15 - CEO's Siblings

81 7 0
                                    

Sinundan ni Mika si Sendoh matapos nitong mag-walk out sa sagutan nila ni Yurika.

"Sendoh! Sendoh wait lang!" tawag nito

Sa laki ng hakbang ni Sendoh ay sumuko na lang ito. Nagbago ito ng reaksyon ng mukha, mula sa malambing at maamong mukha sa isang nanlilisik at may planong masama sa kapwa.

Bumalik ito sa kinaroroonan nila Yurika pero nakaalis na ang mga ito. Natanaw niya ang mga ito na naglakad papunta sa isang condominium building na katabi ng mall. Kinuhanan niya ng larawan ang mga ito gamit ang camera na dala nito.

Lingid sa kaalaman ni Mika na mayroon ding sumusunod sa kanya na hindi niya napansin.

************************************

Yurika's POV

Grabe 'no? Ganun nga talaga siya.

Kung sinu-sino pala ang sinasamahan niya basta mayaman.

What a gold digging b*tch!

Nakakahiya siya.

Buti na lang natauhan na si Sendoh.

Pagpasok ko sa classroom ay puro bulungan ang tumambad sa akin. Bulungan pero dinig na dinig ko na para bang pinaparinig nila talaga sa akin.

Dumeretso na lamang ako sa upuan ko at hindi na lang pinansin yung mga sinasabi nila dahil lahat yon ay di totoo.

Kinuha ko yung libro ko sa math at nagbasa na lamang ng mga equations at nagsosolve sa isip ko ng iilang problems doon, atleast yon madali solusyunan. Pero ang mga utak ng mga kaklase ko, wala na pag-asa.

Natahimik ang lahat nang pumasok si Aki. Para bang pinapakiramdaman nila yung gagawin nito pero tahimik lamang itong umupo sa upuan na katabi ko.

Sumulyap ako ng tingin sa kanya pero sa harapan lang siyang seryosong nakatingin.

Nang matapos ang unang klase ay nagkaron ng free period dahil sa meeting ng faculty para sa darating na School Anniversary Festival.

Lahat ng klase ay magkakaron ng free period hanggang sa matapos ang lunch break kaya't kanya-kanyang tambay at kain yung mga estudyante.

Naisipan kong maglakad-lakad at magmuni-muni ng mga bagay bagay sa buhay ko. Naglalaro sa isip ko yung mga napag-usapan namin ni Kuya. Nakikita daw niyang kay Aki ako magiging maayos ulit kung bibigyan ko ito ng pagkakataon.

Hindi ko namalayang dinala ako ng mga paa ko sa garden na malapit sa gym kung saan ako unang dinala ni Aki nung first day of classes.

I remember that day when I slapped him pero tumawa lang ito like he was amused with my reaction. Napangiti ako ng mapait while reminiscing those memories. Nagulat ako sa luha na tumulo sa pisngi ko, pinunasan ko ito agad nang may narinig akong yabag mula sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong tanong ni Akira

"Weirdo." bulong na tawag ko, unti-unti akong umikot para harapin siya.

"Uhm, Aki ano...." nahihiyang panimula ko

"Anong tinawag mo sa akin?" kunot noong tanong nito, bakas sa mga mata nito ang galit.

"I'm sorry." malungkot na sabi ko. Inangat ko ang tingin ko sa mga mata nito na nakatitig ng matalim sa akin

"Sorry? Saan? Dahil sa pagpapaasa mo sa akin? O dahil sa pekeng pakitang tao mo?" diin nito

"I'm sorry for everything. Sa lahat ng sakit na binigay ko sa 'yo and..." natigil ako nang dumating sa likuran nito si Mika, Oo nga pala they are together.

"And what?!" galit na tanong ni Aki

"And.... I'm happy for you both. I'm sorry." naluluhang sabi ko at madaling umalis na.

That's it Yurika. It's too late for you now and just move on.

Lumipas ang mga araw na tuluyan na kaming hindi nag-usap. Hindi ko na din nakikitang ngumingiti si Aki di gaya ng dati. Palagi itong seryoso. Pagkatapos ng klase ay agad itong dumederetso sa gym for their daily practice. It's like I never existed in his world.

************************************

Hikoichi's POV

Tama ang hinala ko talaga sa Aikawa Mika na 'yon. Siya ang may pakana ng mga pictures ni Yurika. Bakit ganun na lang ang galit nito kay Yurika, wala naman itong ginawa sa kanya.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok po!" sabi ko ng hindi nawawala ang pokus sa monitor ng computer ko.

"Hikoichi! Bumaba ka na daw sabi ni mama. Kakain na daw tayo ng hapunan." sabi ni Ate pagkabukas nito ng pintuan

"Sige ate, susunod na ako. May tatapusin lang ako."

"Hmmm. Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni ate at lumapit ito sa desk ko kaya nasilip nito yung mga pictures sa monitor ko.

"Bakit ka may larawan ni CEO Shinjiro A.Y.?" takang tanong nito

"Huh? Kilala mo ang lalaking ito?" gulat na reaksyon ko sabay turo sa picture na kasama nito si Yurika na papasok sa condominium building.

"Oo naman. Ang pamilya nila ang isa sa maimpluwensyang pangalan sa buong mundo. Tinagurian nga siyang Most Eligible Bachelor of the year eh. Napakayaman niya at napakagwapo pa!!!" kinikilig na kwento ni Ate

"Ano pang alam mo tungkol sa kanya ate?" usisa ko, baka sakali may maitugma ako sa mga impormasyong nakalap ko

Umupo si ate sa kama ko at nagdikwarto pa ito sabay lagay ng hintuturo sa baba nito.
"Hmm, si CEO Shinjiro A.Y. ay panganay sa tatlong magkakapatid. 30 years old na ito. Lumaki ito sa Amerika kasama ang buong pamilya nito. Kapatid nito ang sikat na NBA Rookie na si Raiden Anzai. Yung bunso nilang kapatid, sa pagkakaalam ko ay babae ito pero hindi nila ito ineexpose sa publiko. Mahilig ito mangolekta ng mamahaling luxury cars lalo mga sports car. Siya na ngayon ang nagmamanage ng A.Y. Group. Madami silang businesses gaya ng hotels and resort, malls, construction at banks. Ganon sila kayaman."

"Kapatid niya si Raiden Anzai?!" bulalas ko

"Oo! Sa pagkakaalam ko ay kinukuha din sa NBA dati si CEO Shinjiro A.Y. pero tinanggihan niya ito para pumalit sa dating CEO ng kumpanya nila. Kaya nang nakapasok sa NBA ang kapatid nito ay siya ang naging sponsor nito." dagdag pa ni ate

"Eh yung bunsong kapatid na babae niya?" usisa ko

"Sa pagkakaalam ko ay High School pa ito. Napabalitang captain ito ng Basketball Girls team sa isang prestigious school sa Amerika na lumalahok sa mga international tournaments sa bansa nila." hayag pa ni Ate

"Ano?! Pamilya sila ng Basketball Players?!" gulat na reaksyon ko

"Oo! Kakasabi ko lang di ba. Yung mall jan sa bayan sa kanila yon." sabi pa ni Ate

Yung mall? Hindi kaya?

"Matanong ko lang bakit interesado ka sa kanya? May project ka ba?" usisa ni Ate

"Ah oo eh!" dahilan ko

"Hmm. Bibigyan na lang kita ng kopya ng mga articles na meron ako ng tungkol sa kanya baka makatulong. Halika na, kumain na tayo! Nagugutom na ako! Sumunod ka na bumaba ah!" sabi ni ate, tumayo na ito at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkatapos namin maghapunan, inemail na sa akin ni Ate yung mga articles na sinasabi niya. Pagkabukas ko ng isa sa mga links, lalong lumakas yung kutob ko tungkol kay Yurika.

A Player's Heart (featuring Akira Sendoh) Where stories live. Discover now