Chapter 3: Blurry Memories

3 2 0
                                    

Chapter 3
Blurry Memories

Isabelle

•     •     •     •

Parang ang ganda ng tulog ko ngayon, ah. Muntik pa akong bumangon ng maaga nang maalala kong Sunday pala ngayon. Nag-unat unat ako at saka niyakap 'yong unan na katabi ko. I unconsciouly sniffed the pillow and it smells so nice.

It smells so nice at sa sobrang bango, I knew that it was not my scent. Mas lalo pa akong natakot nang may narinig akong umuungot sa tabi ko. Napatayo ako bigla at saka tumingin sa kabilang side ng kama.

I saw Marco Yulo sleeping on a fetus style while hugging a pillow. His moisty lips were slightly pouting and left cheek was squished on the pillow he was hugging. Ang laki niyang tao but seeing his situation right now, he's a big baby.

Malawak ang kama niya kaya I'm sure hindi kami nagdikit. I looked at the spot of the bed from where I get up. He was far from where I slept.

I saw a cheval mirror somewhere in the right corner of his room from where I was standing. Pumunta ako roon at tinignan ang suot ko.

I was still wearing the clothes he lend me. Ang laki ng sweater niya but it's comfy. Same with his pajama. Hingiin ko na lang kaya? Charot lang pero. Baka kapag sinabi ko ibigay niya kaagad. Like this midnight, earlier, muntik na siyang magbigay ng pagkain. Akala niya siguro bigayan ng relief goods itong nangyayari.

Yakap ko pa rin 'yong isa sa mga unan niya. Ayoko namang isipan siya ng masama. He's actually kind enough to let me sleep here. Kwarto niya naman ito, eh. Hindi dapat ako magreklamo.

"Marco..."

Napatingin ako sa pinto when someone knocked while calling for the man who's still sleeping. She sounds like in her late forty's or early fifty's. I was dazed by the sudden happening. Inisip ko pa kung saan ako magtatago.

Si Marco naman tulog na tulog pa rin. Hindi ko alam gagawin ko. Baka mamaya biglang pumasok 'yong kumakatok. I went towards Marco who's still sleeping soundly. With the pillow I'm holding, hinampas ko ito sa katawan niya na nagpagising naman agad sa kaniya.

"Huh?!" Lumingon lingon pa siya sa paligid niya.

His eyes were still sleepy and his hair's a mess but it still looks good. Humikab siya at nagkamot sa tagiliran niya making his shirt go up a little bit. Iniwas ko ang tingin ko at baka madagdagan pa ang mga kasalanan ko.

"There's someone calling for you." I half-whispered. Sa sobrang tahimik ng bahay niya, baka naririnig kami sa labas.

"Beautiful...are you my wife? But, I don't have a wife. Hala..."

Gising na ba 'to? Kung ano ano pinagsasasabi.

"Thanks—tangek, hindi. Wife ka d'yan."

Parang noong isang gabi lang pinagkamalan niya akong stalker at thief tapos ngayong sabog ako, wife daw.

"Marco. Alas-sais na ng umaga. May balak ka bang bumangon? Ikaw 'ata ang magbabantay ngayon kay Ethan."

'Yong singkit niyang mata ay biglang lumaki at tumingin sa akin na parang nagtataka. Nang kumatok ulit 'yong tumatawag sa kaniya, hinila ko na siya patayo at tinulak papunta sa pintuan. Nahirapan pa ako kasi ang bigat niya. Nagtataka pa 'ata siya kung bakit siya naglalakad sa pinto. Humikab ulit siya saka nagkamot ng puwet. Natatawa akong tumalikod. Kanina pa ako nagkakasala, ah.

First Arrow: DelayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon