Chapter 19-Durog na Puso

913 29 0
                                    

Hindi ko akalain na magiging ganito kadali namin na matatagpuan ang nilalang na may kakayahan na malaman ang nakaraan.Natutuwa ako at sa kabila ng pagkatagpo namin dito ay natagpuan din ni Liu ang kakambal niya na hindi namin inaakala na mayroon siya.

Naging maayos ang lahat.Mananatili muna kami dito sa Yuhan hanggang sa matapos ang subastahan..saka kami pupunta ng Subeta kasama si Yuri at tutuloy naman sa Libre pagkatapos.

Kanina ko pa hindi nakikita si Liu..mamaya ng gabi ang simula ng subastahan.

"Yona.."nakangiti na binati ako ni Yuri.

Gumanti din ako ng ngiti.

"Nakita mo ba si Liu?"sabay pa naming tanong sa isa't -isa kaya naman parehas kaming napatawa.

"Hindi eh..kanina ko pa nga siyang hinahanap.."

"Ganoon ba..ako nga din eh..talagang gustong-gusto mo ang kakambal ko ano.."siguradong sabi niya.

"Eh..oo.."napakamot ako sa ulo ko at nahihiya kong sabi.

Napahagikhik siya.

"Gusto din kita para sa kanya..ang ganda mo..bagay kayong dalawa.."kinindatan niya pa ako kaya naman napangiti na ako.

Natutuwa ako na gusto niya ako para kay Liu.Nasasanay na ako sa mata niya at napagtanto ko na hindi naman pala ito nakakatakot lalo na kapag ngumingiti siya.Hindi na niya tinatakpan ng buhok niya ang mata niya at hinahayaan na niya itong mahantad sa amin.

"Pero alam mo masaya ako na malaman na may kakambal pala ako..at si Ryuu.."

Nakita ko na namula ang mukha niya..

"Masaya ka din na malaman na mahal ka ni Ryuu..at alam ko gusto mo din siya.."tukso ko.

"p-aano mo naman nasabi ang bagay na yan?"

"Babae din ako Yuri.."tinapik ko ang balikat niya.."sige hahanapin ko lamang si Liu ha.."at kinindatan ko din siya bago ako umalis.

Lumipad na lamang ako para madali kong makita si Liu.

Nakita ko siya sa lawa kung saan sinabi niya kay Jin na ako ay kanya lamang.Nakatayo lamang siya habang nakalagay sa bulsa ang kanyang isang kamay.

Lumapag ako sa lupa.Inihanda ko na ang ngiti sa labi ko.

"Liu.."

Akma akong lalapit sa kanya.

"Hanggang dyan ka na lamang Yona.."napigil noon ang paglapit ko.

"B-akit?"bigla akong kinabahan sa tono ng kanyang boses.Malamig.

"Isang pagkakamali ang nangyari sa atin..hindi na iyon maaaring maulit pa."malamig na sabi ni Liu.

"Bakit mo ba sinasabi yan L-iu? Hindi ka seryoso sa sinasabi mo hindi ba? Akala ko ba ayos na tayo?! Bakit bigla ka na lang nagkaganyan Liu?! M-asaya tayo kahapon lang..K-aya ko namang hintayin na mahalin mo ako..Humarap ka sa akin at sabihin mong hindi.."nagmamakaawa kong sabi.

Humarap siya sa akin.Nasalubong ko ang malamig niyang mata.Puting-puti at walang kahit na anong emosyon.

"Hindi na dapat maulit ang nangyari sa atin..ikaw lamang ang mapilit,,hindi kita magagawang mahalin Yona.."malamig at pinal niyang sabi.

Pagkatapos noon ay humakbang siya paalis at nilagpasan ako.Pagkalagpas niya ay tuluyan ng bumagsak ang luha na pinipigil ko.

Napaluhod ako sa lupa habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Hindi kita magagawang mahalin..

Yun ang paulit-ulit na tinig na nadidinig ko sa isip ko..

Bakit..

Bakit ganoon kabilis na binawi ang kasiyahan ko?


**********


Maghapon akong umiyak ng umiyak.Hindi ko alam kung gaano kadaming luha ang naubos ko.Nagpapasalamat ako at nung humapon na ay tumigil din ang pagdaloy nito.Namaga tuloy ng husto ang mata ko.

Napagpasyahan ko na kalimutan na lang ang nararamdaman ko kay Liu.Alam ko na hanggang dito na lang ito.Hindi magiging madali para sa akin dahil buong buhay ko siyang minahal simula nung tatlong taon ako pero sa nangyari kanina..

Wala na akong lakas ng loob na ipaglaban pa ang nararamdaman ko.Masakit man pero talagang ayaw sa akin ni Liu..sa isiping iyon ay nais ko na namang mapahikbi.

Kailangang hindi ko ipakita sa kanya na nasasaktan ako.Durog na durog na ako pero hindi ko hahayaan na malaman niya pa iyon.Tama na ang pagmamakaawa ko sa kanya.Ito ang tama..

"Uy Yona bakit paga yang mata mo?Umiyak ka ba?"nag-aalala na sabi ni Jin.Hindi ko na napansin na makakasalubong ko siya sa pasilyo sa lalim ng iniisip ko.

"Eh..naku! Hindi ah..napahaba kasi ang tulog ko kaya nagkaganito ang mata ko..ano ka ba naman!"tinapik ko pa ang balikat niya at tumawa.Hindi ko alam kung tawa nga ba ang lumabas sa akin.nakita ko ang pagdududa sa kanyang mata..pero pagkaano ay tipid din siyang ngumiti.

"Tayo na sa bayan..magsisimula na ang subastahan.."inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Tinitigan ko lamang ito.Pumasok sa isip ko si Liu..baka magalit siya? Ano ka ba naman Yona hindi iyon magagalit sa'yo wala nga iyong pakialam hindi ba?! Binatukan pa ako ng isipan ko.

Sukat noon ay nakangiti na tinanggap ko ang kamay ni Jin.Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya.

Napakadaming tao sa subastahan.Mula sa iba't-ibang bayan at emperyo.Kumpleto lahat ng mga matatandang Lao..nakaupo sila sa pinaka-entablado kung saan nandoon ang mga gamit na pagsusubastahan.

Ang magpipinsan at magkakapatid ay nagkalat sa paligid upang panatilihin na maayos ang subasta.

Nakita ko si Liu na nakatayo sa hindi kalayuan.Nagkatama ang aming mga mata.Walang emosyon ang kanya na napatingin sa kamay ko na nakakawit kay Jin? Sinikap ko na maging wala ding emosyon ang mga mata ko.Napahigpit ang kapit ko kay Jin.Nag-iwas ng tingin si Liu.Huminga ako ng malalim.

"Ayos ka lamang ba?"tiim ang mga mata na tanong sa akin ni Jin.

"Ayos lang..manonood na lamang ako.."

Maayos naman ang subastahan..Malalim na ang gabi ngunit madami pa ding tao.Ang iba ay nakuha na ang mga gusto nilang kagamitan.Marami na ding natipon na pera ang mga Lao.Gagamitin nila ito para sa karagdagang kaunlaran ng Yuhan.

Madaming oras na nakita ko na kasama ni Liu si Yuri.Kahit pilitin ko man na iwasan siya natatagpuan ko minsan ang sarili ko na nakatingin sa kanya.Ramdam ko pa din ang sakit sa tuwing tinitingnan ko siya.Sinisigurado ko lamang na hindi niya makita na nakatingin ako..ayoko ng awa.

Huminga ako ng malalim.Mabuti na lamang at hindi umaalis sa tabi ko si Jin.Kahit paano ay napapangiti niya ako.

Nang marahas kaming napalingon sa nagkakagulong mga tao.

"Anong nangyayari?!"si Jin.

Sa nagkakagulong karamihan ay iniluwa ang mga armadong kalalakihan..! Napakadami nila!

Tila isang hukbo na nakasakay sa matitikas na kabayo!

"Hindi nyo man lamang kami inimbitahan sa inyong munting kasiyahan..sabagay hindi pa namin kami huli hindi ba?"nakangisi na sabi ng lalaki na may asul na buhok na nasa pinaka-gitna..

Sino sila?

Makikisubasta din ba sila??

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon