Kabanata 2

101 10 0
                                    

Paalis pa lang ako ng bahay nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Selene:
Asan ka na ghorl? Malapit na magsimula.

I rolled my eyes as I read her text.

Ako:
Magsisimula naman yan kahit wala ako. Duh?

Itinago ko na ang cellphone at nagsimula ng maglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Isang sakay lang naman simula sa bahay namin ang school kaya hindi ako masyado nag-aalala kung matrapik man, saka intrams lang naman ang meron ngayon sa school.

Pagbaba ko pa lang ng tricycle ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao at ang malakas na tugtog galing sa quadrangle. Natanaw ko na din si Selene na lingon ng lingon kasama ang iba pa naming kaklase na kasali sa cheering. Lahat kami ay nakayellow shirt at paldang pang cheering dahil bawat year ay may kanya kanyang color coding, sa first year ay green, second year ay yellow, third year ay blue at sa fourth year ay red. Hindi naman sobrang dami ng estudyante dito kumpara sa iba kaya halos magkakakilala lang lahat. Dalawang section nga lang ang bawat year level.

"Sana maperfect natin yung routine at wag tayong magkamali." Rinig kong sabi ng leader namin sa pagsasayaw.

Dalawang araw lang kasi nagpraktis. Hindi naman pagalingan yung sa sayaw, parang performance lang ng bawat year pero syempre kelangan e wag pa din magkamali para sa ikagaganda ng palabas.

"Kaya yan! Ibigay lang natin ang best natin at wag mapressure." Tanging nasabi ng kasamahan pa namin.

At hindi nagtagal ay nagsimula na nga ang program. Mga welcome remarks galing sa principal at sa ibang teacher. May isang performance lang galing sa music club at ang kasunod na nun ay yung cheering performance. Lahat ng kasali ay nakaupo sa quadrangle at nakahilera ang bawat grupo.

"Palakpakan naman natin ang Music Club sa kanilang magiging performance." Kinikilig na sabi ng host.

"Hooo..."

"Go baby!"

"Go Kean!"

"Harvey lang malakas!"

Kanya kanyang palakpak at sigaw ang mga estudyante habang nagpeperform ang mga miyembro ng music club.
Matapos nun ay isa isa ng tinawag ang mga grupo na magpeperform para sa cheerdance performance. At syempre nauna ang ang first year.Kabadong kabado na kami dahil kami na ang susunod.

Maayos naman namin natapos ang performance, may nagkamali man ay hindi na pinahalata. Pagkatapos nun ay nagkayayaan na pumunta sa canteen dahil nagutom kaming lahat sa performance na ginawa.

"Sab, wait lang. Antayin mo ko. May kukunin lang ako sa locker room." Nagmamakaawang sambit ni Selene.

Tumango na lang ako dahil wala din ako magagawa dahil makulit tong isang to.

"Dito na lang kita hintayin sa labas." Sabi ko pagkadating namin sa locker room.

"Sige. Wag mo kong iwan ha?" Natatawang banggit nya at pumasok na sa loob.

Inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko ng matanaw ko ang iba namin kaklase na player pala ng basketball. Beat ng drums at gitara ang naririnig ko ng palapit na sila.

Lapit ng lapit, ako'y lalapit
Layo ng layo, ba't ka lumalayo
Labo ng labo, ika'y malabo
Malabo, tayo'y malabo.

Sabay sabay nilang kanta at sabay sabay din nilang tingin sa akin ng madaanan ako. Pinagtaasan ko sila ng kilay na parang tinatanong kung 'anong problema nyo?' At sabay sabay din silang nagtawanan. Mga baliw!

"Hi Ysabel.." Sabay sabay nilang banggit.

"Bakit?" Mataray na tanong ko naman.

"Nood ka ng game namin mamaya." Sambit ni Kent.

"Sure! Excited na nga ako. Ichecheer ko kayo. Wala kayo mapapala dyan kay Ysabel." Biglang singit ni Selene na nakabalik na pala galing sa loob ng locker room.

"Huy! Manonood naman talaga ako dahil sila yung susuportahan natin di ba? Kasi ka year level natin sila di ba? Ikaw talaga Selene may masabi ka lang e."

"Ay oh. HB ka na naman madam. Una na kami guys, gutom na ang prinsesa e! Bye!" Natatawang sambit ni Selene

Dahil dalawang section nga lang ang second year e magkahalo na ang player ng section A at section B. Hindi naman sa minamaliit ko pero malabong mangyari na manalo sila sa fourth year dahil kahit kelan ay wala pang nanalo na lower year sa mga senior nila. Well, opinyon ko lang naman yun. Galingan na lang nila.

"Sure ka manonood ka?" Tanong ni Selene habang naglalakad kami papunta ng canteen.

"Huh? Oo naman. Wala naman akong ibang gagawin dahil wala naman akong sinalihan na laro. Bakit? Ayaw mo ba?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah. Hindi naman. Buti nga at manonood ka, mapapanood mo si Harvey maglaro ng basketball." Excited na tugon niya.

"Oh? Akala ko puro gitara at kanta lang sya. Marunong din pala magbasketball." Inosenteng sagot ko.

"Oo naman. Magaling yun. Kung hindi lang sya transferee e sya ang captain ball ng batch natin." Sagot nya.

"Ang dami mong alam tungkol sa kanya. Crush mo ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Nanlaki ang mata nya at hindi nakasagot agad. Tinitigan nya ako na parang may masama akong sinabi.

"Ano ka ba? Alam mo naman kung sino ang crush ko di ba? At malayo sa type ko yang si Harvey. Kadiri ka! Maghunos dili ka nga sa pinagsasabi mo." May paikot mata pa nyang sabi.

"Ganun? E bakit ang dami mo alam sa kanya at banggit ka ng banggit ng pangalan nya?"

"E kasi nga magkapitbahay kami diba? At..  Nagkakuwentuhan lang kami minsan. Alam mo na, tungkol sa buhay buhay. E ikaw?"

"Anong ako?" Tanong ko.

"Anong masasabi mo sa kanya?" Tumataas taas ang kilay na sagot nya.

"Wala naman, hindi ko naman sya masyadong kilala. Kakapakilala pa lang sa amin di ba? At tingin ko hanggang dun lang naman yun."

I don't think we will become friends in time. He had this aura that is intimidating and I feel awkward when he's around, just like the last time.

"Ay. Di mo sure!" Sagot nya na nangingiti pa.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now