Chapter 2-Simula ng Paghahanap

1.3K 45 0
                                    

YONA POV

Papunta na kami ngayon sa emperador.Baka may sumugod na mangkukulam sa aming emperyo?Pero hindi..sa ngayon ay nananahimik ang mga mangkukulam pagkatapos ng naging laban namin sa kanila at pagkamatay ni Tata at ng ilang mandirigma.Nakakapagtaka din na hindi man lang kumikilos si Ketsuya.O baka naman may espiya?Naipilig ko na lang ang ulo ko.

Iniangat ko ang tingin ko sa katabi kong naglalakad na si Liu.Diretso lang siya na nakatingin sa harap habang naglalakad.Hindi man lang ako tingnan..hmp.Kyaaa..ang gwapo niya talaga.Matangkad siya sa akin na halos lagpas lang ako ng kaunti sa balikat niya.Sunod kay Miyata ay siya ang pinuno ng mga kawal dahil siya ang mas malakas higit dito dahil nga sa kanyang pagiging isinumpa.Yelo at tubig ang kapangyarihan niya kombinasyon ng kapangyarihan ng kanyang mga nasawing magulang.Ang kanyang ina ay yelo habang ang sa kanyang ama ay tubig.Literal siyang isang malamig na tao sa pinagdaanan niya sa buhay,sa maagang pagkawala ng magulang niya kaya naman naiintindihan ko siya,namatay din ang aking ama sa digmaan.Nabuhay siya sa galit at ngayon lang medyo nagtututo siyang magpakita ng emosyon.Noong una ko kasi siyang makita ay ni hindi talaga siya ngumingiti,ni hindi din siya nagsasalita man lang basta lang siya nakatingin at wala man lang emosyon ang kanyang mata.

"Mabuti at nandito na kayo..pag-usapan na natin ang mahalaga kong sasabihin sa inyo.."seryosong sabi ng emperador na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.Nakarating na pala kami sa bulwagan ng hindi ko namamalayan.

Ano kaya yun..?mataman akong nakikinig sa susunod na sasabihin ng emperador.

"Alam naman ninyong lahat na nasa mundo ng mga mortal ang aking anak na si Miyata at kasama niya doon ngayon sina Shin,Shugen at Ken upang hanapin ang puting mahika pero mayroon silang problema..hindi nila alam kung saan sila magsisimula at paano malalaman kung sino ang nagnakaw ng puting mahika.Ngayon kaya ko kayo pinapunta dito ay para matulungan sila..

Tulungan sila sa paghanap ng puting mahika?Biglang nagliwanag ang mukha ko.

"Kung ganoon pupunta din po kami sa mundo nina Yumi??"tuwang tuwa kong tanong.

Gusto ko din kasing makarating sa mundo nila.

"Hindi kayo pupunta doon.."sagot ng emperador.

Ngee..hindi naman pala..bumagsak tuloy bigla ang balikat ko.

"Kung ganoon paano kami makakatulong?"sabi ni Liu.

Ganyan talaga siyang makipag-usap sa emperador parang kaedad niya lang.Wala siyang galang e.-__-

"Hinati ko na kayo sa tatlong grupo."Tatlo..kung ganoon tig-dalawa dahil anim lang naman kami."Dahil si Yona at si Rima~~

"Waaa..bakit po si Rima pa mahal na emperador..?!"napalingon ako kay Rima na tinaasan ako ng kilay..agad akong nagbawi ng tingin."..hindi po ba pwedeng si Liu na lang ang kasama ko.."nahihiyang naglakas ng loob na akong magsabi.Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko.

Nadinig ko naman na mahinang napatawa ang emperador.Si Liu naman ay walang reaksyon.

"Hindi pa ako tapos Yona patapusin mo muna ang sinasabi ko.."magiliw na sabi ng emperador.

Waaa..nakakahiya naman..tumango na lang ako.

"Dahil ikaw at si Rima ay babae ay kailangan na lalaki ang kagrupo nyo para hindi kayo dehado kung may makalaban kayo..ngayon sino ang gusto mo kasama Yona?"

Waaa..kumislap ang mata ko..

"Si Liu po.."nahihiya kong sabi pero sa loob-loob ko ay tuwang-tuwa ako.Nadinig ko na sumipol si Kira habang si Akeru naman ay nakangisi lang.

"Nahawa na talaga siya ng kalandian sa mortal na yun."parinig ni Rima.

Tss,ang laki talaga ng galit niya kay Yumi palibhasa hindi siya pinatulan ni Miyata.

"Rima..ikaw naman ay si Mito ang makakasama."

"Bakit si Mito mahal na emperador?! Pwede bang si Kira na lang o si Akeru.."reklamo ni Rima.Nangunot tuloy ang noo ni Mito.Alam namin ang lihim na pagtingin niya kay Rima na sa tingin ko ay hindi na naman lihim ngayon.Parehas lang kami ni Mito ng sitwasyon.Napabuntunghininga tuloy ako.

"Hindi maaaring si Kira o si Akeru dahil sila ang maiiwan sa palasyo upang pamunuan ang mga kawal kasama nina Zak,Rui at Sai.Malaking bagay na nandito sila dahil alam nyo naman na hindi maaaring mawalan ng mandirigma ang emperyo kung sakaling sumugod ang mga mangkukulam."

Parang binagsakan tuloy ng langit at lupa ang reaksyon ni Rima.Ano ba ang ayaw niya kay Mito e mabait naman ito.Gwapo din naman.

"Tss,akala ko pa naman ay magiging masaya ito..maiiwan pala ako dito sa palasyo.."bulong ni Kira.

"Makinig kayong mabuti..si Liu at si Yona..sila ang aatasan kong maghanap sa nilalang na makakapagsabi ng nangyari sa nakaraan..kailangan nina Miyata malaman at makita kung sino ang nagnakaw ng puting mahika.Balitang ang nilalang na yun ay sa  kanluran matatagpuan sa Emperyo ng Subeta.."binalingan ng emperador ng tingin si Liu dahil yun ang emperyo ng kanyang nasirang ama.

"Habang may ipapagawa din ako kay Rima at Mito..sila ang maghahanap sa nilalang na may kakayahan na kontrolin ang salamin..iyon ang pangatlo na kailangan para mapakawalan ang aking asawa..may nakapagsabi na sa Emperyo ng Shinobi ito matatagpuan."

Kung ganoon ang may kapangyarihan pala ng salamin ang pangatlo sa kailangan namin.Naa amin na ang una..ang apat na hiyas.Maglalakbay din pala sina Rima at Mito.

Kailangan namin magawa ang inuutos ng emperador sa lalong madaling panahon.Gagawin ko ang aking makakaya para makatulong..

Pero ang higit sa lahat na mahalaga ay..

Kasama ko si Liu..^________^

yuki_tin13

Ang story po na ito ay side story lang ng kay Miyata at Yumi na Muryou1:Emperyo ng Libre at Muryou2:My Boyfriend is a Sorcerrer kaya hindi po ito ganoon kahaba..depende sa takbo ng story na maiisip ko..Salamat po! 

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now