Chapter 74

18 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas na ang reunion namin. Nagsimula na din kami ni Nico na magtarbaho sa company namin dito sa Manila. Medyo busy din kaming apat kasi kasama kami sa main sponsors sa reunion.

Nandito kaming apat sa isang coffee shop malapit sa condo ko. Nakalabas ako sa opisina kasi free ang schedule ko ngayon. Si Nico na din ang binilin kong magbahala sa company habang wala ako. Ngayon lang ulit kami nagkasama-samang apat.

"So ano na ang ganap sa mga buhay niyo?" I asked after sipping my coffee.

"Nothing much. Jay and I are still going strong together." Yan replied.

"Edi sana ol, tanginang yan." Sabi naman ni Nyx at sumipsip sa coffee niya.

"Oh ikaw? Kayong dalawa ah may utang kayo na chika sakin." Turo ko sa kanilang dalawa ni Jheila.

"Actually sa past five years andaming nangyari talaga sa buhay natin. Lalong lalo na sakin." Simula ni Jheila.

"Oh tulad ng?"

Medyo matagal siyang hindi nakasagot sa tanong ko kaya si Nyx ang sumagot.

"My twin cheated on her."

Napatingin naman si Jheila sa kanya samantalang ako ay gulat na gulat sa narinig ko.

"What the fvck?" Naiusal ko lang.

"Well yes, but guys I think this is the perfect time na sasabihin ko na sa inyong tatlo talaga para wala na akong secrets na maitatago pa sa inyo."

"Sige go, spill." Sabi ni Nyx.

"Uhmm... I have a daughter." Pahina na pahina niyang sabi na mas lalong nakapawala sakin sa realidad.

Napatitig ako sa kawalan. Pilit na prinoseso sa utak ko ang narinig ko. Napatingin ako kay Jheila at nakayuko lang siya.

"What in the world did you just said?" Ani Nyx.

"May anak ako."

"Buntis ka?!" Napatakip si Nyx sa bibig niya.

Nagulat nalang kami nang bigla siyang tumayo at yumakap kay Jheila. Kahit ako ay sobrang saya ko dahil may susunod ng bubuo sa grupo namin.

"Oh my gosh bitch I'm gonna be a fvcking tita!"

Di namin maiwasan ni Yan na matawa sa reaksyon niya.

"Actually, nanganak na ako."

Natigilan kami ni Nyx, si Yan ay nanatiling kalmado.

"What?" Sabi ko.

Bumalik si Nyx sa upuan niya.

"Three years ago I gave birth to my daughter."

"Teka teka, so sino yung ama? Si Drake o si Ken?"

"Si Ken." Kalmado niya akong sinagot.

Nanatiling tahimik si Nyx kaya napatingin ako kay Yan.

"Ikaw wala kang sasabihin?" Tanong ko sakanya.

"Alam ko na yan. Alam na namin ni Jay yan noon pa man." Sabi niya.

Hindi talaga ako makapaniwala.

"What? But why didn't you tell me? After what you've been through all these years?" Ani Nyx na tila hindi rin makapaniwala.

"Your brother cheated on me Nyx. I was scared that you might tell him that time. Baka kunin niya sakin yung anak ko."

"You don't trust me?"

The Power Of Love (TGCL # 2)Where stories live. Discover now