Chapter 19

1.5K 41 16
                                    

A / N: Ate Mel / Melissa on the side / multimedia section. Thank you sa lahat ng nagssupport sa SYFB! :D

Chapter 19: Unanswered

- Issa's POV - 

“Hi, Issa.” Masayang bati ni Kuya Dan. Kumaway at ngumiti si Ate Mel sa akin. Sabay silang naglakad papunta sa amin. Nginitian ko lang sila.

“Sungit, nandyan ka pala!” Tatawa-tawang binati ni Ate Mel si Dave. Inirapan lang siya nito.

Bigla kong narealize kung anong nangyayari. Nandito yung dalawang taong ano… ano… Umamin sa akin!! Arghhh!!!

“Issa, pauwi ka na ba? Kakatapos lang kasi ng last class namin ni Mel. Naisipan namin dumaan dito, baka sakaling tapos ka na rin at makasabay ka pauwi.” Paliwanag ni Kuya Dan.

“Um… Oo, Kuya Dan, kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit,” sagot ko. Kinuha ko na ang mga books ko sa locker at isinarado ito.

“Hoy ikaw, sungit! Umuwi ka na rin at sumabay sa amin! Kaysa naman kung saan-saan ka pa magpunta at magbulakbol.” Pangaral ni Ate Mel.

Nagkatinginan ng matalim sina Dave at Kuya Dan. Nararamdaman ko yung tension sa kanilang dalawa! Ate Mel naman kasi! Bakit kailangan mo pang itanong yan! Hindi ko na nga kaya yung tension na nakatayo silang dalawa dito, paano pa kaya sa loob ng sasakyan?!!

“Sige, sasabay ako.” Seryosong sagot ni Dave habang nakatingin pa rin kay Kuya Dan.

Nakakatakot ang mga tinginan nila! Parang anytime magsusuntukan sila eh! Okay fine, alam ni Dave na umamin si Kuya Dan sa akin. Eh si Kuya kaya… Hindi kaya alam niya na rin yung pag-amin ni Dave? Ang gulo-gulo!!

“Oh wow, okay. Tara na, guys!” Anyaya ni Ate Mel.

“Sandali, Issa. Ako na ang magdadala ng books mo,” sabi ni Kuya Dan sabay abot sa books ko.

“Hindi, ako na.” Nilagay rin ni Dave ang kamay niya sa mga libro ko.

Arghhhh!!! Nakakainis kayong dalawa!! Nakakahiya!! Wag nga kayong ganyan!! Nag-iinit na naman ang mga pisngi ko! Wala akong nagawa kundi tumungo. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Ate Mel sa kanilang dalawa.

“Okay guys, what’s wrong with the two of you? Books lang ni Issa, pag-aawayan niyo pa! Dan, ikaw na magdala ng books. Ikaw naman nauna.” Sabi ni Ate Mel.

Walang nagawa si Dave. Hinayaan ko nalang dalhin ni Kuya Dan yung books ko kahit na syempre, nahihiya pa rin ako. Kahit papaano, nakahinga ako ng maluwag. Kasi kung ako lang, hindi ko alam kung kanino ko ibibigay yung mga libro.

Binigyan lang ni Ate Mel ng isang weird na look si Dave. Nagsimula na rin kaming maglakad. Si Kuya Dan ang nauna, sumunod kaming dalawa ni Ate Mel at sa likod si Dave. Kinindatan ako ni Ate Mel at isinukbit ang braso niya sa akin.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now