14

43.5K 1.3K 76
                                    

KAKATAPOS lang ng EDMR therapy ni Comet, nang pinapasok na siya ni Doc Dmitri sa private room, agad lumapit si Summer kay Comet at dahan-dahang inalalayan ito para makabangon ang binata mula sa pagkakahiga nito.

"Ayos ka lang ba, Comet?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki nang mapansin na hinihilot ng lalaki ang sentido nito.

"Yeah, I'm fine. Just a little headache." Halos lahat ng EDMR therapy ni Comet, kasama siya ng lalaki kaya sanay na siya kapag nakakaramdam ito ng sakit ng ulo. Normal lang naman daw kasi iyon sabi ni Doc Dmitri.

"Take a rest for while here bago kayo umalis. Tatawag na lang ako ng nurse para mag-assist sa inyo kung may kailangan kayo, maiwan ko muna kayo dahil may kailangan pa akong daanan, I'll be right back." paalam sa kanila ng doktor.

Inabot ni Summer ang bottled water kay Comet, matapos uminom ng tubig, yumakap sa bewang niya ang lalaki at isiniksik ang mukha sa leeg niya. Nakapikit ito at dinig niya ang mabibigat nitong paghinga.

"I saw some flashes, Summer, flashes about my past..." anas ng lalaki. Natigilan naman si Summer nang marinig ang boses nito. Hindi na kasi iyon pinaliit na parang bata, his voice now was deep, baritone.

"C-comet.."

"It's so scary, those assholes who killed our parents, those monsters who abducted us, I was so scared, Summer."

"Sshhh, huwag mo muna alalahanin yun. Tapos na yun, okay? Huwag ka muna mag-isip ng kung anu-ano, magpahinga ka muna."

Ang sabi naman sa kanila ni Doc Dmitri, normal lang din daw na magkaroon ng triggers si Comet sa bawat therapy nito. Kaya nga dapat raw na may kaagapay ang lalaki sa bawat session nito para suportahan si Comet sa magiging emotional effect ng therapy sa kanya.

Pero sa lahat ng naging therapy ng lalaki, ngayon lang nag-iba ang boses nito. Yung tipong boses na akma sa edad nito at sa laki ng katawan nito.

Nakatulog na si Comet sa tabi niya, sakto naman na bumalik na si Doc Dmitri sa kwarto kasunod ang isang nurse na lalaki. Tinulungan siya ng nurse na ihiga si Comet sa kama.

"Doc, pwede ko po ba kayo makausap?" hininaan niya ang boses para hindi maabala sa pagtulog si Comet. Tumango naman ang doktor, binalingan nito ang nurse na kasama nila sa loob ng kwarto para ibilin si Comet.

"Do you have any concern, Summer?" tanong ng doktor sa kanya nang makalabas na sila sa private room.

"Doc, kasi po si Comet, nagkaroon po ulit siya ng triggers kanina, tapos po napansin ko na yung boses niya, hindi na po parang pambata."

"I get it, well it's a good sign, it means effective ang bawat therapy sessions niya. Mukhang malapit na rin siya gumaling."

Natuwa si Summer sa narinig, natutuwa siya para kay Comet dahil magkakaroon na ng magandang katuparan ang bawat pagpupursige nitong gumaling.

"Talaga po, Doc?! Salamat naman po sa Diyos, maraming salamat din po sa inyo."

"You need to thank yourself too, nakita ko kung gaano ka nanging kasuportado kay Comet. Your love for each other helps too to conquer his own monster he facing."

Hindi na napigilan ni Summer ang maluha sa tuwa dahil sa magandang balita. "Sigurado rin po na matutuwa ang mga kuya ni Comet."

"Yeah, I'm sure about that. Just make sure he continued his medication and his therapy."

Matapos nila mag-usap, bumalik na sila sa loob ng private room, tulog pa rin si Comet kaya naupo na lang siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang lalaki. Lumabas naman ulit ng kwarto si Doc Dmitri at ang nurse.

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon