Chapter 73

22 4 5
                                    

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan at malalim ang iniisip. Di naman ako ginulo ni Nico kasi alam niyang sasabog talaga ako pag ginawa niya yun. Natigil ako sa pag iisip ko nang na familiar ko yung lugar na dinaanan namin.

"Nico, stop the car."

"What? Wae?"

"Just stop the car."

Tinigil niya naman ang sasakyan sa eksaktong lugar na kinamimissan ko. Yung dating bahay naming apat. Agad akong bumaba at naglakad papasok.

"Zay, where are you going? Do you know this place?"

Hinarap ko siya pero nagpatuloy pa rin ako sa paglakad patalikod.

"You don't remember? This was my house, we met after the party right there." Tinuro ko ang munting playground na parang wala namang pinagbabago.

Lumiwanag naman ang mukha niya, naalala niya na siguro. Nagpatuloy ako hanggang sa nakapasok ako sa loob. Sumunod naman si Nico sa'kin.

Parang walang pinagbago ang sala pagkapasok ko. Ganun pa din ang pwesto ng nga furnitures. Pumasok ako sa kusina at medyo nagulat na binago nila yun. Yung ref ay nasa tabi na ng pasukan sa kusina. May mga nadagdag ding high chair sa may counter. Lumabas ako sa kusina at nagtungo sa hagdan. Nakita ko pa si Nico na tinitignan yung mga pictures naming apat.

"Matagal na pala talaga kayong magkaibigan no?" Tumango ako. "So kayong apat ang nakatira dito?"

"Oo, noong high school. Mga bulakbol kami nun eh, kaya pinatira kami sa iisang bahay para daw malaman at matuto kami pano maging independent. Pero binibigyan pa din nila kami ng pambili ng mga pagkain every month." Iling iling kong sabi. "Bale para sa kanila punishment yun, pero para sa amin sleep over yun for the whole school year HAHAHAHAHAHA!"

Di rin naiwasan ni Nico na matawa.

"Pero effective din naman kasi naging matino kami. I think. HAHAHAHAHAHA!"

Napailing iling lang si Nico at tinignan muli ang mga pictures.

"Akyat muna ako, titignan ko lang kung may pinagbago ba yung mga kwarto."

"Sige sige, susunod ako."

Umakyat na ako, halata na matagal tagal na silang umalis sa bahay na ito dahil maalikabok na ang hawakan ng hagdan.

Unang napadaan ako sa kwarto ni Yan. Hers has a sunflower pinned at the door. She's obsessed with yellow and sunflowers. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nabago ang position ng bed niya pati ang ibang furnitures.

Sunod naman akong pumasok sa kay Jheila. It's so obvious na kwarto niya ito kasi pink yung pintuan. Pagpasok ko ay parang isang kwarto ng prinsesa kasi puro pink at white yung mga gamit. Ganun pa din naman ang position ng mga furnitures at bed niya. May nakatatak pa sa bungbong niya na famous motto niya sa buhay.

"You can never go wrong with pink."

Napailing nalang ako at lumabas na tsaka nagtungo sa kwarto ni Nyx. May mint green motif yung pintura ng kwarto niya at kulay puti yung mga gamit. Ewan ko lang kung bakit ang gulo dito. Parang dinaanan ng bagyo. May iilang nabasag din sa sahig. Hindi ko nalang tinuunan yun ng pansin at nagtungo sa kabilang kwarto. Ang kwarto ko.

Nostalgic feeling hits me as I opened my door. Ganun pa din ang ayos nito noong umalis ako. Medyo magulo, di na kasi ako nag abalang maglinis pa.

Umupo ako sa kama ko at biglang bumalik lahat ng alaala at sakit na dinanas ko gabi gabi noong nalaman ko pinaglaruan niya lang ako. Lalong lalo na noong kakagaling ko lang sa NYC.

The Power Of Love (TGCL # 2)Where stories live. Discover now