13

43.7K 1.2K 145
                                    

"EXCUSE me po sir." tawag pansin ni Summer sa professor na si Mr. Warren dela Paz. Mula naman sa pinagkakaabalahan nito sa laptop nito, umangat ang tingin sa kanya ng lalaki.

"Miss Samonte, you're here." nakangiting saad ng lalaki.

"Y-yes sir, kasi kukunin ko po sana yung syllabus na sinabi nyo kanina bago po kayo mag-dismiss ng klase." she cleared the invincible lump on her throat, nag-iwas din siya ng tingin sa lalaki nang mailang siya sa ginagawa nitong lantarang pagtitig sa kanya. "Sir?" untag niya sa lalaki ng hindi pa rin ito umimik at nakatitig lang sa kanya.

"Ah, yes, the syllabus, of course. Can you wait for a minute? Magpi-print lang ako ng bagong copies, may mga nangihingi kasi na ibang estudyante ko kaya naubusan ako ng mga hard copy."

"Ayos lang po, sir." tumango naman ang lalaki at sinimulang mag print ng mga syllabus nila. Pinanood lang niya ang bawat kilos nito. Sumandal ito sa mesa kung saan nakapatong ang printer, nakapamulsa itong ibinalik ang tingin sa kanya.

Nako conscious na tuloy siya. Ano kaya ang problema nito at kanina pa ito titig ng titig sa kanya? Hindi kaya may dumi siya sa mukha niya? Pero imposible, edi sana kanina pa iyon sinabi sa kanya ni Celine.

Huminga siya ng malalim, luminga siya sa loob ng faculty room. Wala naman gaanong ibang professors doon. "Sir?" panimula niya. "M-may problema ho ba kayo sa akin? Kanina ko pa ho kasi kayo nakatitig sa akin."

Her professor chuckled, nagkamot pa ito sa dulo ng kilay nito at naaaliw na tumingin sa kanya. "I'm sorry, naiilang ka na ba?"

"Sa totoo lang po sir, oo po eh." napangiwi pa siya.

"I'm sorry Miss Samonte. I'm just so happy that I met you."

"Po?" hindi talaga niya ito maintindihan.

"Nothing, don't mind me. Here." iniabot nito sa kanya ang hard copy ng syllabus na bagong print nito. Agad niya iyong inabot, kasabay naman 'non ang marahan na paghaplos sa pisngi niya ng lalaki. "You're so beautiful." anas nito.

Umatras siya palayo sa lalaki. "S-sige po sir, aalis na po ako." tumalikod agad siya at nagmamadaling lumabas ng faculty room. Napailing na lang siya, nawi-wirduhan na talaga siya sa professor na iyon.

Pagkalabas niya ng pintuan ng faculty, naabutan niya doon si Celine na may katawagan sa cellphone nito.

"Oh sige babye na babe, love you, muah." ani ni Celine saka ibinaba ang cellphone nito nang makita siya. "Ano girl? Asa loob si Prof yummy?" kinikilig na tanong nito sa kanya.

"Oo, heto na yung syllabus natin." inilagay niya sa bag niya ang mga papel. Bukas na lang niya iyon ipapamigay sa mga kaklase nila tutal siguradong nakauwi na ang mga iyon.

She checked her phone, napangiti siya nang makita ang text message ni Comet. Nasa labas na raw ito ng campus at inaantay siya.

"Celine ? May pupuntahan pa ba tayo? Kailangan ko na kasi umuwi." tanong niya sa kaibigan. Nanunudyo naman itong ngumiti sa kanya.

"Wala na, bakit? Sinusundo ka na ng boyfie mo 'noh? Tara na, sabay na tayo palabas ng campus."

Magkasabay nga sila lumabas ni Celine, naghiwalay lang sila nang may sumundo dito na lalaki na mukhang sa university rin nag-aaral. Ipinakilala pa nitong nobyo nito iyon sa kanya.

Lumapit siya sa kotse na kinaroroonan ni Comet. Nakasimangot ang lalaki nang mabungaran niya ito habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Nagtatanong na tinignan niya naman ang kuya Marvin niya na nakangiti lang, sumenyas pa ito na lagot daw siya gamit ang daliri nito.

"Who's that guy with you a while ago? Why did you hold his hand?" nakahalukipkip na tanong sa kanya ni Comet.

Nagsalubong ang mga kilay ni Summer, inalala kung sinong lalaki ang sinasabi nito. "Ah, si Job yun. Boyfriend ng bago kong kaibigan, ipinakilala lang sa akin. Bakit?"

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon