Chapter Twenty-Nine

64.7K 1.8K 261
                                    

Chapter Twenty-Nine
My Whole World

Binilang ko ang bawat segundo, minuto, oras, at araw na lumipas. Naging mabagal ang pagtakbo noon pero hindi naalis ang pagkasabik ko na matapos ang isang linggo at kalahati na kasama ko si Grant sa New York. Ngayong nakabalik na kami sa Pilipinas, hindi na ako makapaghintay na gawin ang pangakong binitawan ko bago umalis.

Nakakalakad na si Grant mag-isa. Kumikirot iyon minsan pero ang importante ay maayos na siya. I already played my part. I'm done paying for what I have done. I'm done hurting Rush. I just hope that it's not too late.

"Ready, Maxwell?" napatingin ako kay Grant. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya biglang kasagutan. Ngumiti siya sa akin at tsaka itinuloy ang paglakad palabas ng airport.

New York was a blur to me. The days passed with me waiting for it to end. Hindi naging madalas ang paglabas namin ng bahay. Hindi ako pumapayag kahit na madalas ang pag-aya sa akin ni Grant dahil ayaw kong maudlot ang pag galing niya.

Our days were mostly spent eating, playing xbox, watching movies, and taking walks on the park which is also a part of his therapy. We rarely went out to somewhere far. Siguro ay tatlong beses lang kami umalis para mamasyal. Palagi pa namin kasama ang private nurse niya. I didn't mind. Mas naging pabor nga iyon na may kasama kaming iba.

May tumawag sa pangalan namin ni Grant. Hinanap ng mga mata ko ang pinagmulan ng boses at agad na nakita si Mommy at Tita na magkasama. Malawak ang ngiti nila sa mga labi at napangiti rin naman ako. Napawi din ang ngiting iyon nang inilibot ko pa ang mga mata ko na parang may hinahanap pang iba.

Why do I even bother? I already know that he won't be here. He's done with me. I mentally shook my head, erasing the thoughts that were bothering me.

Tumingin ako kay Grant na nakahinto at nakatingin rin kay Mommy at Tita. Pinisil ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin. "Let's go?"

Ngumiti sa akin si Grant pero hindi nakawala sa akin ang lungkot sa mga mata niya. Lagi kong nakikita ang lungkot na pilit na tinatago niya sa bawat ngumingiti siya sa akin. Simula nang pumunta kami sa New York ay naging ganoon ang lumalabas sa mga mata niya sa tuwing susubukan niyang ngumiti, I just never made a move to acknowledge it and mention it to him.

Hindi pa kami nakakalapit ay sinalubong na kami nila Mommy. Tita pulled Grant for a hug and my mother did the same to me. My mother repeatedly kissed me on my cheeks and I laughed.

"Mom, you're embarassing me." narinig kong sabi ni Grant kaya napahiwalay naman si Mommy sa akin. Ipinulupot niya ang braso sa likod ko at tiningnan ang dalawa.

Nangingiyak si Tita at kung tingnan si Grant ay parang five years old lang ito at ngayon niya lang nakita pagkatapos ng maraming taon. Grant's obviously uncomfortable and annoyed. They were so cute that I can't help but giggle.

"You can finally walk on your own again. I'm so relieved, Grant." malambing na sabi ni Tita Vanessa. Natigil na ang pagtawa ko pero hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi ko. I was so relieved that he's now okay, too, kaya naiintindihan ko ang pagiging emotional ni Tita Vanessa.

"Me too, Mom. I can't wait to get back the office." sumimangot si Tita at mabilis na inangat ang kamay para hampasin si Grant sa braso.

"Ikaw talaga! You need to get checked out by your doctor first. Then you'll rest for a while bago ka bumalik sa trabaho."

"Mom, I've done nothing but rest for almost two months. I wanna get back to work."

Umirap na lang si Tita. "Can we go home first? Gusto mo sa office agad ang deretso?"

"Grant, don't rush yourself to work." I stiffened at my mother's choice of words. Hindi niya iyon napansin pero si Grant ay napatingin sa akin dahil doon. "You have all the time in the world. Hindi naman aalis ang kompanya niyo."

Mean to Be (Mean #2)Where stories live. Discover now