahimigan ang boses ni Dadddy. Nagkatinginan kami saglit ni Justice pagkatapos ay sabay na lumingon sa balcony ng aming bahay.

There is my dad, pretty sitting in a rattan chair as he sip his coffee. Wala sa amin ang atensyon niya, nasa diyaryong binabasa. Pero kung titignan ang komportable niyang pagkakaupo, mahihinuwa na kanina pa siya doon. Mukhang narinig pa nga ang pagpilit ko kay Justice.

At ang kasalanang ginawa ko noong nakaraan...ang pagpuslit ko sa palengke...na nasisisgurado kong may kapalit na namang buhat ng kamay mamaya.

"Good morning po, Sir Greg." Pormal na bati ni Justice sa aking ama.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Where stories live. Discover now