"Hindi maaring mainlove ka agad sa taong nakilala mo lang online! Crush lang yan! Crush! Paghanga!"
Yan ang mga katagang palaging sinasabi ko sa sarili ko. Bakit nga ba naman ako maiinlove sa isang taong nakilala ko lang online? Nakakausap sa skype at telepono, nakakachat sa facebook at nakakatext sa cellphone.
May pag-asa kaya na totoo ang mga sinasambit nyang salita? O isang malaking katatawanan lang yun para sa kanya. Gaya nung nakatawang emoticon na minsan nyang pinapadala.
Alam ko. Maaring ito ay isang malaking joke para sayo. Pero sinasabi ko. Yung feelings ko mukhang magkakatotoo. At malapit na din akong mabaliw kakaisip saiyo. Sabihin mo kung aasa pa ko. Nang hindi mapalitan ng kalungkutan itong saya na nararamdaman ko.
Para kang messenger chat heads ng mga GC ko. Maya't maya kung mag pop-up sa utak ko. Ikaw na lang yata ang laman nito. Ako na ang napapagod para sayo.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Online (One-shit :)
RandomCan we really find love, online? Maybe yes? Maybe no? No one can tell. It is a matter of luck and misfortune. May chance kaya na maging totoo ang feelings na mabubuo online? Tara. Samahan nyo ko. Let's see where it ends.