17 - The Truth About Her

98 7 0
                                    

Yurika's POV

Paglabas namin ng Opisina ay biglang tinawag ni Kuya Jiro si Aki. Bumalik ito sa loob at sinara nito ang pinto.

Ano kayang pag-uusapan nila.

Hinatid ni Lolo si Coach Taoka palabas ng opisina ako naman ay dumeretso na lamang sa lobby para doon antayin si Kuya.

*********************************

Sendoh's POV

Umupo ulit ako sa mesa at tinignan lamang yung reaksyon nito na ngayo'y seryoso na. Kung kanina ay napaka-amo ng awra niya, ngayon naman ay parang sesentensyahan niya ako

"Anong gusto nyong pag-usapan?" paunang tanong ko

"It's about Yurika, my little sister." payak na sabi nito

Nagulat ako sa huling sinabi nito. Nagsasabi ng totoo si Hikoichi!

"Magkapatid kayo?"

"Yes."

"I know, you thought na may relasyon kami based on how you reacted earlier." sabi nito

"Pasensya na po sa inasal ko, naunahan lang ako ng...." nahihiyang katwiran ko

"Selos? I know."

"Ho? Anong gusto nyong sabihin sa akin..." naguguluhan na ako

"I just wanna hear from you if you love my sister or not?" diretsahang tanong nito

Madali naman sagutin yung tanong na 'yan. Pero sa sitwasyon namin ngayon ni Yuri, ang hirap nang sabihin pa yun lalo sa kanya.

Natahimik ako ng ilang segundo dahil hinahalukay ko sa isip ko anong isasagot. Bumuntong hininga ako, bahala na!

"Tatapatin ko na kayo. Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko na nga din siguro siya. Pero sa dami ng mga nangyari at mga pag-iiwas niya sa akin, naguguluhan na ako. Hindi ko alam ano pa pwede kong gawin para bigyan niya ako ng pagkakataon para pagkatiwalaan niya. Alam kong may nangyayari sa kanya na ayaw nitong sabihin sa akin. Pero anong gagawin ko, ayaw niya akong papasukin sa buhay niya." katwiran ko

Tumango-tango lamang ito na parang businessman na kinukumbinsi sa isang proposal. Nakakaintimidate din ang dating nitong kuya niya, pakiramdam ko nababasa niya ako ng walang kahirap-hirap.

"I get you. I get what you feel for everything that's happened. But my sister is in a very fragile state right now and she needs more than just understanding her situation or her feelings." seryosong paliwanag nito

"Anong ibig n'yong sabihin?" kunot noong tanong ko

"She....needs you, Sendoh." buntong hiningang sagot nito, halos manghina ako sa narinig kong 'yon.

Yung mga salitang yon made me realize what an asshole I've become dahil mas inuna ko yung sarili ko. Hindi ko nakitang mas nasasaktan si Yuri sa mga nangyayari.

Naalala ko bigla yung sinubukan niyang magsabi sa akin pero binaling ko lang sa kanya yung frustrations ko, yung galit at pagseselos ko, dahil hindi ko matanggap na hindi pwedeng maging kami.

Para akong sinampal ng katotohanan sa mga sinabi niyang yon.

"You both need to listen to each other. Wag ninyong pairalin muna yung sakit na binigay ng mga pangyayari sa inyo." paliwanag pa nito

Pero yung mga balitang kumakalat sa kanya....

"And about the truth, ask her. Siya lang makakapagsabi sayo ng totoo. You both deserve it." seryosong sagot nito, nabasa yata niya yung nasa isip ko.

A Player's Heart (featuring Akira Sendoh) Where stories live. Discover now