Kabanata 27

17 5 0
                                    

Tulog na silang lahat pero ako ay mulat na mulat pa at iniisip ang mga nangyari kanina. Lumabas ako para magpahangin at magmuni muni tungkol sa mga bagay bagay.

Umupo ako sa isang bench sa labas ng tinutuluyan namin. Nakatingala ako sa langit at binibilang ang mga bituin,nakakarelax.

"H-hi.." Si Harvey na naman. "Hindi ka makatulog?" Dugtong nya.

Hindi ako nagsalita, ang alam ko nag-iiwasan kami nito eh. Buti at pinansin nya ako ngayon.

"S-sorry kung hindi ka komportable kanina." Hinayaan ko lang syang magsalita, nakatingin pa din ako sa langit.

Nang hindi ako magsalita ay tumugtog na lang sya sa kanyang gitara. Natuwa ako na ginagamit nya pa yung pick na regalo ko.

One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you..
Right next to you..
Nothing will ever come between us
Coz I'll be standing right next to you.. Right next to you..

Pagkatapos nyang tumugtog ay tumingin sya sa akin sa seryosong mga mata. Ilang beses na ba syang kumanta sa harap ko na kaming dalawa lang? At ilang beses nya akong tititigan ng ganyan na parang sa akin nya inaalay ang kanta.

Tumingala din sya at ginaya ako. Iniangat nya ang kamay nya na animo'y sinusukat ang pagkakalayo ng mga bituin.

"I always wait for the shooting stars at night and wish that my feelings for you will fade away." Sambit nya na nakatingin pa din sa langit.

Napasinghap ako. Pang-ilang beses na din syang nagtapat sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

"Nung unang kita ko pa lang sayo, sabi ko sa sarili ko na gusto talaga kitang makilala. At nung pinakilala ka sa akin ni Nikko, sobrang saya ko.." Tumingin sya sa akin at ako naman ngayon ang nakatitig sa kanya.

"Pero ngayon naisip ko, sana hindi na lang kita nakilala.. Sobrang hirap mong kalimutan." Seryoso nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "Tandaan mo ang araw na to o kahit hindi na dahil hindi naman ako importante sayo.. Dahil simula ngayon, isusuko na kita. Papalayain ko na yung nararamdaman ko sayo para maging masaya din naman ako kahit hindi ikaw yung kasama ko.. Kahit hindi ikaw yung kausap ko.."

"H-harvey.." Seryoso kong tawag ko sa kanya.

Tumayo sya sa harapan ko at binitawan ang gitara nya.

"Gusto ko lang malaman mo na nirerespeto ko yung desisyon mo, na ayaw mo sa akin kaya hindi mo ako kayang bigyan ng chance.." Nasasaktan nyang saad sa akin.

Tumungo sya at hinalikan ang noo ko bago umalis sa harapan ko.

"H-harvey.." Tawag ko sa kanya nung nakailang hakbang na sya palayo.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya. Tumawa sya pero ramdam ko ang sakit doon.

"S-sorry.." Yun lang ang nasabi ko.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, hindi mo kasalanan na magkaiba tayo ng nararamdaman. Hindi ko na ipipilit yung sarili ko sayo." Sabi nya at niyakap pa ako pabalik bago tuluyan ng pumasok sa loob.

Matagal pa akong umiyak ng umiyak sa labas at iniisip kong gaano ako katanga na hindi ko man lang kayang sabihin sa kanya na gusto ko din sya at natatakot ako. Pumasok ako sa kwarto at humiga na, nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa makatulog.

Parang kakapikit ko lang pero ginigising na ako ni Selene.

"Girl, ano na? Maaaga ang exercise natin." Paalala nya sa akin.

"Hmm.. Saglit lang." Sabi ko at tinanggal ang unan na nakapatong sa mukha ko.

"Bakit ganyan yung mata mo? Umiyak ka ba? Anong nangyari?" Natatarantang tanong nya.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now