Chapter 1 (The Beginning)

0 0 0
                                    

CIPHER'S POV

"Cycy anak, bumaba ka na diyan, mag didinner na tayo!" dinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.

"Opo Ma! Bababa na po." tugon ko bago patayin ang computer at bumaba na para kumain.

"Ano ulam Ma?" tanong ko habang pababa sa hagdanan.

"Ano pa ba? Edi yung paborito mong adobo."

"Tinuyo ko yan ng husto tulad ng gusto mo." Pagkasabi ni Mama no'n ay mabilis na agad akong naupo sa hapagkainan.

"Yieeee, si Mama talaga kabisado na ako hahaha, asan si Papa?" tanong ko habang kumakain ng adobo.

"As usual, Overtime nanaman daw sa trabaho, ewan ko ba diyan sa Papa mo at lagi nalang ginagabi nang uwi." Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Mama habang sinasabi niya 'yon.

"Baka naman gusto lang talaga magtrabaho ng mabuti ni Papa para kumita?" Sabi ko kay Mama para medyo mawala ang pagka irita niya.

"Haynakoo... Siguraduhin lang niyang trabaho ang inaatupag niya." Buntong hininga ni Mama bago tumayo at pumunta sa lababo.

"Ilagay mo nalang dito sa lababo 'yang plato  pagkatapos mong kumain , ako na ang mag huhugas ng plato." Pagkasabi niya non ay dumiretso na siya sa kwarto nila ni Papa.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na ang plato sa lababo gaya ng sabi ni Mama at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Narinig kong bumukas ang gripo sa kusina kaya alam kong nag huhugas na ng plato si Mama.

Lalabas na sana ako para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako nang bigla kong narinig ang sigaw ni Papa mula sa kusina.

"Ano! Hanggang kailan ba gaganyan 'yang si Cipher?! 19 yrs old na 'yang anak natin pero nabubully pa rin?!" Dinig kong sigaw ni Papa kay Mama kaya di na ako tumuloy sa paglabas.

Nakinig lang ako sa usapan nila habang may mapait na ngiti sa labi ko
" Hanggang kailan yan aarte na kala mo aping api siya!?!!" dinig kong sabi ni papa.

"Normal lang naman sa buhay estudyante ang ma bully ha??!?" dagdag pa niya.

"Cyrus naman, iba-iba ang sensitivity ng tao, malay mo naman at sensitive lang iyang anak mo?" tugon naman ni Mama.

"Simpleng pang bubuyo lang ng mga kaklase noong freshman siya  di na siya papasok buong buhay niya?!?!, sobrang sensitive naman yata niyang anak mo?!?!"

Di ko na mapigilan ang inis ko kaya naglakad nalang ako papunta sa harap ng computer ko.

"Kasalanan ko bang 'di lang simpleng pang bubully ginagawa nila? haha." Mapait kong sambit sa sarili ko bago buksan ulit ang computer ko at magsuot ng headset. 

Pagkabukas pa lamang ng computer ay pinindot ko na agad ang PCR,  ang laro kung saan malaya akong gawin ang kahit ano.

Nagulat ako sa nag pop-up na notification sa mailbox ko.  wala naman akong kahit sinong ka add na kaibigan para mag message sa'kin.

"Ano naman 'toh? Event ba 'toh? Pero hindi naman lumalabas sa mailbox dati yung mga event ha?" Tanong ko sa sarili ko na may halong pagtataka pagkatapos ko pindutin ang isang mail na 'yon.

"Do you want to escape from reality? Are you tired of living?" Pagbabasa ko sa nakasulat sa Mail na 'yon.

"Ano nanaman 'toh? Scam nanaman ba 'to?" Pagtatanong ko sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon